Kumuha siya ng dalawang orange gamit ang magkabilang kamay niya at napangiti dahil fresh at malalaki iyon.
Biglang may kung anong pumatong sa tuktok ng ulo niya at sumilip sakaniyang tabi si Jerome na may matamis na ngiting sumalubong sakaniya.
Hindi niya naiwasang pang-initan ng mga pisngi habang magkatitigan ang kanilang mga mata. Ngayon alam na niyang kanang kamay nito ang nakapatong sa ulo niya.
Ang takaw mo sa orange diba ubas ang favorite mo? anito na nakasilip padin kay Byenn na siyang kina-iwas nito ng tingin at parang sasabog ang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok nito.
Naramdaman niyang umayos ng tayo si Jerome at mas tumabi sakaniya tsaka bumaba ang kanang braso nito sa kanang balikat niya kaya lumabas na nakaakbay na ito ngayon sakaniya.
Para siyang napako sa kinatatayuan dahil sa presensiya ng binata. Dahil kung kumilos ito ay parang wala lang nangyari habang siya ay umuurong ang dila at tila napipi na.
Kumuha din ito ng isang orange at ngumuso which she find it cute pero mabilis napailing sa isipan niya.
Nanggaling ako sa ospital. anito bigla na siyang kinalihis ng lahat na gumugulo sa isipan ni Byenn at umangat ng tingin sa katabi ng may pag-aalala sa mukha.
Nakatingin lang ito sa hawak na orange bago bumaling sakaniya at bahagyang ngumiti. Marahan pa nitong hinaplos ang gilid ng ulo niya ng kanang kamay nito.
Don't worry. Walang masamang nangyari kay Lola. Ang sabi ng doktor biglang tumaas ang blood pressure niya pero normal na din ulit ang lagay niya. Hintayin nalang natin na magising siya. paliwanag niya kay Byenn na pawang nabunutan ng tinik dahil sa pag-aalala sa kalagayan ng Lola nila.
*sighs* It's a relief then. aniya at napayuko. Nakatingin lang sakaniya si Jerome.
Pinaharap niya si Byenn sakaniya dahilan para muli nitong i-angat ang mukha sakaniya. Nagkatitigan lang sila ng muling magsalita si Jerome.
Byenn... aniya ngunit pareho silang napalingon sa entrada ng kusina ng madinig ang boses ng ama ni Jerome na si Brett.
Mabilis hinila ni Jerome si Byenn sa likod ng pader kung saan hindi sila makikita kaagad ng kung sino mang papasok sa kusina.
Manang? Manang Muning? boses ni Brett na sumilip sa kusina at hinahanap si Manang Muning. Pero ng wala siyang mamataang tao sa kusina ay umalis rin kaagad ito kaya nakahinga ng maluwag ang dalawa na muling nagkasalubong ang mga mata.
Napansin nalang nila na sobrang lapit pala ng kanilang mga katawan kaya biglang nailang si Byenn. Napababa ang tingin niya sa tapat ng dibdib ni Jerome at sunod-sunod na napakurap. Unti-unti namang lumayo si Jerome at napatikhim.
Ahm. Pasensiya na. sabi niya na siyang bahagyang kinailing ni Byenn.
Ah. Akyat na ako. turan ni Byenn at umalis ng hindi na hinintay pang makapagsalita si Jerome.
Halos patakbo na siyang umakyat ng hagdanan at huminto lang ng tatlong metro nalang ang layo niya sa pinto ng kaniyang kwarto. Napapikit siyang tinapat ang palad sa dibdib.
That was close. Pano kung nahuli kami ni Tito? aniya at umiling bago humakbang ng mapasinghap siya dahil sa gulat ng paghila ng kung sino sa kaliwang wrist niya.
J-jerome. utal niyang sabi sa pangalan nito. Like her he's gasping for air.
Tumakbo ba siya? aniya sa isipan.
A-anong ginagawa mo, baka may makakita satin. turan niya at tumingin sa paligid. Pero si Jerome ay nakatuon lang ang buong atensiyon sa hindi mapakaling si Byenn. Bahagyang gumalaw ang panga niya at hinila ito papasok sa kwarto nito.
