Maganda ang naging umaga ni Keisha. Nagpaalam siya sakaniyang Tita na mamasyal.
Kahit hindi sinabi ni Keisha kung saan siya pupunta at kung sino ang kasama niya hindi na rin nagtanong pa ginang. Alam niya at tanggap niya. Hindi siya gagawa ng hakbang o magiging dahilan ng pagsira sa kasiyahan ng kaniyang pamangkin.
Si Keisha na mismo ang gumawa ng sarili niyang kapalaran ang magagawa niya nalang bilang tiyahin nito at tumatayong ina ng dalaga... ay ang suportahan ito.
Napangiti si Keisha ng agad makita si Prince sa gubat. Wari'y niya ay hinihintay siya nito ng may ma-isip na kalokohan.
Kagat labi siyang dahan-dahan na humakbang palapit sa likuran nito para pigilan ang matawa sa ginagawa ng may maapakan siyang patay na kahoy kaya gumawa iyon ng tunog.
Napangiwi siya at lumingon si Prince sa gawi niya. Taas ang isang kilay na tiningnan siya nito at saglit lang ay nakita niya kung paano gumuhit pataas ang isang sulok ng labi nito. Nagpipigil ng itatawa matapos suriin ang posisyon niya kaya mabilis siyang tumayo ng tuwid at nginusuan ito.
Tsk. Ang sama mo tinatawanan mo na ako ngayon? nanliliit ang mga matang pagsusungit niya na kinatikom naman ng mga labi ni Prince at iniwas ang tingin rito habang pigil pa din ang tawa.
Saglit napatulala si Keisha sa gwapong mukha nito at ngiti. Ang nakanguso niyang mga labi ay biglang nawala.
Salamat sayo... naging masaya at makabuluhan ang childhood ko. Alam kong darating at darating ang panahon na tuluyan mong lilisanin ang mundo na ito. Kahit masakit, kahit na mahirap... at kahit na hindi madali. Susubukan ko. Buong puso kong tatanggapin na maiiwan ako. Pero mananatili ka pa rin sa puso ko, Prince. Dahil ikaw... ikaw ang first love ko.
Turan niya sakaniyang isipan habang nakatitig kay Prince.
Pinilig niya ang ulo para lihisin ang emosyon na nagbabadyang sakupin ang puso't-isip niya tsaka ngumiti.
Gusto kong makita ang magandang tanawin. sabi niya na kinalingon sakaniya ni Prince.
Masaya silang naghabulan sa tabi ng bangin, naglaro ng bato-bato pik habang naka-upo sa damuhan, nagsubuan ng baong sandwiches ni Keisha, nagtagu-taguan sa katawan ng malaking puno ng mangga.
Para silang bumalik sa pagkabata na masaya na kahit na magkalaro lang na magkasama.
Kasalukuyang nakahiga si Keisha sa mga hita ni Prince habang nakasandal naman ito sa katawan ng puno.
Itinaas ni Keisha sa ere ang mga kamay niya at pinagdikit ang kaniyang mga daliri na parang naghahanap ng magandang anggulo ng mga ulap.
Ayun! Isang mansanas. turo niya sa ulap na nag-form bilang mansanas.
Yun pa! Isang ibon. Haha. turo pa niya sa ibang direksyon na kinatuwa naman ni Prince dahil sa masiglang dalaga.
Halos nakangiti lang ito simula ng magkasama sila ngayong araw. Pero alam niyang sa likod ng bawat ngiting iginagawad nito sakaniya ay lungkot at takot.
Mapait siyang ngumiti at inabot ang mga kamay ni Keisha na nasa ere ng kanang kamay niya. Kinulong niya ang mga iyon tsaka hinaplos ng maipatong sa ibabaw ng tiyan nito. Tiningnan naman siya ni Keisha ng may pag-aalangan. Hinaplos naman ng kaliwang kamay nito ang malambot niyang buhok.
Kung sakaling... muli akong mabubuhay. Nais kong ang mga kamay na ito, ang muli kong hahawakan. ani Prince habang nakayuko sa mga kamay ni Keisha na hawak niya.
