15:The Passed Away

16 4 0
                                    

Keisha's POV

Nang makalapag ang eroplano sa L.A ay namangha talaga ako. Sabi kasi ni Byenn ay halos magaganda daw ang lugar at tanawin sa California. At naniniwala talaga ako sakaniya lalo na at gabi na kami naka-drop off.

Besides sa kumikinang na bituin sa kalawakan ay mas lalong nagpaliwanag sa kadiliman ang mga street lights, ilaw ng matatayog na gusali at iba pa. Malamig din ang simoy ng hangin kapag sa labas.

Ms. Sandoval, you should close the window. It's cold outside, you might catch a flu sticking out your head to the window. salita nito sa tabi ko kaya sinara ko nalang ang bintana ng kotse at ngumiti sakaniya pero hindi manlang niya ginantihan at bumalik sa ginagawa sa ipad niya.

Psh. Boss suplado. nguso ko at diretso nalang ang tingin sa harapan ng mapansin kong nakatingin pala sakin ang bodyguard nito slash driver sa salamin kaya pilit ko nalang ito nginitian.
Tss. mukhang nakita niya pa yata ang pagnguso ko sa boss niya. Patay ako kapag nagsumbong ang isang, toh. duro ko pa sa isipan at napatakip nalang sa mukha at siniksik ang ulo ko sa bintana ng kotse.








Manghang-mangha ako pagdating namin sa hotel condominium na tutuluyan namin for a week.

May kaniya-kaniya kaming room at magkakatabi lang.

Ang akala ko ay sobrang mangha na ako sa sikat na condominium na ito pero mas namangha ako sa pagsalubong sakin ng magiging kwarto ko.

Kaagad ko iniwan sa tapat ng pinto ang maleta ko at nagtatatakbo sa malaking kama at tumalon dun. Para akong isang bata na nagpagulong-gulong sa ibabaw ng napakalambot na kama at tumihaya.

Ang sarap sa pakiramdam! sigaw ko dahil wala namang makakarinig sakin at sound proof ang mga rooms.

Hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko ng bumangon sa kama at tinungo ang banyo sa kasing laki na ng kwarto ko sa apartment ko sa Manila.

Sobrang linis at kumikintab pa ang mga gripo, inodoro't--
Pagbukas ko ng curtains ay kaagad ako lumuhod at manghang hinaplos-haplos ang bathtub ng matigilan na naman ako ng may pumasok sa isipan ko.
Kaagad akong tumakbo palabas ng banyo at tumapat sa curtains na malapit sa kama tsaka iyon inilihis.

Mabilis kong nabuksan ang sliding door at manghang tumapak sa balkonahe ng room ko. Sumalubong sakin ang fresh na simoy ng hangin at ang magandang tanawin ng city na pinuno ng iba't-ibang ilaw.

Ang ganda, sobra. bigkas ko tsaka dinama ang haplos ng simoy ng hangin habang nakapikit angmga mata ko.

At isang minuto pa lamang ay bigla ko nalang niyakap ang sarili.

Ang lamiiiggg. turan ko at mabilis pumanik sa loob.








Mabilis ang takbo ng oras at ngayon ay ikaapat na araw na namin dito sa Los Angeles, California. Ang home country ng kaibigan kong si Byenn.

Kamusta na kaya siya? Hindi naman kami makakapag-usap ng maayos dahil pacific time dito sa L.A. Ayaw ko naman maka-istorbo mamaya tulog na iyon. At alam kong nalulungkot siya.

Nang tumawag kasi siya nalaman kong isinugod nila sa ospital si Lola Lourdes kaya nag-alala ako. Naging malapit din kasi si Lola samin ni Tita at dahil din sa pamamasukan noon ni Tita sa mansion ay naitaguyod niya kami at nakatapos ako ng kolehiyo.

Pero ng tumawag ulit sakin si Byenn ay nakahinga ako ng maluwag at napanatag. Nagpapasalamat ako sa diyos at maayos na ang lagay ni Lola Lourdes.

Gusto ko mang makipag-kamustahan ay di naman ako maka-save ng time mag-excuse kapag nasa meeting si sir Juris. Hindi niya ako pinapayagang lumayo manlang sa tabi niya. Pssh. Yung iba nga hindi na sinasama yung mga secretary nila kapag may masinsinan at importanteng pinag-uusapan about business. tsk.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon