Merry Christmas!!!
Sabay-sabay na bati ng lahat at nag-toast ng kani-kanilang wineglass sa ere habang nakatayo at nakapalibot sa dining table kung saan puno ng pagkain at prutas.
Nagsimula silang kumain at masayang nagkwentuhan ng magagandang nangyari sakani-kanilang buhay sa mga nakaraang taon. Nagpalitan ng wishes at pasasalamat.
Matapos sila sa dining nagtipon muli sila sa sala para sa pagbubukas ng mga regalo na nasa ilalim ng christmas tree.
Isa-isa silang lumapit kay Lola Lourdes ang kaniyang mga anak at in-laws at ang mga apo. Isa-isa nilang hinagkan sa pisngi at sa noo ang matanda kasabay ng pagbigay ng regalo nila. At sunod-sunod nang nagbigayan ang lahat.
Sabay-sabay in 3... 2... 1... Go!/Go!!!
Bilang ni Brett at sabay-sabay nilang binuksan ang mga regalong natanggap nila.
Waahhhh!!! Exo aeribong!!!
Nagtatatalon na wika ni Mayenn sa sobrang saya at kinaway-kaway pa sa ere ang lightstick na regalo sakaniya at mabilis niyakap si Byenn dahil sakaniya ito galing.
Thank you, thank you so very much ate Byenn. ani Mayenn na niyakap rin pabalik ni Byenn na kinatuwa pa ng iba.
Lego puzzles. The best ka kuya. sabay thumbs up ni Marco sa kuya niya na bahagyang ginulo ang buhok ng batang kapatid.
Nagkangitian naman ang mag-asawang Shirley at Jeremy ng mabuksan nila ang regalo sa isa't-isa at nagyakapan. Ganoon rin sina Chelsie at Brent na hinalikan naman ang asawa sa noo.
Tuwang-tuwa naman si Lola Lourdes at Lexie sa pagmamahalan na meron ang bawat isa sakanilang pamilya.
Pinisil ni Lola Lourdes ang isang kamay ni Lexie kaya napalingon ito sakaniya at nginitian siya.
Masaya ako, anak. Masayang-masaya. sabi ni Lola Lourdes sa isip na siyang nabasa naman ni Lexie sa kumikinang at makikita ang kagalakan sa mga mata ng kanilang ina.
Sobrang saya ko rin po, Mama. Salamat, sa lahat. turan din niya at binaling ang tingin sa anak na buong-buo ang magandang ngiti.
Habang tinitipon lahat ni Mayenn ang mga regalo sakaniya may napansin siya na nakatago sa sofa sa likod ni Byenn.
Hm? Ate Byenn, kanino naman ang mga iyan?
Tanong ni Mayenn sabay turo sa mga regalong nasa likod nito kaya napunta ang atensiyon ng lahat sa gawi ni Byenn kaya bigla siyang na-tense sa kina-uupuan.
Ah... k-kasi ano... nag-aalangang wika niya at kukunin na sana ang mga ito ng unahan na siya ni Mayenn.
Hm? Para sayo pala toh, eh. turan ni Mayenn at inabot kay Jerome na naka-upo sa sahig kasama si Marco.
Nilagay nito ang hawak-hawak na bola sa tabi at tumayo tsaka abutin ang regalo. Nakangiti siyang sumulyap kay Byenn na nakatingin lang din sakaniya at umupo sa couch.
Nakaabang lang din ang iba habang pinupunit ni Jerome ang gift wrapper at ang ngiti niya ay unti-unting naglaho ng makita kung ano iyon.
Anong regalo ni Byenn? curious na tanong ni Chelsie sa anak.
Pumwesto naman sa likod ng couch si Mayenn para makita.
Photography? ani Mayenn ng mabasa ang cover ng libro.
Mahilig ka ba sa photography? tanong ni Mayenn kay Jerome pero nanatili lang sa libro ang tingin niya.
Bumalik naman ang tingin ng iba kay Byenn. Parang nagtatanong kung bakit iyon ang niregalo ni Byenn sa binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/226488917-288-k244652.jpg)