42:The Passed Away

13 2 0
                                    

After hearing the reason behind the drop call Byenn burst into laughter while Jerome's face was all red. He even went back to the bathroom and closed it because of embarrassment. Byenn can't stop her laughter easily but then after awhile she walk in front of the bathroom door and knock.

Hey, come out now. I won't laugh anymore. sabi niya kahit ang totoo ay nagpipigil pa rin siya ng tawa sa pamamagitan ng pagkagat ng labi niya.

Jerome, lumabas ka na. Sige ka, babalik nalang ako sa Manila at-- dare niya ng buksan na nito ang pinto.

Nabusangot ang mukha. She smiled at him at ginaya pa-upo sa paanan ng kama nito. Byenn let out a sigh before looking directly to Jerome's eyes and talk while holding his both hands.

Look, I didn't mean to laugh at you. The truth is... I find it cute... simula niya na siyang pinakinggan lang ni Jerome.

The way your face flushed red, the way you act when embarrassed... everything about you makes my heart flutter. And I felt... happy. And it's all because of you, Jerome.

Lumiwanag ang mukha ni Jerome ng sabihin ng dalaga ang mga bagay kung bakit siya nito nagustuhan.

Talaga? masaya niyang turan.

Tumango si Byenn kaya niyakap siya nito na sinuklian naman niya.

That's why I have decided. Let's tell them. aniya

Dahan-dahang umalis sa pagyakap si Jerome at tinignan si Byenn na medyo naguluhan pero isang ngiti ang binigay nito sakaniya.

Sabihin na natin ang totoo... ang relasiyon natin, hm? pagkumbinsi niya na siyang unti-unting nagpangiti rin kay Jerome at tumango.









Mula naman sa labas ng balcony ng room ni Jerome nakatanaw sakanila si Khurt bago ito lumaho at napunta sa gitna ng gubat.

Napabuntong-hinga siya saka bumaba ang tingin sa pulseras na bigay sakaniya ni Keisha.

Huni ng ibon ang tanging maririnig kasabay ng hangin sa paligid ng biglang parang tumigil ang oras.

Sunod-sunod na nagliwag at dilim. Maraming beses na parang pinapatakbo nito any oras hanggang sa tumigil nalang ngunit madilim na ang buong kagubatan.

Nilibot ni Khurt ang kaniyang paningin sa nababalot na kadilimang paligid ng bigla nalang umalingawngaw ang putok ng baril.

Nakarinig siya ng kaluskos mula sa bandang likuran niya at ng lingunin ito ay nakita niya ang sariling duguan. Nakatago sila sa katawan ng puno habang humihikbi ang babaeng mahal niya.

Loraine. banggit niya sa pangalan ng babae habang nakatingin lang dito.

Sinundan niya ang mga ito matapos mapatumba ang dalawang hapon. Sinubukan niya ring akayin ang sarili ng mawalan ito ng balanse pero tumagos lang ang kamay niya. Ni wala manlang siyang magawa para matulungan ang sarili at ang babaeng mahal niya.

Hanggang sa nangako at nagpaalam si Loraine sakaniya wala siyang magawa kundi ang panoorin lang ito.

Sinundan niya si Loraine hanggang sa makalabas ito ng gubat at nagmamakaawang humingi ng tulong sa mga tao pero nilampasan lang siya ng mga ito dahil rin sa takot na mapasakamay ng mga hapon.

Hindi niya napigilang manubig ang mga mata dahil sa nakikitang pagmamakaawa ng babae.

Nilapitan niya ito na siyang naghihingi ng tulong sa isang guwardiya sibil.

Paki-usap, sumama kana. Iligtas mo ang sarili mo. Huwag mo na akong alalahanin pa, Loraine. Paki-usap, umalis ka na. sabi niya dito kahit hindi naman siya nito marinig ng biglang matumba nalang ang lalaki.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon