23:The Passed Away

18 2 0
                                    

Sakaniyang pagsunod sa pinaniniwalaang kaluluwa ng dating kasintahan. Sinundan ni Prince ang mga boses na siyang naririnig niya.

Kung saan-saan na siya naglaho ngunit ng huli ay natagpuan niya lamang ang sarili sa gubat. Sa parehong lugar kung saan siya lumitaw bilang isang kaluluwa.

Khurt... a woman's voice echoes na mabilis kinabaling ni Prince sa kaliwa niya at kanan ng muli itong bumulong.

Babalik ako... lingon niya sa likuran ngunit wala siyang nakita.

Magpakita ka. Alam kong ikaw iyan. Magpakita ka sakin. Maaaring hindi pa kita lubos na naaalala ngunit... nais kitang makita. Magpakita ka sakin. desperadong tawag niya sa kung sino man ang gumagambala sakaniya ng biglang makarinig ng naputal na stick na tiyak niyang naapakan ng kung sino.

Kaya mabilis niyang tinahak ang direksiyon kung saan nanggaling ang tunog na iyon. At natagpuan ang isang babaeng nakatalikod sakaniya. Mahaba ang buhok nito at nakasuot ng puting bestida na may haba hanggang sa talampakan nito.

Hindi ito tao dahil tulad niya wala itong anino.

Loraine... i-ikaw... ba talaga iyan? kunot-noong turan niya.

Dahan-dahang umikot paharap sakaniya ang babae hanggang sa tuluyan niyang makita ang mukha nito. Isang imahe ng nakangiting babae ang lumitaw sakaniyang isipan.

Loraine... banggit niya sa pangalan nito.

Parang isang anghel na ngumiti sakaniya ang babae na siyang kinapatak ng isang butil ng luha niya.
Hanggang sa unti-unting bumabalik ang mga ala-alang kay tagal nawala sa puso't-isip niya. Simula pagkabata hanggang sakanilang huling hininga.

Naaalala na niya ang lahat, walang labis walang kulang. Naaalala na niya ang kaisa-isang babaeng minahal at minamahal padin hanggang sa kasalukuyan.

Loraine... muli niyang tawag sa pangalan ng babaeng maganda ang mga ngiti na pinupukol sakaniya.

Inilahad nito ang kaliwang kamay sa direksiyon ni Prince na parang sinasabi na abutin niya ito at sumama na sakaniya.

Mahal ko. ani Prince na mababakas sa mukha ang pangungulila at saya dahil sa wakas ay muli na silang magkakasama. Humakbang siya ng isang beses, dalawa... inabot niya rin ang kanang kamay sa direksiyon nito.

Tatlong metro... dalawang metro...

Isang hakbang nalang at maaabot na niya ang kamay ng babae ng biglang may mga brasong yumakap mula sa likuran niya.

Prince. boses ni Keisha.

Nawala ang tingin niya sa harapan at bumaba sa mga brasong nakapulupot sa tiyan ngunit saglit lang din ay muling binalik ang tingin sa harapan.

Para siyang napaso na inalis ang pagkakayapos ni Keisha sakaniya at mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib na hinanap ang babae na basta nalang naglaho.

Hindi. Hindi. Bumalik ka. Loraine, bumalik ka. pabulong niyang sabi at patuloy lang ang paghahagilap dito ngunit wala na talaga ito ng biglang may humawak sa kanang braso niya.

At nakitang si Keisha iyon na may pag-aalala sa mga mata at pagtataka sa mukha.

P-prince, may problema ba? T-tinatawag kita. May problema ba? Ayos ka lang ba? inosenteng turan nito na kinakurap-kurap naman niya at napababa ng tingin sa mga kamay nitong nakahawak sa braso niya.

B-bakit... si Keisha pa? Bakit kailangan niya pang masaktan? Bakit kailangan niya pang masangkot sa isang kaluluwang tulad ko? aniya sa isipan.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon