Matapos i-check ng doktor si Keisha masaya nitong sinabi sa tiyahin ng pasyente ang maayos na pag-response ng katawan nito at wala ng dapat ipag-alala pa.
Salamat po doktor. Maraming salamat. ani tiyang ni Keisha at pumunta sa tabi ng pamangkin ng nanlulumo ang mga mata.
Diyos ko. Keisha, maraming salamat at nagising kana. Sobra akong nag-alala sayo, alam mo ba iyon. anito na siyang kinaluha nalang ni Keisha habang nakasandal na ngayon sa sandalan ng hospital bed.
Inabot niya ang mga kamay ng tiyahin.
Sorry po. Sorry, kung pinag-alala ko kayo. I'm sorry po, Tita. aniya kaya niyakap na siya nito at hinaplos-haplos ang likod.
Nanatili namang nakatingin sakanila sina Byenn at Juris na nakatayo sa harapan nila na hindi rin nagtagal ay lumabas muna para bigyan ng privacy ang mag-tiyahin.
Napabuga ng hangin si Byenn bago napansin ang kasama sa tapat ng kwarto ni Keisha.
You're the CEO, am I right? turan niya na kinatango lang nito sabay pasok ng mga kamay sa magkabilang bulsa ng jeans.
I thought you're out of the country for weeks. sabi ni Byenn na siyang kinabaling nito sakaniya with his eyebrows creased.
Hinarap siya ni Byenn at nag-extend ng kanang kamay dito.
I'm Keisha's bestfriend. Byenn. aniya
Saglit tinitigan ni Juris ang kamay niyang nakalahad bago i-angat sakaniya.
Juris. anito at nakipag-kamay kay Byenn.
I know you. Palagi kang kinu-kuwento sakin ng kaibigan ko. sabi niya na siyang kina-confused ng reaksiyon ni Juris.
Bahagyang napangiti si Byenn.
Just as she told me, you seems a nice person. turan niya at napahinga ng malalim.
Keisha's a cheerful person at maaasahan sa kahit anong bagay basta kaya niyang gawin. Kaya nagpapasalamat ako dahil isang mabuting tao ang boss niya.
She paused and smiled.
As her bestfriend, I have one favor to ask you. ani Byenn na siyang pinakinggan lang ni Juris.
Please take good care of her. turan niya
She also know that Juris confessed to Keisha dahil kinuwento rin iyon ng kaibigan sakaniya.
Sabay silang napalingon sa pinto ng bumukas ito at lumabas ang tiyahin ni Keisha.
Byenn, hinahanap ka niya. sabi nito kay Byenn na siyang tinanguan lang nito at muling bumaling sa lalaki.
I'll tell her that you're here. sabi niya at pumasok na sa loob tsaka naman lumabas ang tiyahin ni Keisha.
Iho, pwede mo ba akong samahan muna? turan nito sa lalaki na agad naman nitong kinapayag at sinamahan kung saan ang ginang.
Pagkapasok ni Byenn kaagad nagkasalubong ang mga mata nila ni Keisha. Namumula pa ang tungki ng ilong nito dahil sa pag-iyak at ngayon ay nagbabadya na namang tumulo ang mga luha nito habang nakatingin sakaniya.
Byenn. anito kaya mabilis na lumapit si Byenn at niyakap ang kaibigan.
Keisha. halos pabulong na banggit niya dito at naramdaman ang pagkapit ni Keisha sa magkabilang gilid ng damit niya.
Byenn... w-wala na siya-- i-iniwan na niya a-ako. --wala na siya. iyak nitong turan dahilan para hindi na rin mapigilan ni Byenn ang pinipigilang mga luha.
