Dali na. Ako naman ang picturan mo.
Ako susunod, ah.
Dito naman. Mayenn, picturan mo ako dito sa sofa bed.
Oo, na. Maghintay ka.
Maganda rin ang anggulo na, toh. Say cheeze.
Kuhaan ng pictures ng tatlo habang si Rachelle ay nauna ng pumasok sa loob ng villa.
Ang saya niyo dyan, ah. salita ni Cyrus sa sit-out terrace sa kabilang villa na kinalingon naman ng tatlong magkaibigan.
Uy. Ayos lang kayo dyan? tanong ni Mayenn at ang dalawa naman ay pumunta sa dulo ng terrace para mas malapit sa kinaroroonan ng binata na sa kabilang villa.
Kuya Cyrus, pose ka naman para samin. Kukunan ka namin ng pictures. sabi ni Grace na siyang kinataas ng isang kilay ni Mayenn na nanatiling nakatayo sa pinag-iwanan sakaniya ng dalawa niyang lokaret na kaibigan.
Tama-tama. sang-ayon naman ni Cherry kaya napairap nalang si Mayenn.
Tsk! Tsk! Impluwensiya nga naman. Kawawang Grace, nalulong na sa bisyo ni Cherry. umiiling na turan niya sa mahinang tono habang nakatingin lang sa mga ito na lumalandi sa Senior nila.
Another iling ng ulo ng makita niyang nag-pose nga si Cyrus kaya tuwang-tuwa ang dalawa. Pssh! Model lang ang peg?
Nakita mo si Cyrus? tanong ni Gilbert kay Kyle ng masalubong niya ito sa sala.
Nandun, nagmo-model. turo ni Kyle ng ulo sa labas na kinakunot ng noo ni Gilbert.
Nilampasan na siya ni Kyle para pumasok sa kabilang kwarto.
Kayo na ni Jerome ang magsama sa isang kwarto. Hindi maaaring mawala sa paningin ko ang isang iyon dahil walang pinipiling landiin. tukoy niya kay Cyrus at lumabas na kaya pumasok na rin lang si Kyle sa kwarto nila ni Jerome.
Samantala...
Pinigilan ni Byenn si Jerome ng magsimulang maglikot ang labi nito pababa sa leeg niya. Tinulak niya ito sa dibdib para makabangon siya mula sa pagkakahiga at dagan nito at na-upo sila pareho sa paanan ng kama. Pareho nilang habol ang kanilang hininga habang magkalapat ang noo sa isa't-isa.
Ikinulong ni Byenn ang mukha ni Jerome sa mga kamay niya at tinignan ito sa mga mata.
You're action was too obvious earlier. Baka paghinalaan nila tayo. turan ni Byenn sa kanina.
Alam mo ba kung gaano ko pilit pinipigilan ang sarili ko kanina? Gusto kong samahan ka rito. ani Jerome ng nakapikit ang mga mata.
I know. I feel the same way. sabay haplos ng magkabilang hinlalaki sa mukha ni Jerome.
Pumasok si Jerome sa kwarto nila ni Kyle ng nakangiti. Naabutan niya itong may nilalaro sa cellphone.
Nasaan ang dalawa? tanong niya kay Kyle dahil hindi niya nakita ang dalawa sa labas.
Nasa balkonahe lang kanina siguro nasa kabila. turan nito sa kabilang villa na kina- Ah nalang ni Jerome at sinimulang halungkatin ang laman ng bag niya.
Tahimik lang sila ng ibaba ni Kyle ang phone sa tabi niya tsaka nag-krus ng mga braso habang nakasandal sa headboard ng kama niya at nakatingin lang sa bawat galaw ng kaibigan.
Mukhang may magandang nangyari sayo. pansin ni Kyle na kinatingin sakaniya ni Jerome. Nagtatanong.
Iyang ngiti mo para kang sira. he hissed na kinangisi naman ni Jerome.
