Tuwang-tuwa si Lola Lourdes ng salubungin siya ng welcome home party ng mga apo.
May mga pinaputok na confetti sina Jerome at Mayenn habang si Byenn ay lumapit sakaniya para hipan ang kandila ng cake at si Marco na binigyan siya ng bouquet of roses.
Nagpalakpakan naman ang mga anak at manugang niya habang siya ay masaya lang na tinignan ang mga ngiti sa mga labi ng mga ito habang naka-upo sakaniyang wheelchair.
Welcome home, Ma!!!
Welcome back, Lola!!!
Sabay na bati ng mga ito sakaniya at isa-isa siyang niyakap ng mga apo sabay halik sa pisngi niya at noo.
Walang kapantay ang nararamdaman niyang kasiyahan. Ang makita ang mga anak at ang kaniyang mga apo na abot mata ang mga ngiti sa mga labi.
With her husband in heaven, they did do build a wonderful family. She's already satisfied. Wala na siyang ibang hihilingin pa kundi ang manatiling buo ang kanilang pamilya at maging masaya.
Maraming Salamat at binigyan mo pa ako ng oras para makasama ang aking pamilya. aniya habang nakatingala sa asul na kalangitan.
Nagsa-slice si Byenn ng cake ng lapitan siya ng Mom niya.
Sweety, hindi ba pupunta si Keisha? tanong nito at kumuha ng fish fillet sabay lagay sa platito.
I texted her kanina pa pero hindi pa siya nagre-reply hanggang ngayon. sagot niya sa tanong ng Mom niya kaya nagtaka siya.
Ahm. I'll go to her. I'll be back, Mom. ani Byenn at mabilis na humalik sa pisngi ni Lexie bago umalis.
Nakatayo si Keisha sa harap ng lumang bahay.
Nawalan siya ng kompyansa sa sarili kahapon na harapin manlang o kausapin si Prince. She was scared. Natatakot siyang baka pagtulakan na siya nito palayo. Aware na siya that by now, nakaka-alala na ito.
Nasaktan siya sa inakto nito kahapon. Parang hindi siya nito kilala kung tignan at ninais nitong sumama kay Loraine. Natatakot siya... natatakot na baka tuluyan na nga siyang iwanan nito.
Huminga siya ng malalim at kuyom ang mga kamao na humakbang para tumuloy sa bahay.
Wala siyang nadatnan na kahit sino pagpasok niya. Walang Loraine, walang kaluluwa, walang Prince... o mas mabuting sabihin na walang Khurt Ivan rito.
Napayuko siya at pinipigilan ang paglandas ng mga namumuong luha sakaniyang mga mata.
W-wala kana? utal niyang salita.
Dahil sa wala siyang nadatnan na Prince sa bahay tuloy na-isip niya na naglaho na nga ito. Na wala na ito. Na iniwan na siya nito.
T-talaga bang-- *sobs* sumama kana sakaniya? *sobs* Iniwan mo na ako? hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya at na-iyak na ng tuluyan.
Ang unfair mo. Hindi ka manlang nagpaalam ng maayos. Ang sama mo. Sobra akong nasasaktan alam mo ba iyon? Hindi ko manlang nagawang sabihin sayo-- kahit sa huling pagkakataon-- mahal kita. Mahal na mahal. Hindi mo manlang ako hinayaang mag-paalam sayo. Ang sama mo. Napakasama mo. hagulgol niya.
Hinayaan ang sarili na mapasalampak sa sahig at umiyak lang ng umiyak doon.
Sa labas naman ng bahay nakatayo si Byenn. Napababa siya ng tingin sa lupa habang nakaalalay ang mga kamay sa bisekleta niya. Pinakinggan niya lang ang pag-iyak ng kaibigan mula sa loob at saglit lang ay tumalikod na rin.
