27:The Passed Away

10 2 0
                                    

Kakatapos lang mag-half bath ni Byenn ng dumiretso siya sa study table niya at binuksan ang phone kung may message ba siya o missed calls mula kay Keisha.

Napabuga siya ng hangin ng wala manlang ni isang natanggap kaya lumapit siya sa kama at pabagsak na umupo sa paanan nito.

Ang kaluluwang iyon. *sighs* He's such a trouble maker and a pain in the ass. Tss. turan niya at bukas ang bisig na hiniga ang sarili sa kama.









3 hours ago...

Tumayo mula sa pagkaka-upo sa damuhan si Byenn. Pinagpag niya muna ang kaniyang pang-upo bago tumalikod sa tanawin ng bigla nalang siyang mapamura dahil sa pagkabigla.

Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib at tiningnan ng masama si Prince.

Ikaw! Haish! Gusto mo talaga akong atakihin sa puso eh, noh? Kung saan-saan ka nawawala at nagpapakita nalang bigla. Gawain mo rin siguro iyan nung nabubuhay ka pa. bulyaw ni Byenn at hinilot-hilot pa ang gitnang dibdib habang panay nagpakawala ng buntong-hinga.

Nang kumalma na siya muli niyang tiningnan si Prince ngunit mahinahon na.

Alam mo bang hinahanap kaniya? tanong niya rito.

Alam ko. sagot ni Prince na diretso lang nakatingin sakaniya.

Akala niya wala kana. ani Byenn

Alam ko. walang emosyon na muling sagot ni Prince.

Hindi ako si Loraine. Hindi ako ang Loraine na minahal mo. paliwanag niya

Alam ko. tipid na sagot lang ulit ni Prince.

Saglit napapikit ng mariin si Byenn. Naririndi na siya sa tipid at paulit-ulit lang na sagot nito sakaniya.

Alam mo pero alam mo din bang--... saglit siyang natigilan sa isusumbat sa lalaki at napakuyom ng mga kamao.

Alam mo ba kung gaano nasasaktan ngayon ang kaibigan ko? mapait niyang tanong kay Prince na siyang kinababa naman ng tingin nito sa lupa.

Alam ko. sagot niya ulit na siyang kinarindi na talaga ni Byenn.

Iyan lang ba talaga ang alam mong isasagot? Alam mo? Kung alam mo bakit wala kang ginagawa? Bakit mo siya pinapabayaan? Maliban kay Loraine minahal mo rin siya. Minahal niyo ang isa't-isa kaya bakit-- bakit hindi mo magawang magpakita sakaniya? Sa ginagawa mong pag-iwas mas lalo lang niyang iisipin na kinalimutan mo na siya. Na wala na siyang halaga pa sayo dahil bumalik na ang mga alaala mo at ang babaeng una mong minahal. mahabang alintaya ni Byenn na siyang dahilan ng pagkawala ng isang butil ng luha sa mata ni Prince.

Mariing napakagat ng ibabang labi si Byenn at suminghap ng hangin sabay iwas ng tingin sa kasama.

Simula palang alam mo na ang consequences sa ginawa mong desisyon. At alam din ni Keisha ang sakaniya. Sa kabila ng lahat, pinili niyo paring mahalin ang isa't-isa kahit na walang saysay iyon. Dahil sa huli, maiiwan parin siyang mag-isa at ikaw ay tuluyan ng mamamayapa sa kabilang buhay. muli siyang napasinghap at sinalubong ang tingin ni Prince.

Una palang, hindi na ako sang-ayon sa relasyon ninyo. saglit siyang napakagat sa labi.

Ngayon ko lang hihilingin sayo ito. ani Byenn na kina-ayos naman ng tindig ni Prince at handang pakinggan ang hiling na hihingin nito sakaniya.









Mabilis napabangon si Byenn ng mag-vibrate ang phone niya na nakapatong sa study table niya.

Isang mensahe galing kay Keisha iyon kaya binasa niya kaagad iyon.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon