KABANATA 17

63 5 0
                                    

Kabanata 17

"O, iho! Paano mo nalaman ang bahay ko?" Tanong sakin nung matanda pagkatapos kong kumatok ng napakalakas, yung tipong lahat ng kapitbahay magigising dahil sa lakas.

"Nasan si Angela?! Ilabas mo siya! Iuuwi ko na siya!" Sigaw ko.

"Sandali iho, wag ka namang sumigaw. Mabubulabog yung mga kapitbahay."

"Wala akong pakielam! Ilabas n'yo si Angela!"

"Tulog na siya. Halika pumasok ka muna sa loob. Ang ingay ingay mo d'yan! Hala sige, halika na!" Di ko na hinintay pa yung matanda. Diretso akong pumasok sa bahay niyang hindi kalakihan. Kung ikukumpara sa bahay namin, bahay lang to ng aso.

"Angela! Angela, halika na, uuwi na tayo! Labas ka na dyan!"

"Wag ka ngang maingay! Sandali lamang at gigisingin ko. Tss. Kasalanan mo naman kung bakit ko siya inuwi dito. Iniwan mo siya doon sa karinderya ko! Abay gusto ba naman na maghintay sa labas ng kainan! Talaga kayong mga bata sa panahong ito oo! Di mo mawari ang takbo ng isip! Magising na nga iyon at nang makaalis na kayo dito." Pumasok siya sa isang kwarto kaya sumunod ako. Nilampasan ko pa siya na parang ako ang mayari ng bahay.

"Angela!" Sigaw ko nung makita si Angela at agad na lumapit sa kamang hinihigaan niya. Nagising naman siya agad.

"N-nazer? Nazer!" Napabangon siya at agad na yumakap sakin. "Sabi na nga ba babalikan mo ako e!" Bumaling siya sa matanda na nakatayo malapit sa may pinto at pinanonood kami. "Sabi sayo Lola, babalikan niya ako!"

"Oo nga, binalikan ka. Nambulabog pa nga ng kapitbahay."

"Halika na. Tumayo ka na d'yan at uuwi na tayo." Inalalalayan ko siya sa pagtayo.

"Sandali. Paano si Lola Vdiola? Wala siyang kasama dito."

"Hayaan mo na ang matandang yan." -Ako

"Wag mo na akong intindihin." -Matanda

Magkasabay naming sabi nung matanda. Napatingin ako sa matanda dahil don. Tumingin din siya sakin at sinamaan ako ng tingin bago binalik kay Angela.

"Okay lang ako dito. Basta ilayo mo na itong maingay na to." Ako naman ngayon ang nagsama ng tingin sa matanda.

Alam ko na kawalang galang ang tawag ko sa matanda. E hindi ko naman alam ang pangalan niya, tsaka ayoko namang tawagin siyang Lola gaya ng tawag ni Angela sa kanya. Hindi ko naman siya kaano-ano. Hindi pa nga ako kumbinsido na inalagaan niya ang Mommy ko.

"Pero Lola--" Pinutol ng matanda ang sasabihin pa ni Angela.

"Sige na! Umuwi na kayo at nang makapagpahinga na tayo pare-parehas."

"Sige po. Salamat po sa pagpapakain n'yo po at pagpapatuloy n'yo po sakin dito sa bahay n'yo. Babalik po ako dito. Pangako po yan." Sabi ni Angela doon sa matanda. Kailangan ba talagang may po sa bawat salita? Nakakaridi, paulit ulit!

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon