48:The Passed Away

13 0 0
                                    

Dahil ba sakaniya? ani Rachelle kay Jerome sa lugar kung saan walang gaanong dumadaan na ibang estudyante.

Prenteng nakatayo lamang si Jerome sa harapan niya at nakapaloob ang mga kamay sa magkabilang balsa ng pants. Walang emosiyong nakatingin sa dalaga.

I'm referring to your cousin, si Byenn. sabi pa niya ngunit sa matamlay na boses.

Ni hindi manlang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Jerome sa sinabi nito.

Gusto mo siya, tama ba? anito na kinabuntong hinga ni Jerome.

Hindi, mali ka. sagot ni Jerome na siyang kinangunot ng noo ni Rachelle at Tim's nagpagaan sa pakiramdam niya.

Iniisip na mali ang kutob at observation niya sa dalawa. Mag-pinsan sila kaya dapat hindi niya pinaghinalaan ang mga ito.

She slightly smiled and let out a sigh.

Mabuti naman kung ganun. Pasensya kana kung binigyan ko ng malisya ang relasiyon ninyo bilang mag-pinsan. Ahm, sige mauna na ako. magaan na ulit ang loob na sabi niya at tumalikod na para umalis ng may ngiti sa mga labi.

Sandali, Rachelle. pagpigil ni Jerome sakaniyang makaalis.

Tumigil naman si Rachelle at napakagat labi pa bago muling humarap kay Jerome.

Ni minsan hindi siya pinigilan nito kapag nagpapaalam siya kaya ngayon masaya siya at nakangiting hinarap ito.

Hm? aniya at hinintay ang sasabihin nito.

May girlfriend na ako. anito sa seryosong tono na siyang unti-unting nagpalaho sa masayang ngiti sa mga labi ng dalaga.

Sinasabi ko ito, para tumigil kana. Mahal ko ang babaeng iyon. Kaya sana, tigilan mo na ito. Huwag mo ng itulak pa ang sarili mo sa taong hindi kayang ibalik sayo ang feelings mo... dahil may isang tao pa ring umaasa at naghihintay sayo. mahabang alintaya ni Jerome at siya ng unang umalis sa harapan ni Rachelle na tila napako sa kinatatayuan at luhaan.







Bukas na. tukoy ni Byenn sa araw na aamin sila sa harap ng buong pamilya tungkol sa relasiyon nilang dalawa ni Jerome.

Hinaplos niya ang litrato nila ni Jerome na magkasama sa iisang frame na nakatago sa drawer niya na ngayon ay inilabas niya at nilagay sa ibabaw ng study table niya.

Sana matanggap nila tayo. Sana magiging bukas ang isip nila tungkol satin. Pangako ipaglalaban ko ang nararamdam ko sayo. aniya habang nakatingin sa litrato ni Jerome na kasama siya.

Matatanggap nila kayo. pagsulpot ng isang boses na siyang nagpatalon sa puso ni Byenn.

Masama niyang pinukulan ng tingin ang lalaki na nasa pintuan ng balkonahe.

Ikaw-- Pagnagkasakit ako sa puso talagang-- kakatayin kita kahit kaluluwa kana. Inis niyang singhal kay Khurt na tinawanan at iling lang nito kaya mabilis nagdampot ng lapis si Byenn at hinagis rito pero agad ding naglaho.

Haiist! Magpakita ka lang uli I'll make sure na mahahampas na talaga kita ng upuan. -Byenn









Natatawang nakalayo sa mansion si Khurt at naglakad-lakad sa tabi ng daan malapit sa gubat ng bigla siyang mapahinto dahil sa natatanaw sa dulo ng kalsada di kalayuan sa kinatatayuan niya.

Isang babaeng mahaba ang buhok at nakabistidang puti.





*crack* Tunog ng nabasag na tasa sa sahig.

Sha, okay ka lang ba? nag-aalalang tanong ni Winona sa kaibigan na hindi nakagalaw sakaniyang kinatatayuan.

Nang ma-check na wala namang naging galos mula sa nabitawang tasa ang kaibigan tsaka na kumuha ng tissue papers si Winona at pinulot ang mga basag at bubog sa sahig.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon