So, you mean hindi niyo talaga literal na kadugo si ate Byenn... at magkarelasyon na sila ngayon ni kuya Jerome? turan ni Cherry sa kinuwento sakanila ni Mayenn.
Ahuh. At masaya ako para sakanilang dalawa. ani Mayenn ng nakangiti.
Saglit naman napa-isip si Grace habang kunot-noo lang si Cherry.
So, ang ibig sabihin bago pa tayo pumunta ng resort sila na. At aware silang mag-pinsan sila. But a few days ago nag-confess sila mismong dalawa sa buong family niyo without knowing na hindi naman talaga sila blood related? pagsalaysay ni Grace.
Tumango naman sakaniya si Mayenn.
Wow. Nagkaroon ako ng idea sa next comic ko. pawang nagkaroon ng light bulb na anito kaya siya nakatanggap ng batok mula kay Cherry.
Tsk! Epal ka talaga eh, noh. Haler! In a relationship na ang long time and ultimate crush nating si kuya Jerome pero puro comics pa rin iyang inaatupag mo. pagtataray nito sabay cross arms na siyang inilingan lang ni Mayenn dahil umandar na naman ang pagkamaldita at sadista ng kaibigan niya.
Tss. Ano ka ba, si ate Byenn naman yun. Maganda siya at napakabait kaya ayos lang kesa naman sa iba napunta si kuya Jerome. aniya na siyang pina-ikutan lang ng mga mata ni Grace.
Saglit nagkatinginan sila Mayenn at Grace na pigil ang pagngisi. Red days kasi ng kaibigan nila kaya sinumpong ng pagkamaldita.
Tch. Alam niyo, punta nalang tayo ng cafeteria para na rin lumamig ang ulo mo. salita niya na tinutukoy si Cherry sabay tayo at akbay sa dalawa palabas ng classroom.
Samantala, panay naman ang pan-aasar nina Cyrus kay Jerome habang nakatambay sa tabi ng field.
Wow. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Akalain mo, sayo napunta ang ideal woman ko.
Wow. Ideal woman? Talaga? Banggitin mo nalang iyan kapag nagseryoso kana. angas na turan ni Gilbert na siyang kinangisi at iling nila kay Cyrus.
Tsk! Hindi ikaw ang kinaka-usap ko. sabat niya pabalik at napanguso.
Napangiti nalang sila at saglit natahimik habang pare-parehong nakatanaw sa asul na kalangitan.
I envy you. salita ni Gilbert na siyang kinabaling ng tatlo sakaniya ngunit nanatili siyang nakatanaw sa itaas bago napahinga ng malalim at tinapunan ng tingin si Jerome.
Teka, may gusto ka rin ba kay Ms. Ganda? takang sabat agad ni Cyrus na siyang kinapikit ni Gilbert bago ito tignan ng masama.
Tch. Easy, tatahimik na nga oh. pagsuko ni Cyrus ng nakataas ang mga kamay.
Sabat kasi ng sabat. napailing nalang turan ni Kyle.
Anong ibig mong sabihin? kunot-noong tanong ni Jerome sa kaibigan.
Napakibit balikat lang si Gilbert.
Ewan, basta nasabi ko lang. anito na kinangiwi ni Cyrus.
Haiist. Pinatahimik mo pa ko, eh wala ka naman palang sasabihin. Tsk. asik nito at agad ng tumayo para makalayo kay Gilbert dahil alam na niyang mababatukan lang siya nito.
Mamaya ka saking ugok ka. turan nito sa kaibigang pinsan.
Binalik lang ni Jerome ang pagkatanaw sa asul na kalangitan. He sighed before smiling.
I'm lucky for having you guys. aniya na siyang kinabaling ng tatlo sakaniya.
Natahimik sila sa sinabi ni Jerome pero saglit lang rin ay isa-isang napangisi.