KABANATA 27

39 6 5
                                    


Kabanata 27

Angela POV

"I'm exhausted!" Reklamo ni Leia. katatapos lang ng isang group activity namin sa p.e at mukhang naubos ang energy ni Leia sa ginawa namin.

Isang buwan na ang nakalipas mula nung simulan ko ang pagiimbistiga sa nangyari kay Strawberry. Parati akong dumadaan sa bahay tuluyan na yun tuwing uwian, pinapayagan naman ako ni Nazer pag nagpapaalam ako na hindi sasabay sa kanya pauwi. May mga oras na hindi siya papayag pero papayag din kalaunan, lalo na kapag tinatanong ko na sa kanya kung saan siya pumunta at anong ginawa niya nung gabing sinundan ko siya at napunta sa gusaling maraming ilaw na bar pala ang tawag. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam ang ginawa niya nung gabing iyon, iniiwas niya ang usapan pagnagtatanong na ako. Feeling ko nga, ayaw niyang sabihin sakin. Siguro kalokohan ang ginawa niya non!

Marami na akong nalaman sa mga araw na lumipas, tungkol sa insidente na may kinalaman kay Strawberry at sa tulong iyon ni Leo. Sa kanila kasi ang hotel na iyon at nagprisinta siyang tutulungan ako. Sabi niya na meron nga daw nangyari sa hotel pitong taon na ang nakakalipas, na naging dahilan ng muntik nang pagsara nito.

May nangyaring pagpaslang sa garden area ng hotel. Dalawang babae ang nakitang patay sa garden na hindi alam ang sanhi ng pagpaslang. Dalawang linggong inimbistigahan ang nangyari pero natigil din dahil sa biglaang pagkamatay ng pulis na humahawak ng kaso. May mga sabi sabi na pinatay daw ito dahil alam na niya kung sino ang may salarin. Hindi na muling naimbistigahan dahil walang gustong humawak ng kaso sa takot na baka ipapatay din sila at walang ring pamilya ang nagclaim sa dalawang babae. Kaya hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung sino ang pumatay sa dalawang babae. At malaki ang posibilidad na si Strawberry ang isa sa mga babaeng yun.

"Ahm..Nazer, hindi ako sasabay sa inyo ulit ngayon. May pupuntahan kasi ako." Paalam ko kay Nazer. Nasa classroom pa kaming tatlo at nagaayos na ng gamit para umuwi. Pagtapos ng p.e ay dumiretso na kami agad dito dahil yun na ang huling klase.

"Ulit?" Tanong ni Leia, lumapit siya sakin at bumulong. "Alam ko naman na kaya mo ito ginagawa ay para magkaroon kami ng quality time ni Nazer my loves pero, pwede ka namang magpass muna ngayon."

"Hindi pwede!" Napalayo agad si Leia sa tabi ko sa di pagsangayon ni Nazer. "May lakad tayo bukas kaya kailangang maaga matulog."

Tapos na ako sa pagaayos at sinabit ang bag sa balikat. Handa nang umalis sakali mang payagan ako ni Nazer. "Saglit lang naman ako. Promise uuwi rin ako agad!"

"Hindi! Mas importante na ba ngayon sayo yang tsonggo na yan!? Nililigawan ka ba niya?!"

"Si Leo? May relasyon kayo ni Leo?" Gulat na tanong ni Leia. Tapos na rin siya at nakasabit na rin ang bag sa balikat.

"Wala silang relasyon!" Si Nazer ang sumagot. "Ang alam ni tsonggo, ako ang boyfriend ni Angela at mananatiling ganon!" Agad siyang lumabas ng classroom matapos sabihin yon.

"Bakit ganon?" Nagtatakang tanong ni Leia.

"Mahabang kwento."

Magkasabay kaming lumabas ni Leia at habang naglalakad ay kinukwento ko sa kanya ang mga nangyari kung bakit ganon ang alam ni Leo tsaka sinasagot ko rin ang mga tanong niya. Kasama na don ang dahilan kung bakit ko parating kasama si Leo tuwing uwian. Sumabay din ako sa kanila pauwi dahil hindi ako pinayagan ni Nazer. Tinext ko na lang si Leo na hindi ako pwede ngayon.

-

Nazer POV

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Angela. Di ko siya sinagot.

An Angel Inlove With The Badboy (AAIWTB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon