33:The Passed Away

10 2 0
                                    

Sa Christmas eve make sure na walang may lakad dahil sama-sama tayong magce-celebrate ng pasko. sabi ni Shirley sa lahat ng kasama sa hapag kainan.

Opo. sabay-sabay naman na sagot ng mga bata ng maaliwalas ang mga mukha.

Ooh... Nakakaramdam ako ng magandang aura sa paligid. pansin ni Jeremy at sinenyas pa ang mga kamay sa ere.

Tama ka diyan hipag. sang-ayon naman ni Chelsie sa lalaki.

Masayang nag-uwian ang mga bata kagabi sigurado akong may magandang nangyari. Tama ba ako mga bata? may panunuksong ngisi na binalingan ni Brent ng tingin ang magkakatabing naka-upo sa hapag na sina Mayenn, Byenn at Jerome.

Tama kayo, Tito. Masyadong maraming magandang nangyari kahapon. Nanalo ang team ni Jerome at nagkaroon ng selebrasyon dito. ani Mayenn at saglit nilingon si Byenn.

At nagawa po naming makasama si ate Byenn sa pamamasyal sa University at ipakilala sa mga kaibigan namin. aniya na kinagiliw namang marinig ng mga nakakatanda.

Byenn, iha. Nasiyahan ka rin ba sa pamamasyal ninyo? tanong ni Lola Lourdes sa dalaga na kinatango niya.

Opo, Lola. Nasiyahan po ako. Mababait ang mga kaibigan nina Mayenn at Jerome. sagot nito na kinapanatag ng matanda at ngumiti sabay tango-tango.

Nagpatuloy sila sa pagkain pero si Mayenn ay biglang naalala ang mga titig at pagpansin lamang ni Kyle kay Rachelle kaya napawi ang maaliwalas niyang ngiti habang kumakain.

Nga pala, Mayenn malapit na ang kaarawan mo. May plano kana ba? ani Shirley ng nakatingin sa gawi ng anak.

Po? pawang hindi narinig ang tinuran ng kaniyang ina.

It's your 18th Birthday, tinatanong ko kung anong plano mo? anito.

Tama ang Mama mo, anak. Gusto mo bang dito nalang sa mansion mag-celebrate o sa labas? sang-ayon naman ni Jeremy sa asawa.

Bahagyang nilapit naman ni Byenn ang mukha sa tapat ng tenga ni Mayenn at bumulong.

It's your 18th Birthday and your parents give you permission to decide about it. You'll be in a legal age at gusto na nilang pagkatiwalaan at suportahan ka sa ano mang magiging desisyon mo. Magkakaroon na sila ng dalaga. masayang turan ni Byenn at lumayo na.

Nang maintindihan ang nais iparating ng mga magulang ay nagbunyi ang kaluluwa niya at malapad na ngumiti.

Talaga po? Gusto niyong ako na mismo ang mag-decide sa darating na kaarawan ko? excited niyang turan sa mga ito na sinuklian naman ng mag-asawa ng ngiti at tango kaya muling nagbunyi ang mga red blood cells niya sa katawan.










Isang beach party? ani Byenn sa pinsan na naka-indian seat sakaniyang kama habang may yakap na unan.

Hm! nakabungisngis namang sagot nito tsaka na-upo si Byenn sa paanan ng kama.

Kung ganun payag sina Tita na mag-celebrate ka ng debut mo with just your friends and not them? takang tanong ni Byenn na kinailing ni Mayenn.

Ate, hindi iyon. Syempre, hindi sila papayag pag ganun. Ang ibig kong sabihin... sabay luhod habang akap parin ang unan na may mukha ni Sehun ng EXO.

Sa araw mismo ng debut ko, magkakaroon ng simpleng handaan lang dito sa mansion kasama ang buong pamilya at mga kaibigan pero ang totoong highlight talaga ng birthday ko ay ang trip na tayo-tayo lang na youth ang magkakasama. Diba ang saya, nun? Imagine, walang magbabantay at malaya akong magkikikilos ng walang magulang na sisita. Yhiiiee! Excited na ako. impit na tili nito at niyakap ng mahigpit ang unan.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon