29:The Passed Away

10 2 0
                                    

Mabilis ang takbo ng oras. Dumating ang araw ng Christmas celebration ng University at Final Tournament ng dalawang basketball team ng magkaibang department.

May mga estudyanteng naglalakbay sa campus, sumusubok sa iba't ibang booth sa field, kumakain sa cafeteria, umiinom at kumakain ng snacks sa foodcourt.

Gaganapin ang laro sa covered gym ng University. Maraming dumagsang estudyante ng iba't-ibang department at SHS students. Naroroon din ang mga inimbitahang pamilya ng mga players.

Go TEAM Jaguars! Laban Wolf!

Hindi pa nagsisimula ang laro puno na ng sigawan at tilian ang mga manunood lalo na ang mga kababaihan.

Malaki ang gym pero sa ngayong may game ay mukhang lumiit ito dahil sa dagsa ng mga estudyante na nakasuot ng shirts ng kani-kanilang department.

Makikita sa kanang bahagi ng gym ang supporters ng Team Jaguars kung saan ang Department ng CEA (College of Engineering and Architecture). Sa kaliwa naman ay ang supporters ng Team Wolf kung saan ang Department ng CAS (College of Arts and Sciences).

Ang dalawang Team ang maglalaro sa Championship ng Basketball sa taon na ito.

Mayenn, bigyan mo nga ako ng isang balloon diyan. kalabit ni Lola Lourdes sa apo na nakatayo ngayon sakaniyang tabi na nagdi-distribute ng black balloons sa mga supporters ng Team Jaguars.

Magchi-cheer din po kayo, Lola? takang tanong ni Mayenn sakaniyang Lola.

Abay pinagdududahan mo ba ang kakayahan ko, ha? Magchi-cheer ako sa apo ko, kay Jerome. Akin na. anito kaya wala ng nagawa si Mayenn at binigyan ang kaniyang Lola.

Ma, sigurado po ba kayo? tanong naman ni Shirley sa ina.

Ma, hayaan mo na muna si Mama. suway ni Jeremy sa asawa na kinasilip naman ni Brett sa tabi ng asawa na si Chelsie na buhat-buhat si Marco.

Tama si Jeremy, hayaan na natin si Mama. Gusto niyang i-cheer si Jerome. sang-ayon nito sakaniyang brother-in-law na nagfist-bump pa sila. Napailing nalang si Shirley at nag-lean kay Lola Lourdes.

Basta, Ma. Sabihin niyo lang kaagad kung may nararamdaman kayo, ha. aniya sa ina na kinatango lang ng matanda tsaka ngumiti sa anak.

Nga pala. Si Byenn? biglang tanong naman ni Chelsie sa mga kasama ng mapansing wala ang dalaga.

Pumunta po siya saglit sa washroom, Tita. si Mayenn na ang sumagot na siya namang pagdating ni Byenn.

Oh. Ate, Byenn. ani Mayenn at kinuha ang tarpaulin sa tabi ng bleachers nila tsaka tumabi kay Byenn na tumayo sa pinaka-unahan sa ibabaw ng bleacher ng Team ni Jerome.

Heto, ate pakihawak muna. ani Mayenn sa tarpaulin na pinagawa niya. Bahagya pang natigilan si Byenn ng walang permiso siya nalang nitong sinuotan ng headband na may dalawang naka-string na mukha ni Jerome.

Ma, Pa sainyo po. Tito, Tita. Heto sayo, Marco. Lola. pag-distribute niya at huling sinuotan si Lola na kinatuwa naman nito.

Siningkitan ng mga mata ni Byenn si Mayenn ng mai-suot na din nito ang sariling headband.

You're not excited for this, huh? mapanuring turan ni Byenn na kinapula ng mga pisngi ni Mayenn at napakagat labi bago nginitian ang pinsan.

You and Jerome don't get along well. You sure he's the one you'll gonna cheer? turan pa ni Byenn na nakatanggap naman ng bahagyang paghampas ni Mayenn sakaniyang braso.

Ate, Byenn naman. Syempre ichi-cheer ko rin si Jerome. Hihi. paliwanag ni Mayenn ng bigla mas lumakas ang tilian ng dahil sa paglabas ng Team Wolf at sumunod ang Team Jaguars.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon