4:The Passed Away

54 5 0
                                    

Lexie's POV

Nagkaroon ng pictorial kasama ang buong pamilya. Masaya ako at nakikita ko kung paano napapalakas ng mga tawanan at saya ng mga bata si Mama.

Kakagaling ko lang sa kusina para kumuha ng iba pang putahe na iihawin nina Brett at Jeremy sa labas.

Paglabas ko, ganun parin at naglalaro ng habulan ang mga bata. Pagkalagay ko ng mga container sa lamesa umupo na rin ako sa tabi nina Shirley, Chelsie at ni Mama. Nakatingin lang kami sa mga bata na naglalaro.

Si Marco ang taya, ang 7 years old na anak ng kapatid kong si Brett at asawa niyang si Chelsie. Hindi matapos-tapos ang tawanan namin dahil nahihirapan itong habulin ang mga ate't-kuya niya.

Napabaling ang tingin ko kay Mama at nakita kong kay Byenn siya nakatanaw. Tumayo ako at lumipat sa upuan katabi ni Mama.

Ma? Okay lang kayo? tanong ko rito.

Lumaki siyang mabuting bata, katulad mo. sabi ni Mama ng tumingin siya sakin pero binalik rin kaagad sa pwesto ng anak ko.

Alam ba niya ang tungkol sa dalagang naiku-kwento ko sainyo noon? pagbanggit ni Mama na kinalingon ko kay Byenn bago tumingin sa baba sabay iling.

Bata pa kami ng mga kapatid kong sina Brett at Shirley ng halos gabi-gabi kinu-kwento ni Mama samin ang tungkol sa nag-iisang anak ng kapatid ng ina niya na siyang Lola namin.

Ang kinatatayuan ng mansion na ito ay siyang dating bahay ng mag-asawang Mosquera. Nang lumisan ay pinamana ito ng may-ari sa bunso nitong kapatid na siyang ina ni Mama.

Lumipas ang panahon at ang bahay na iyon ay pina renovate at naging mansion. Nanggaling sa mayamang pamilya ang mga ninuno nila Mama kaya napanatili ito hanggang sa kasalukuyan.

Ang sinasabi ni Mama na siyang kamukha ng aking anak ay ang nag-iisang anak ng kapatid ng Lola nito.

Nung sinakop ng mga hapon ang buong bayan... namatay siya. Pinatay siya ng walang kalaban-laban.





((Flashback))

Kung namatay po ang dalaga, nasaan na po ang irog niyang binata Mama? tanong ng batang Lexie sa ina.

Walang nakakaalam kung anong nangyari sa binata. Walang nakakaalam kung napatay na rin ito ng mga kalaban. Hinanap siya ng kaniyang pamilya pati na ng buong bayan matapos ang digmaan pero wala silang nakita kahit na labi ng kanilang anak. kuwento ni Lourdes habang sinusuklay ang mahabang buhok ni Shirley at prenteng nakikinig lang naman sina Lexie at Brett na nakasandal sa headboard ng kama ng kanilang ama at ina.

Nakakalungkot naman, diba po masyado pa silang bata para mamatay Mama? turan naman ng batang si Shirley habang nilalaro sa mga kamay ang manika.

Alam niyo kasi mga anak... biglang sulpot ng kanilang ama sa kwarto at pumuwesto sa gitna nina Lexie at Brett.

Hindi nasusukat sa edad ng tao ang kanilang kamatayan. Bata pa kayo kaya dapat na ninyong malaman. Hiram lang natin ang ating buhay sa Panginoon. Kapag oras na ng isang tao oras na niya. paliwanag ng kanilang ama.

Sabi po nila may kaluluwa ang mga tao. Totoo po ba iyon? At kung totoo po iyon saan naman po napupunta ang kaluluwa natin kapag mamatay tayo? inosenteng tanong ni Lexie kaya nagkatinginan ang mag-asawa at nag ngitian.

Doon. sabay turo ng kanilang ama sa itaas.

Sa langit. dugtong pa niya.

Kung ganun totoo pong doon napupunta ang mga soul ng namamatay, Papa? Kung ganun doon din po nakatira ang mga super hero na lumilipad? napatawa nalang ang mag-asawa sa sinabi ng anak nilang si Brett.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon