Naging busy ang preparation para sa pagsalubong ng pasko sa mansion. Lahat ay may kani-kanilang task at masayang nakatanaw si Lola Lourdes sa pagtutulungan ng kaniyang pamilya.
Maagang naka-uwi si Keisha sakanila at tinulungan ang tiyahin niya sa paghahanda para mamaya.
Samantala...
Mom? tawag ni Rachelle sakaniyang ina ng makapasok sa kwarto nito.
Not now, Rachelle. I'll be leaving for a business trip, busy ako kaya kung may sasabihin ka man sa pagbalik ko nalang. sagot ng kaniyang ina ng hindi manlang siya nagawang tapunan ng tingin dahil busy sa pagdampot ng mga gamit na dadalhin.
Pabagsak na na-upo siya sa kama ng Mommy niya ilang segundo paglabas nito sa kwarto para umalis na.
Divorce na ang parents niya at naiwan siya sakaniyang ina habang may ibang pamilya naman ang kaniyang ama.
Her Mom is still upset of her dahil sa pagtalikod niya sa pangarap nitong masundan niya ang yapak nito bilang isang sikat na balerina noong mga kapanahunan nito.
Pero anong magagawa niya? Hindi iyon ang pangarap niya kundi sakaniyang ina.
Simula ng iwan sila ng Dad niya ay mag-isa nang kumakayod ang kaniyang ina para sakanilang dalawa. She love her Mom pero talagang hindi niya kayang ipilit ang gusto nito dahil siya... may pangarap din siya at iyon ang gusto niyang ma-achieve.
Bzzt~ bzzt~
Vibrate ng cellphone niyang hawak at sinagot.
Magbo-bowling kami mamaya. Sasama ka? salita sa kabilang linya. Si Kyle.
Hindi siya kaagad nakasagot at nag-isip.
Sasama si Jerome. anito na siyang bahagyang kina-angat ng mukha ni Rachelle mula sa pagkakatungo.
Hm. Sige. sagot niya. Na-isip niya na okay na rin na lumabas siya para makalimot sa problema at makasama saglit ang lalaking nagugustuhan niya.
I'll fetch you at 2pm. anito sa kabilang linya na tinanguan niya kahit hindi naman siya nakikita ng binata tsaka binaba na ang tawag.
Napahiga sa kama niya si Kyle matapos ang pagtawag niya kay Rachelle. Tinakpan niya ng kanang braso niya ang kaniyang noo at diretso ang tingin sa ceiling.
Labag sa loob niya na banggitin pa ang pangalan ng kaibigan para lang sumama ang dalaga.
Aware siyang kay Jerome lang lagi nakatuon ang atensiyon ni Rachelle at aaminin niyang nagseselos siya. Una niyang nakilala si Rachelle pero kay Jerome nahulog ang puso nito.
Pero dahil magkakaibigan sila at malalim ang naging samahan hindi niya magawang magtanim ng galit kay Jerome. Kahit pa na minsan nakakaramdam siya ng inis sa tuwing hindi nito pinapansin ang dalaga. At sobrang selos dahil sa mga effort at paglapit na ginagawa ni Rachelle kay Jerome na nau-uwi lang sa wala.
Aaminin din niyang minsan nakakaramdam siya ng pag-asa sa tuwing binabalewala ni Jerome si Rachelle dahil na-isip niya na mapapansin din siya ng dalaga pag palagi siyang nasa tabi nito.
Napabangon siya at ilang segundo pang napahalukipkip habang naka-upo sa paanan ng kama tsaka tumayo para tumungo sa banyo.
Naghubad siya ng kaniyang mga saplot at tumapak sa loob ng shower. Pero habang tuloy-tuloy na rumaragasa ang maaligamgam na tubig sakaniyang katawan napahinto siya at pinihit ang handle ng shower.
Biglang nag-flash sa isipan niya ang maamong mukha ni Byenn at ang mga ngiti nito.
Isinandal niya ang kanang kamay sa pader ng nakasalubong ang makapal niyang mga kilay at napailing.
