Tumatakbong pumasok si Keisha sa building ng kompanya na pinagta-trabahuhan niya dala-dala ang paper bags ng coffee sa magkabilang kamay.
Excuse me. Padaan po. Pasensya na, excuse. mukhang bibig niya habang nagmamadali at may oras na hinahabol.
Sandali! sigaw niya ng makitang pasara na ang pintuan ng elevator kaya mas binilisan pa niya ang pagtakbo at hinarang ang isang binti para hindi ito tuluyang sumara.
Napahinga siya ng maluwag at pumasok sa loob.Pasensya na, kailangan ko lang talaga kasing makahabol. paghingi niya ng paumanhin sa kasama sa loob ng elevator pero hindi niya pa itong nagagawang tingnan dahil sa mga bitbit niya.
Maliban sa dalawang paper bags na sa magkabilang kamay ay may dala pa siyang folder at shoulder bag.
Kinagat niya ang folder para pindutin sana ang floor na bababaan niya ng makita niyang napindot na iyon ng kasama na siyang na sa bandang likuran niya.
Napatingin siya sa wrist-watch niya.Haist! Sana naman huwag niya akong sungitan ngayon. mahinang usal ni Keisha na tinutukoy ang suplada na si Miranda.
Hindi siya mapakali kaya napapa-groove na ang mga paa niya habang nasa loob ng elevator para lang maibsan ang sobrang katahimikan.
Ni nawaglit na sakaniyang isipan na may kasama siya sa loob dahil mas iniisip niya kung ano na naman ang matatanggap niyang mura ni Miranda.
Kaya ng magbukas ang elevator ay kaagad siyang lumabas. Sumunod naman ang nakasama niya sa loob.
Nakapamulsa ito habang nakatanaw sa lakad-takbong si Keisha na tinahak ang opisina ng mga empleyado sa 1st department.
Isang lalaki na naka-black suit ang lumapit sa gilid ng lalaki.
Sir, hindi po dapat kayo pumasok ng mag-isa. sabi ng bodyguard niya pero tinaasan niya lang ito ng isang kamay para tumahimik muna ito.
Nanatili parin siyang nakatanaw sa pinasukan ng dalaga kung saan parang pinapagalitan na ito ng isa ring empleyado.
Na naman?! How many times do I have to tell you na cappuccino ang bilhin mo?! Nagkamali kana nga late ka pa! maaga pang singhal ni Miranda kay Keisha na kasalukuyang nakayuko.
Pasensya na Miss Miranda, akala ko po kasi iyong tulad ng dati na klase ng kape ang gusto niyo parin ngayon. Pabago-bago din kasi ang pinapabili niyo at hindi po naman ako late, may dalawang minuto pa naman--- explain ni Keisha.
Wala akong paki-alam sa dahilan mo! putol nito kay Keisha.
Hindi nila batid na tumigil ang boss nila sa labas at pinanuod ang nangyayari sa loob ng opisina ng mga empleyado niya habang nakasunod lang sa likuran ang bodyguard nito.
Alam mo, ma-swerte ka lang dahil palagi kang pinagtatanggol ng baklang iyon. Pero dahil wala siya ngayon, magagawa ko na toh sayo. nangangalit ang mga matang sumbat ni Miranda.
Kinuha niya ang cup ng coffee na may takip at itatapon sa pagmumukha ni Keisha ng siya mismo ang nakapansin sa taong nasa labas ng opisina nila kaya natigilan siya.
Mabilis pa sa daga na tinago nito sakaniyang likuran ang cup of coffee at ngumiti sabay bati kaya naagaw nun ang atensiyon ng iba pa nilang kasama.
Goodmorning, Sir! sabay-sabay na tayo ng mga empleyado at bati sa boss nila.
Napalingon naman si Keisha at nagtama ang mga mata nila ng lalaking nakatayo sa labas ng office nila.
Saglit lang rin at naglakad na ito patungo sa isang pinto kung saan ang opisina ng CEO.
![](https://img.wattpad.com/cover/226488917-288-k244652.jpg)