Gaya ng napag-usapan, nag-celebrate ng birthday si Keisha kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Jimboy at Winona kasama ang manager ng department nila at iilan nilang officemates.
Happy Birthday!!! - officemates
Happy Birthday, Sha! - Jimboy/Winona
Happy Birthday, Ms. Sandoval. - manager
Halos magkakasabay na bati nila kay Keisha matapos kantahan ng birthday song.
Oh, ayan. Wish kana ghurl. ani Jimboy habang hawak ang cake at nakaharap kay Keisha.
Taimtim namang pumikit ng mga mata si Keisha para mag-wish tsaka hinipan ang kandila.
Yehey! hiyawan at palakpakan pa nila bago nagsi-upuan na.
Nasa isang grilled restaurant sila kung kaya may ihawan at inuman na naganap.
Bago para kay Keisha ang ganitong salo-salo pero dahil may pagkabaliw ang mga kasama naging masaya ang pagdiriwang niya rito ng kaarawan.Gabi na ng nagsi-uwian sila. Halos lahat may tama na kung kaya nag-antay pa si Keisha na maisakay lahat ng kasama sa taxi bago umuwi.
Akesh uuwish na, ah. Shiguraduhin mong makaka-uwish ka ren sha bahay mo. lasing na habilin pa ni Jimboy sakaniya ng maisakay na niya ito sa loob ng sasakyan at mapungay ang mga matang nakaturo sakaniya.
Oo, na po. tumango-tango namang sagot niya rito.
Ey, birthday girl. Happy birthday sayo! Good night! pag-lean din ni Winona sa bintana ng taxi.
Sige, good night din sayo. nginitian lang din ito ni Keisha at dumungaw sa driver ng taxi.
Manong, ingatan niyo po mga kaibigan ko, ah. aniya at nginitian din ito.
Kita nalang tayo bukas! pahabol pa niya habang kumakaway sa papalayong sinakyan ng dalawa tsaka napahinga ng malalim at napa-iling.
Sumakay na rin siya ng taxi at napasandal ng ulo sa nakasarang binatana nito.
Habang nasa byahe hindi niya maiwasang mapabuntong-hinga. Hindi siya lasing dahil konti lang talaga ang ininom niya di tulad ng mga kasama niya na sanay na sa inuman.
Kahit papano masaya ang naging kaarawan niya kahit pa malayo siya sa mga taong malapit talaga sa puso niya.
Bumaba siya sa tapat ng bahay na tinutuluyan niya pero nahinto rin sa paghakbang ng makitang may tao na nakatayo sa tabi ng kotse na nakaparada sa tapat ng gate.
Nakatalikod ito mula sa kinatatayuan niya at hindi niya ito masyadong maaninag dahil dim ang ilaw sa poste na malapit sa gate.
Unti-unti itong humarap sa gawi niya at medyo napaawang pa ang mga labi ni Keisha.
He's holding a dark forest cake with candles on it while singing happy birthday and directly looking at her.
Happy Birthday to you,
Happy Birthday to you,
Happy Birthday, happy birthday...
Happy Birthday to you... kanta ni Juris hanggang sa makalapit siya sa kinatatayuan ni Keisha.Happy Birthday. anito na siyang kinatanga lang ni Keisha.
Hindi mo ba hihipan ang candles? nakangiting turan ni Juris na siyang nagpagising sa nakatulog na diwa ni Keisha.
Ilang ulit pa siyang napakurap-kurap ng talukap at muling umangat ng tingin sa boss niya ng may pag-aalinlangan. Mukhang hindi pumroseso ang sinabi nito sa kaniyang utak.
