43:The Passed Away

16 2 0
                                    

Kakasimula palang ng klase pero si Mayenn mas pinili na lamang na ihilig ang ulo sa desk niya habang ang ibang kaklase ay tutok na tutok sa palabas na pinapanuod sakanila ng kanilang instructor at para magawan ng reflection paper.

((Flashback))

Pinanuod niya lang si Kyle hanggang sa matapos ang practice nito at ng umahon sa tubig tsaka niya naman ito tinawag at kinawayan. Nginitian rin siya nito.

Naghintay pa siya uli rito sa labas ng men's locker room para lang magawa at masabi na ang ipinunta niya.

Habang naghihintay sa paglabas nito ay siya namang pagkikikilos niya at hindi mapakali sa kinatatayuan. Ilang beses na rin siyang napapakagat sa labi at kanina pa rin ang paglalaro ng mga daliri niya sa hawak-hawak na lunchbox na ibibigay niya sa binata. Siya lahat ang naghanda kaya panalangin niya tanggapin at magustuhan ito ng lalaki.

First time niyang magkagusto sa lalaki at ito rin ang kauna-unahang confession na gagawin niya kaya di niya maiwasang kabahan o kung ano man.

Nang bumukas ang pinto ng men's locker room, nagsilabasan na rin ang iba pang members ng swimming team kaya muli siyang napaayos sa nakapusod niyang buhok at hinaplos kung nasa-ayos pa ba ang hairclip niya.

May ilang bumati pa sakaniya na tinanguan niya lang at tumalikod muna para huminga ng malalim. Ilang ulit pa siyang napa-inhale-exhale ng may magsalita sa likuran niya kaya mabilis niya ito hinarap.

Bakit Mayenn? tanong nito habang pinupunasan pa rin ng hand towel ang medyo basa nitong buhok.

Parang biglang nagslow-mo ito sa paningin niya kaya hindi niya agad napansin na nakatunganga na siya.

Mayenn? tawag nito at winagayway ang kanang kamay sa tapat ng mukha ng dalaga.

Mabilis namang napailing si Mayenn ng bumalik sa wisyo.

Uh-ha? absent minded niyang turan na kinatawa ng pagak ni Kyle.

Mukhang malayo ang iniisip mo, ah. Lutang ka kasi ngayon. anito at ginulo ang nakaside-bangs ni Mayenn na siyang kinaatras nito habang nakasimangot.

Bakit mo ginulo? Natagalan kaya ako sa pag-aayos nito bago pumunta rito't-- bigla siyang natigilan at ganoon rin sa muling pag-ayos ng kaniyang buhok na nagulo.

In-expect niyang magtataka ang lalaki sa sinabi niya tungkol sa pag-aayos at pagpunta sa kung saan ito ngayon pero sahalip napakrus ito ng mga braso at nginitian siya ng makahulugan.

Tell me... anito at nag-lean sa harap ni Mayenn na siyang kina-kurap-kurap nito.

Hindi kaya... may crush ka sa isa sa members ng swimming team? turan nito na kinabilog ng mga mata ni Mayenn na siyang muling kinatawa ni Kyle.

Sabi ko na, tama ang hinala ko.

Ano? T-teka, anong hinala ang sinasabi mo? H-hindi sa ganun-- tanggi niya at napailing pa si Kyle.

Huwag mo nang itanggi, may nagugustuhan ka sa swimming team kaya ka palaging present sa tuwing may competition at final rehearsals ang team. Let me guess... ani Kyle at mariing tiningnan ang kaharap.

Para namang siniklaban ng apoy ang puso ni Mayenn dahil sa mabilis nitong pagtibok na siyang unti-unting sumusungaw sa mga pisngi niya.

'Alam kaya niya?' isip-isip niya habang nag-aantay sa salitang lalabas sa bibig nito.

Its neither Enrique or Chavez, those two are quite good in our team. hula nito na siyang wala sa expectation ni Mayenn kaya parang na-disappoint siya at bahagyang napayuko.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon