You can stay here for awhile. I'll inform the others that you're gone for a walk. You'll have an hour and a half to take a nap para na rin mawala ang pagkahilo mo. Lumabas ka nalang pag okay na ang pakiramdam mo. ani Byenn ng mai-upo si Kyle sa kama.
Tatalikod na si Byenn para lumabas ng magsalita siya.
Yung kanina... turan ni Kyle kaya nilingon siya ni Byenn.
Magpapanggap nalang ako na hindi iyon narinig. she sighed
Huwag mo ng aalahanin pa iyon. Magpahinga ka na. anito bago tuluyang lumabas ng villa nito.
Napabuga naman ng hangin si Kyle at hinayaang bumagsak ang katawan sa kama tsaka tinakpan ng kanang braso ang mga mata.
Nasisiraan kana. turan niya sa sarili at inalis ang braso sa pagkakatakip sa mga mata. Diretso siyang tumingin sa kisame.
Maya't-maya lang ay tinapat naman niya ang kanang palad sa tapat ng puso niya.
May pinaglalaanan kana ng puso mo... pero bakit... bakit naguguluhan ka? turan niya sa isip.
Naka-upo si Jerome sa kama niya habang nakasandal sa headboard at tinitignan ang mga kuha niya sa camera na regalo sakaniya ni Byenn.
Magaganda ang mga naging kuha niya pero mas lumawak ang mga ngiti niya sa labi ng sunod-sunod na ay halos kuha niya kay Byenn na lahat ay stolen shots.
Zinoom-in niya ang isang kuha niya kung saan nasa bangin sila. Suot ni Byenn ang skintone colored summer dress nito kanina na sumasabay sa pag-ihip ng hangin ganun rin ang bagsak at mahaba nitong buhok.
Sa kuha niya nakapikit ang mga mata ni Byenn at dinadama ang sariwa't payapang simoy ng hangin.
Makalipas ang ilang minuto naisipan niyang tawagan ito.
Nasaan ka? tanong niya na kinangiti naman ni Byenn na sa kabilang linya. Saglit niyang nilingon sina Rachelle na nagpapahangin ng mga lobo sa loob ng girls villa.
Nandito ako sa kabila. Tinutulungan ko silang mag-prepare ng dadalhin mamaya sa cottage. ani Byenn na mabilis na kinatayo ni Jerome at nagmadaling lumabas ng terrace.
Tutulong ako. presinta niya at itinaas ang isang kamay ng lumingon sa gawi niya si Byenn mula sa kabilang terrace. Ngumiti ito ng makita siya.
Huwag na. Tulungan mo nalang ang iba doon sa cottage. Kaya na namin toh rito. sabi naman ni Byenn na kinanguso ni Jerome pero sumunod nalang din ng huli.
Kompleto silang siyam na nag-celebrate ng 2nd party ni Mayenn. Kinantahan nila ito ng birthday song, nag-blow ng candles, nagbigay ng birthday wish sa birthday girl, at kumain.
Kasalukuyan silang naka-upo palibot sa mesa at nagkantahan habang nag-iinuman ng beer at ladies drinks naman sa mga babae.
Napuno ng halakhakan at tawanan ang inuukupa nilang cottage hanggang sa palalim na ang gabi kaya naisipan nilang maglaro ng 'getting to know'. Laro kung saan sasagutin ang mga katanungang tinatanong sayo.
Ano ba kayo, syempre nagka-boyfriend na ako. Si Mayenn naman kaya ang tanungin niyo kung may balak na siyang i-upgrade ang status niya. turo ni Cherry sa kaibigan matapos niyang sagutin ang tanong sakaniya kung nagka-boyfriend na siya.
*clears throat* Para toh sayo our debutant. Ngayong nasa legal age kana, balak mo na bang magka-boyfriend? may nakakalokong ngisi na tanong ni Cyrus kay Mayenn na siyang katabi niya.
Para namang nagbago ang ihip ng hangin kay Mayenn sa tanong na iyon. Kung kanina nagagawa niyang sagutin ang mga tinatapon sakaniyang tanong ngayon ay parang naging awkward na para sakaniya.
Lahat sila nakatingin sakaniya na naghihintay sa isasagot ng pasimple niyang pinadaan ang tingin sa lalaking kaharap niya sa mesa. Prenteng nakatingin lang rin ito sakaniya, walang ideya sa nararamdaman niya.
Gusto man niya umamin na pero hindi pa ngayon. Wala pa siyang lakas na loob para mag-confess. At kung ngayon man, gusto niyang sa lalaki lang ito ipagtapat kaya umiling siya.
Hindi ko pa alam. S-siguro naman darating lang din iyon. awkward niyang sagot na tinanguan naman ng ilan.
Tama siya, bakit niyo ba kasi minamadali si Mayenn. pagsang-ayon naman ni Gilbert.
Yeah, right. It's all about timing. second the motion ni Grace.
Nuh. I believe in hardwork. against namang tugon ni Cyrus kaya muli siyang nakatikim ng batok mula sa pinsan na kinahagikgik nila.
Pero ang ngiti ni Mayenn ay napawi ng muling mapunta ang tingin sa dalawa na katapat sa mesa at magkatabi. Nagbulungan ang mga ito at napangiti nalang sa isa't-isa.
Napatungo siya at hindi naiwasang mapakuyom ng mga kamay na nasa lap niya habang kagat ang ibabang labi.
Mayenn, ikaw na ang magtanong. mahinang siko sakaniya ni Cherry na katabi niya rin.
Habang nililibot ang tingin sa mga kasama natigil ang mga mata niya sa katabi ni Kyle na si Rachelle.
Ahm. Ikaw Rachelle... turan niya sa babae at mas napahigpit ang kapit sa laylayan ng jacket niya sa ilalim ng mesa.
Kung ikaw ang papipiliin, ang lalaking gusto mo... o ang lalaking may gusto sayo? unexpected na tanong ni Mayenn which make Rachelle caught off-guard.
Napa 'Oooh' sina Cyrus, Grace, at Cherry while the rest stays quiet.
Si Byenn hindi pinahalata ang pagkabigla sa tanong ni Mayenn kay Rachelle. Si Jerome na nakikinig lang. Si Gilbert na palipat-lipat ang tingin sa dalawang kaibigan na siyang nabanggit sa tanong. At si Kyle na pasimpleng tumungga ng alak sa baso habang hinihintay ang isasagot ng dalaga.
Syempre, pipiliin ko ang lalaking gusto ko. walang pagdadalawang-isip na sagot ni Rachelle na siyang bahagyang kinataas ng isang kilay ni Mayenn at pagkuyom ng kamao ni Kyle sa ilalim ng mesa.
Ooh. Sino yan, ah? singit ni Cyrus at handa ng kulitin si Rachelle kung sino ang tinutukoy nito kahit alam na rin niya kung sino ng muling humirit si Mayenn.
Paano kung hindi naman ikaw ang gusto niya?
And by that, all attention diverted to Mayenn. Biglang tumahimik at naging awkward ang paligid maliban kina Grace at Cherry na nagkatinginan dahil sa pagbago ng temperature sa pagitan ng mga kasama. Mukhang sila lang ang walang kaalam-alam sa nangyayari.
Nagsukatan ng mga titig sina Rachelle at Mayenn at kahit walang nagsasalita ay alam ni Byenn na maaaring magdulot ng hindi magandang pagkakaintindihan ang haharapin ng dalawa kinabukasan.
Kaya naisipan niyang tapusin na ang laro.
Uhm. I think we had enough of this game might end this already--
Then, I'll let him go. biglang sagot ni Rachelle na siyang kinabaling dito ni Byenn. Tahimik lang ang mga lalaki.
Tch. Talaga? hindi makapaniwalang ani Mayenn.
That if... pahabol pa nito na siyang kinatingin na ng diretso ni Rachelle kay Jerome na nakatingin lang din sakaniya gaya ng ibang kasama.
...she's better than me. confident nitong sabi na siya namang kinabaling ni Kyle sa gawi ni Byenn na nakatingin kay Rachelle na direkta namang nakatingin kay Jerome.
Matapos sagutin ni Rachelle ang tanong ni Mayenn wala ng may nagtangkang magtanong pa ulit at mas pinili nalang nilang uminom lahat hanggang sa makalimutan na ang nangyari. Lahat sila ay halos lasing na at kung ano-ano na ang mga pinanggagawang kalokohan.
May kakanta, may sasayaw, may mag-aaktong hayop, may magtatali ng buhok ng kung sinu-sino, may tawa ng tawa, at may nakatulog nalang.
"It's okay to be wasted with friends because you'll just laugh once you remember."
_❤urauthor_#ThePassedAway
