Matapos ang mahabang byahe sa wakas at nakarating na sila sa kanilang paroroonan.
Paraiso La Gloria...
Pagkababa ng pagkababa sa van nag-unahan ang tatlong magkaibigan sa pagtakbo. Iniwan ang ibang kasama na nagsikuhaan pa ng kani-kanilang gamit habang naka-park ang van sa parke.
Huminto sila sa tapat ng hotel na may sampung palapag.
Wah... Nandito na talaga tayo? sabay ikot ni Cherry habang nakatingala sa mataas na gusali. Nagtataka namang nilingon ito ni Mayenn dahil nakitaan niya ang kaibigan ng pagkadismaya.
Huh? Anong klaseng tanong iyan? tanong niya rito.
Pero nasaan ang village resort? baling niya naman kay Grace na siyang sa tabi na ng isa habang nililibot ang tingin sa paligid.
Napabuntong-hinga si Mayenn dahil sa mukha ng mga kaibigan. Inilabas niya ang dalang brochure ng resort at itinaas ito para ipakita sa dalawa. She gave them a bored look.
Ni-recommend ng kaibigan ni Papa ang resort na ito. Tinignan ko ang brochure at nag-research din ako. Tsk! Sinasabi ko sainyo, laglag iyang mga panga niyo once na nakapasok na tayo sa loob. ngumisi pa siya sa dalawa sabay pagkrus ng mga kamay.
Hindi lang isang simpleng resort ang Paraiso La Gloria. aniya sabay wink.
After nilang maayos ang reservation sa reception hall may itinalagang staff ang resort para maghatid sakanilang tutuluyan for 2days.
Welcome to Paraiso La Gloria. wika ni Mayenn ng makapasok na sila mismo sa village. Tiningnan niya ang reaksiyon ng mukha ng mga kasama. Napangisi siya dahil halos lalag panga na ang dalawang kaibigan niya.
Sabi ko sainyo, eh. Hindi ordinaryo ang lugar na ito. This place is paradise. nakangisi niyang turan sa isipan at nagsimula ng maglakad ng mauna ang staff na naka-assign sakanila.
Mula sa entrance ng village resort madadaanan nila ang mga villa na gawa sa matibay na kahoy at straw. Naka-organize ang pagkakatayo ng mga ito at halos limang pulgada ang layo ng mga ito sa katabing villa. Local concept ang resort at jungle naman ang theme. Maraming nagtataasang puno ng niyog at tulad ng mga villa ay naka-organize rin ang kinatatayuan ng mga ito. Gaya nalang ng nakahilera ito sa magkabilang tabi kung saan pinapagitnaan ang daan. Malaya ring nagliliparan ang mga ibon sa paligid at may mga turistang nagpapakuha ng pictures kasama ang iba't-ibang alagang hayop na inaalagaan sa resort.
Nandito na po tayo.
Pagkasabi nun ng staff nagkatinginan sina Cherry at Grace at sabay baling sa lagoon villa na nasa harap nila ngayon.
Oh. Em. Gee. Totoo ba, toh? Grace, pakikurot mo nga ako. wala sa sariling utos niya sa katabi kaya sinunod naman ito ng isa at kinurot siya sa tagiliran sahalip na tumili sa sakit ay nakiliti ito kaya medyo natawa ang mga kasama nila.
Hindi ako nagha-hallucinate. aniya at nauna ng tumungo sa villa.
H-hoy! Cherry, hintay! habol naman ni Grace dito na siyang kinangiwi ni Mayenn at apologetic na tumingin sa mga kasama.
Ah. Pagpasensyahan niyo sana ang dalawang iyon. Ganun lang talaga sila. Hehe. at nagmadaling sumunod sa dalawa.
Lumapit naman ang staff kay Byenn.
Ma'am? Ihahatid ko na po kayo sa villa niyo. anito na kinataka ng iba at napatingin kay Byenn.
Teka, anong ibig mong sabihin? takang tanong ni Jerome kay Byenn.
Ah. Tito Jeremy had 2 lagoon villa for a reservation. Each villa has 2 rooms and 4 beds. paliwanag niya tsaka bahagyang ngumiti.
Since we came 9 in total... I decided to take one.
Kung ganun hihiwalay ka samin? kunot-noong turan pa ni Jerome.
Awkward namang nginitian siya ni Byenn dahil alam niyang nakatingin lang sakanila sina Kyle, Rachelle, Cyrus, at Gilbert na mga kaibigan nito.
Ahm. I choose the one nearby. aniya tsaka humarap sa staff.
I checked-in in a beach view villa. The one near the lagoon. sabi niya sa staff name kinatugon naman nito.
The beach view villa is just 30 steps away from here in that direction, Ma'am. sabay turo sa direksyon kung saan tanaw mula sa pwesto nila ang mga villa na nakatayo sa white sand.
Nakangiti namang binalingan ni Byenn si Jerome.
See? It's near. aniya at tinapik si Jerome sa balikat na pawang ginagawa ng magkaibigan o magpinsan.
Iniisip ni Byenn na baka mapaghinalaan sila ng mga kaibigan nito na higit pa sa pagiging magpinsan ang relasyon nilang dalawa.
Here's the key. binigay niya kay Jerome ang susi sa kabilang villa at humarap sa mga kaibigan nito.
The left villa will be occupied by girls and the other is for boys only. Kayo na ang mag-decide kung sino ang gusto niyong makasama sa iisang kwarto. she sighed before looking at Rachelle.
Mayenn picked you as her roommate. sabi niya saglit namang sinulyapan ni Kyle si Rachelle at kay Byenn.
We'll be having our lunch at the village resto. Let's just gather after unpacking. Byenn
Miss ganda. Pwede kitang samahan sa villa mo. Tutulungan kitang mag-unpack at-- jkidjjdhdkl--
Presinta ni Cyrus ng hindi na naman natapos ang sasabihin dahil tinakpan na ni Gilbert ang bibig nito gamit ang palad niya tsaka ito kinaladkad sa villa nila.
Papahingahin ko muna ang ang isang, toh. anito ng nakatalikod sakanila.
Papasok na rin kami. salita naman ni Kyle at binalingan si Rachelle na tumango lang sakaniya. Naiwan naman sina Byenn at Jerome ganun na rin ang staff.
Sandali. ani Jerome na siyang kinalingon ni Kyle. Tinossed niya ang susi sa villa ng boys rito.
Susunod ako. aniya na kinakunot-noo naman ni Byenn na napatingin kay Jerome.
Pero hindi na nagsalita ito at basta nalang inagaw kay Byenn ang bag nito tsaka humarap sa staff na mukhang mabilis naman nito napagtanto ang nais ng binata.
Dito po tayo. anito at nauna na para i-assist sila. Sumunod na si Jerome kaya humabol nalang rin si Byenn.
Pagkapasok sa loob agad bumungad kay Byenn ang magandang ambiance sa loob ng villa. May medium size bed, mini kitchen sink. Pinatong niya sa kama ang shoulder bag niya tsaka tumungo sa isang pinto kung saan ang banyo at may shower na rin sa loob.
Umupo naman si Jerome sa paanan ng kama matapos ilapag ang bag ni Byenn sa isang upuan.
Hindi na rin masama. Naka-double lock ang pinto at gawa sa bakal ang bintana. turan niya sa isipan habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.
Napunta kay Byenn ang atensiyon niya na tumungo naman sa isang cabinet kung saan mayroong extrang mga unan, kumot, bathrobe, at towels.
Hm? I think this villa is for couples. It's actually for two people--
Hindi siya kaagad nakapag-react ng paglingon niya bigla nalang siyang sinunggaban ng halik ni Jerome.
Sinandal siya nito sa cabinet kanina at mariing inaangkin ang labi niya. Nang tumigil ito at titigan siya sa mga mata inakala niyang hindi na nito itutuloy pero ilang segundo lang natagpuan niya nalang ang sarili na tumutugon sa mainit na halik ni Jerome habang kinapaibabawan siya nito sa kama.
"It's good to be out and hangout with the people we used and using to know one another."
_❤urauthor_#ThePassedAway
