1:The Passed Away

589 12 5
                                    

Sa probinsya ng Palayaw, tahimik at matiwasay ang pamumuhay ng bawat pamilya sa isang baryo na kung tawagin ay baryo Maliwanag.

Mayroong dalawang pamilya na tumatayong kalingat ng mga kabaryo, ang pamilya Guivarra at Mosquera.

Sa pagkakaibigan ng dalawang pamilya mas lalong napapabuti at gumaganda ang pamumuhay ng bawat may bahay.

Ang dalawang magkaibigang pamilya na ito ay may mga anak na siyang tunay na biyaya ng kalangitan.

Si Kurt Ivan Guivarra, ang ikalawang lalaking anak ng pamilya Guivarra.

At si Loraine Ann Mosquera, ang kaisa-isang anak ng pamilya Mosquera.

Mga bata pa lamang napagkasunduan na ng dalawang pamilya ang kanilang pag-iisang dibdib sa pagtuntong nila sa tamang edad.

Magkababata sina Kurt at Loraine, matalik na magkaibigan hanggang sa sila ay mag dise-syete anyos.

Pareho silang pumapasok sa nag-iisang unibersidad sa probinsya sa labas ng kanilang baryo ngunit magka-iba ang kursong kinukuha.

Noon pa man lagi na silang magkadikit at hindi mapaghiwalay. At ngayong nagbibinata at nagdadalaga na ay mas lalong tumitibay ang kanilang pagkakaibigan.

Sabay silang pumapasok at umuuwi, sila na yata ang magkaibigan na mas lalanggamin pa sa magkasintahan dahil sa maganda nilang samahan.

Lumaking may taglay na kagandahan si Loraine, kaya ito madalas napapansin at hindi maiwasan na magkaroon ng mga manliligaw.

Si Kurt, habulin din ng mga kababaihan ngunit para sakaniya, tanging kay Loraine lamang nakatuon ang buo niyang atensiyon wala ng iba.


Uwian na at mas maagang natapos ang klase ni Loraine kaya siya ngayon ang naghihintay sa ilalim ng puno sa tabi ng field kay Kurt.

Habang nakatalikod, dahan-dahang lumapit si Kurt at ginulat siya pero hindi manlang ito natinag.

Andito kana. sabi ni Loraine na kinakamot nalang ni Kurt sa batok ng tinaasan siya ng isang kilay ng dalaga.

Hindi na bago ang panggugulat mo sakin. sabi ni Loraine na nakangiti kaya mabilis na kinurot ni Kurt ang magkabila nitong pisngi.

Aray, naman. nakasimangot na reklamo ni Loraine habang minamasahe ang mga pisngi.

Nakakapangigil iyang mga pisngi mo. Kanina ka pa? ani Kurt at bahagyang hinaplos ang gilid ng ulo ng dalaga.

Hindi naman, sakto lang ang dating mo. sagot niya sabay kuha ni Kurt ng hawak niyang mga libro.

Tara, uwi na tayo. anito sabay hawak sa kamay ni Loraine.






Wala pang masyadong dumadaang kalesa patungo sa baryo nila kaya halos lahat ng estudyante na nakatira malayo pa sa syudad ay naglalakad lamang.

Sumapit na ang dilim ng nasa tapat na sila ng bahay nila Loraine.

Pasok kana. sabi ni Kurt na tinanguan lang ng dalaga. Papasok na si Loraine sa bakod ng kanilang bahay ng abutin ni Kurt ang isang kamay niya, kaya napalingon siya rito.

Bakit, may sasabihin ka? tanong ni Loraine at lumapit si Kurt para halikan siya sa kabilang pisngi na siyang kinaakyat ng mga dugo niya sa mukha.

Matulog ka ng mahimbing. sabi ni Kurt tsaka mabilis tumakbo paalis ng may malapad na ngiti sa mga labi.

Bakas parin ang pagkagulat sa mukha ni Loraine. Itinaas niya ang kanang kamay at hinawakan ang nag-iinit at namumulang pisngi na siyang dinampian nang labi ng binata.






The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon