47:The Passed Away

11 0 0
                                    

Oh, ayan na siya. ani Byenn kay Marco paglabas ni Jerome sa room dala ang drawing book.

Heto, Marco. turan ni Jerome sa kapatid sabay bigay ng ipinunta nila at muling ginulo ang buhok nito.

Thank you po, kuya. pasalamat nito.

Kapatid yata ni Jerome. Ang cute niya naman.

Pareho sila ng kuya niya ang gwapo.

Ang ganda niya, girlfriend kaya siya ni Buenitez?

Tanungin kaya natin?

Iilang bulungan na naman kaya kinalabit na ni Marco ang laylayan ng polo ni Jerome.

Kuya, girlfriend mo daw si ate Byenn sabi nila? inosenteng tanong nito na siyang kinatingin ni Jerome kay Byenn na ngayon ay parang natigilan rin at panay iwas ng tingin habang may iilang estudyante na dumaraan sa corridor kung saan sila.

Ah. Marco, ganito iyan kasi--

Ey, yow! Marco ma' men. biglang sulpot ni Cyrus kung saan at kasunod ang dalawa na nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng pants.

Nakipagfist-bump ito sa bata tsaka ginulo rin ang buhok nito.

What's brought you here kiddo'? tanong naman ni Kyle sa bata na bahagyang itinaas pa ang drawing book.

Nasama po kasi itong drawing book ko sa backpack ni kuya kaya kinuha namin ni ate Byenn. sabi nito at humawak na sa kamay ni Byenn.

Kaya pala maingay sa campus, eh. May dyosa palang nadalaw. Hi, Miss Ganda. biro ni Cyrus tsaka umambang aakbay kay Byenn ng mabilis tinawid ni Jerome ang pagitan nila at siyang umakbay sa lalaki.

Nasunod lang ang tingin nina Gilbert at Kyle sa ginawa niya.

Ahaha. Alam mo kasi, medyo masakit ang binti ko. palusot niya na siyang kinakunot-noo ni Cyrus.

Talaga? Pero okay ka pa naman kanina, ah. anito na mabilis inilingan naman ni Jerome.

Hindi. Bigla nalang sumakit kaya dito ka lang muna. aniya and intentionally put his arms weight on Cyrus shoulder na bahagyang kinangiwi nito dahil sa bigat.

Napailing nalang sina Kyle at Gilbert habang nagpipigil naman ng ngiti si Byenn habang si Marco ay natawa na sa mukha ng kaibigan ng kuya niya.








Dahil hindi sumipot ang instructor nila Jerome napagkasunduan nilang apat na samahang maglilibot pa sa campus sina Byenn at Marco hanggang sa mag-lunch na sila sa cafeteria.

Marco, alam mo iyang kuya mo mukhang baliw. Ngingiti-ngiti ba naman habang katitigan ang sandwiches niyang baon kanina. Siguradong may girlfriend na iyan pero hindi lang sinasabi. pagbubunganga ni Cyrus na siyang saglit kinahinto ni Byenn sa pagsubo ng lumpia shanghai gamit ang tinidor.

Haiist! Itikom mo nga iyang bibig mo. suway ni Jerome na umambang abutin ito ng kamay mula sa kinauupuan dahil sa kabilang side ito ng table na inakupa nilang anim.

Bale pinapagitnaan nina Byenn at Jerome si Marco at sa kabilang side naman ang tatlo.

Hindi lang po iyon kuya Cyrus. Si kuya sa bahay kahit nanunuod mag-isa ng horror movie nakangiti pa. Minsan nga nagsasayaw pa siya habang kumukuha ng tubig sa--

Tss. Kaya iniiwasan kong magkatagpo kayong dalawa dahil nagiging madaldal ka rin tulad ng kuya Cyrus mo, eh. turan ni Jerome habang takip ang bibig ng kapatid at inalis rin pagkatapos.

Kain ka pa, Marco. binigyan naman ni Byenn si Marco ng fish fillet sa plato nito.

Ikaw Byenn, wala ka bang balak mag-commit in a relationship? biglang pasok ni Gilbert sa usapan na siyang nakuha ang atensiyon ng mga lalaki.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon