3:The Passed Away

79 4 0
                                    

Alas singko palang ng umaga pero dilat na ang mga mata ni Byenn habang nakatihaya sakaniyang kama.

Hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa eksena kagabi. Iniisip niya tuloy kung sino ang pwedeng gumawa nun sa mga bangkay. Or she might consider "ano" at hindi "sino".

Naputol lang ang pag-iisip niya sa mga kababalaghang pumapasok sa isipan niya ng may kumatok sa labas ng room niya.

Sinilip niya kung sino ang kumakatok sa labas at ganun nalang ang pagkunot ng noo niya ng makita si Mayenn na nakabihis ng pang-jogging at malapad ang ngiti sakaniya.






Nag-jogging silang dalawa sa labas ng mansion ng ilang rounds. Ayaw nilang lumayo pa dahil sa nasa-isip parin nila pareho ang mga kababalaghang nangyari kagabi.

Mayenn, ikaw? You think, bakit ganun ang nangyari sa mga bangkay? tanong ni Byenn sa pinsan ng medyo nagjo-jog nalang sila.

Nag-isip naman si Mayenn tsaka huminto saglit kaya huminto rin si Byenn.

Actually, hindi ako naniniwala dun. sabi ni Mayenn at nagsimulang maglakad nalang.

What do you mean by that? curious na tanong ni Byenn.

Matagal na kami dito sa baryo Maliwanag. Elementary ako at nasa High School naman si Jerome ng lumipat kaming lahat sa mansion at dito na nag-aral. Sa madaling salita bakasyunan lang namin ang Maynila at dito talaga ang main address namin. Madami na akong naririnig na usap-usapan tungkol sa gubat na iyon at halos lahat nakakatakot at makatayo balahibo. Nung una natakot ako syempre pero ng tumagal na wala namang nangyayaring masama samin medyo nakahinga na ako ng maluwag. Basta lang daw huwag natin gambalain at lumapit sa gubat, safe tayo. Yun ang paulit-ulit na bilin nina Lolo't-Lola samin noon pa man.

Mahabang alintaya ni Mayenn na siyang pinakinggan lang rin ni Byenn at tumango-tango lang habang pinoproseso ang lahat sakaniyang utak.

Pero ang nangyari kagabi... talagang nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi, eh. dagdag pa ni Mayenn na siyang kinasalubong na ng mga kilay ni Byenn.

Don't tell me... you--

Tumango si Mayenn.

Yung kagabi, iyon ang unang beses na may nangyaring krimen sa gubat na nasaksihan ko mismo. Mukhang mas kailangan ngang mas iwasan pa natin ang gubat na iyon lalo na't nag-iisang daan lang iyon palabas at papasok sa baryo natin. turan pa ni Mayenn at muling tumakbo.






Oh? Ang aga niyo atang nagising. Naglakadlakad kayo? ani Shirley na kakalabas lang ng main door at namataang galing sa labas ang magpinsan.

Nag-jogging lang po kami ni ate Byenn, Mama. sagot ni Mayenn sabay yakap sa bewang ng kaniyang ina tsaka ngumuso.

Pssh. Naglambing pa. Ni hindi manlang kayo nag-suot ng sweater o jacket, mahamog ah. turan nito ng mapansin na naka t-shirt lang at manipis na leggings ang suot ng dalawa.

Pero hindi naman gaano kalamig, Mama.Sadyang mababa lang ang immune system niyo kaya kayo lamigin. pagdadahilan ni Mayenn na kinataas ng kilay ni Shirley dahil sa sinagot ng anak.

Napitik niya ang noo nito na mas lalong kinahaba ng nguso ni Mayenn. Natuwa naman si Byenn sa nakikita sa mag-ina.

Tsk! Sige na at pumasok na kayo sa loob at mag-breakfast. Mamaya lang darating na ang labi ng Lolo ninyo. ani Shirley na mabilis namang kinatango ni Mayenn at nauna ng pumanik sa loob habang himas ang noo niyang pinitik ng ina.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon