8:The Passed Away

24 4 0
                                    

Kinagabihan nagkita muli sina Byenn at Keisha sa tabi ng isang daan matapos ang kwentuhan nila kaninang hapon pagdating nito galing Maynila.

Ano, nakita mo ba siya? tanong ni Keisha sa kaibigan niyang si Byenn na umiling.

Nag-aalala na si Keisha dahil simula pa pagdating niya ay hindi manlang lumitaw si Prince.

Gabi na, asan ba siya nagpunta? mahinang salita ni Keisha habang nililibot parin ang paningin sa paligid.

Ano bang nangyari? Nagpaalam manlang ba siya kung saan siya pupunta? tanong niya kay Byenn na kina-isip naman ng dalaga.

Naalala niya ang huli niyang pagkita sa kaluluwa kanina.

Nakasalubong ko siya kanina paglabas ko ng mansion pero-- mukhang maayos naman siya ng bigla nalang parang namilipit sa sakit. I was about to approach him ng bigla siyang naglaho. I don't know. I don't know his whereabouts after it happened. Hindi ko na inintindi pa at baka nauna na siyang pumunta sainyo. sabi ni Byenn sa kaibigan na sobra ng nag-aalala.

Imposible naman na basta nalang siya naglaho. Isa pa hindi siya maaaring dalawin ng liwanag dahil hindi niya pa natatapos ang misyon niya. Hindi siya pwedeng maglaho. Hindi pwede. hindi mapakaling turan ni Keisha na kinakunot ng noo ni Byenn.

Misyon? tanong niya sa sarili at tumingin muli sa kaibigan na hindi mapakali.

Keisha, siguro kailangan na nating magpahinga. Tama na muna ang paghahanap natin ngayon. Bukas... I'm sure bukas nandito na siya. Kailangan mo rin kasi magpahinga. Pagod ka pa sa byahe. Bukas, makikita na natin siya. pagkumbinsi ni Byenn kay Keisha para narin kumalma ito.

Napatingin si Keisha sa kamay ni Byenn na nakahawak sa braso niya at hinawakan iyon sabay binigyan ito ng nakumbinsing ngiti.

Tama ka. Siguro may ginawa lang siya, bukas andito na siya. aniya

Sige, uuwi na ako. sabi ni Keisha na tinanguan ni Byenn.

Ihahatid na kita. boluntaryo na sabi ni Byenn ng pigilan siya ni Keisha.

Okay, lang. Malapit lang naman samin. tanggi nito na kinatango ni Byenn.

Be careful. sabi pa ni Byenn at tumango lang si Keisha kaya napabuntong hininga nalang siya.

Saan ba kasi nagpupupunta ang kaluluwang iyon? usal ni Byenn sakaniyang isipan at humarap na sa daan pabalik ng mansion.









Byenn? tawag ng boses ng lalaki sa pangalan ng dalaga kaya napahinto ito. Itinutok nito saglit ang flashlight sa dalaga.

Ako, toh. Si Jerome. pakilala ng binata.

Jerome, b-bakit ka nandito? tanong ni Byenn sa pinsan ng lapitan niya ito.

Nag-alala ang lahat dahil madilim na at wala ka pa sa mansion kaya hinanap kita. sabi ni Jerome.

Pa-uwi narin ako, may hinanap pa kasi kami ni Keisha at hindi na namin namalayan ang oras. dahilan ni Byenn at pekeng ngumiti.

Kung ganun, sumabay kana sakin pa-uwi. sabi ni Jerome at naunang maglakad dahil siya ang may dala ng flashlight at sumunod nalang si Byenn.

Habang tahimik na naglalakad ay may pasalubong sakanila na mga kalalakihan na naka-bisekleta at tumigil sa harapan nila.

Hoy! Mr. Captain ball, mabuti naman at nagkita tayo. sabi ng isang lalaki na may pagka-angas.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon