41:The Passed Away

26 2 0
                                        

3 days after new year balik trabaho ang lahat ng employees at eskwela naman ang mga estudyante.






Lutang na pumasok sa elevator si Keisha habang may bitbit na kahon na naglalaman ng mga folders.

Nanatili siyang nakatungo at ilang beses na ring napapabuntong-hinga. Nawala lang siya sa lalim ng iniisip ng may kumalabit sa balikat niya.

Excuse me Miss. Anong floor ka? tanong ng isang lalaking naka-suit na sa tantya niya na sa mid-20's nito.

Huh? lutang niyang tanong habang nakatingin lang dito.

Tsaka lang nagsink-in sa utak niya ng tumikhim ito ang sitwasyon. May mga kasama pala siya sa loob at hindi pa rin nagsasara ang pinto ng elevator.

Uhm. P-pasensiya na po. parang nataranta siya bigla at nakaramdam ng hiya.

Pipindutin na niya sana ang floor na bababaan niya pero napindot na ito kaya pinindot niya nalang ang close button at nanatili nalang siyang nakayuko sa isang tabi.

Nakakahiya ka, Keisha. pabulong niyang asik sa sarili.

Pina-alam mo na ba ang pagdating ko? dinig ni Keisha na salita ng isang malaking boses.

Sa isip niya iyon ang kasama ng lalaking kumalabit kanina sakaniya.

Gaya po ng utos niyo, hindi ko po pina-alam. sagot ng lalaki kanina.

Pasimpleng nilingon ni Keisha ang tingin sa dalawang kasama sa loob ng elevator at saglit niya nasipat ng tingin ang isang Ginoo na sa tantya naman niya ay na sa mid-40's nito.

Mabuti. anito

Binalik na niya ang tingin sa harap. Medyo napatabingi siya ng ulo dahil parang familiar ang itsura ng Ginoo sakaniya.

Hanggang sa makalabas siya sa elevator pilit niya pa rin inaalala kung saan niya nakita ang Ginoo hanggang sa madaanan niya ang office ng dating mga kasamahan niya.

Nakita niya rin sina Jimboy at Winona na busy sa pagtitipa sa kani-kanilang computers at hindi siya napansin. Napangiti pa rin siya dahil talagang ang sisipag ng mga iyon pagdating sa trabaho.

Napabuntong-hinga siya ng sa wakas maibaba na sa lamesa ng cubicle ang kahon na bitbit niya mula 1st floor hanggang sa opisina ng CEO.

Uupo pa lang siya ng may bumati ng Good morning sakaniya kaya agad siyang tumayo ng tuwid.

Good morning, Sir. Ano po ang kailangan nila? magalang niyang bati tsaka inangat ang tingin sa mukha nito.

Saglit siyang natigilan at ilang beses kumurap ang mga talukap.

Gosh! Yung elevator. singhal niya sa isip dahil ang nakatayo ngayon sa tapat ng cubicle niya ay ang mga nakasabay niya sa elevator minutes ago.

The Chairman wants to see the CEO. sabi ng lalaki na siyang kina-awang ng mga bibig ni Keisha at gulat na dinivert naman ang tingin sa Ginoo na sa postura palang nito ay masasabi mo talagang mayaman at may mataas na katungkulan sa pamahalaan.

M-mr. Chairman? she uttered stammering.










Break time ng maisipan ni Mayenn na puntahan si Kyle sa College Department nito.

Kakatapos lang ng P.E class niya at nakasuot pa siya ng sports attire niya dahil naglaro sila ng volleyball sa gym.

May dala siyang lunchbox na ang laman ay siya mismo ang nag-prepare nitong umaga lang. At sinadya niya ring magsuot ng clip sa nakatali niyang buhok at nag-apply ng konting pulbo at liptint. Talagang pinaghandaan na niya ang araw na ito para mag-confess ng feelings sa binata.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon