36:The Passed Away

13 2 0
                                    

2 days after Christmas muling nagkaroon ng pagtitipon sa mansion para i-celebrate ang 18th Birthday ni Mayenn.

Gaya ng napag-usapan simpleng celebration lang ang pinahanda ni Mayenn. Kasama ang buong pamilya at mga dumalong malalapit niyang kaibigan.

Nandoon din si Keisha at ang tiyahin nito ganun na rin ang kaluluwang si Khurt na prenteng nakatayo at sandal lang sa nakabukas na pintuan ng main door habang naka-cross arms. Feeling model sapagkat sina Byenn at Keisha lang rin ang nakakakita sakaniya.

Minsan natatawa lang rin siya sa mga ganap ng mga kaibigan ni Mayenn at sa mga kaibigan ni Jerome na kalaro ang batang kapatid na si Marco.

Mabilis lumipas ang mga oras at magsisi-uwian na rin ang mga bisita nila.

Bukas, ah. Sa harap ng plaza nalang tayo magkita-kita. Tandaan niyo bawal ma-late dahil talagang iiwanan namin kayo. pagpapa-alala ulit ni Mayenn sa dalawang bestfriends niya at sa tatlong kaibigan ni Jerome.

Si Mayenn, nag-18 lang paulit-ulit na. ika ni Cherry sa kaibigan.

Oo, na po. Hindi kami male-late. At exactly 5 AM nasa plaza na kami. sabi pa ni Grace.

Tss. Pinapa-alala ko lang lalo na sainyong dalawa. turo ni Mayenn at nagkrus ng mga kamay.

Ay. Grabe siya, oh. Kung maka-special turo, ah. OA na komento ni Cherry.

Talaga. Sino kaya ang palaging late at kahit minsan hindi nakakaabot sa flag ceremony. taas noong turan pa ni Mayenn.

Hindi ako iyon. inosenteng sabi ni Grace at inayos pa ang eye glasses niya. Siniko lang naman ito ni Cherry na siyang guilty.

Nga pala, hindi ba sasama si Rachelle?

Rinig ni Mayenn na banggit ni Gilbert kay Kyle kung kaya napunta sa mga ito ang tingin niya habang sina Keisha, Byenn, Jerome, at Cyrus naman ay tila may pinag-uusapan rin sa kabilang banda ng living area.

Binalik niya ang tingin sa gawi nila Kyle. Napansin niya na hindi na masyado itong umiimik gaya ng dati.

May nangyari kaya? Mukhang malungkot siya. isip-isip niya kung kaya lumapit siya rito.

Oh! Birthday girl. banggit ni Gibert ng makalapit siya sakanila. Tumingin rin sakaniya si Kyle at ngumiti pero alam niyang pilit lang.

Hindi na ako bata, kaka-debut ko lang kaya lady na ako. pagtatama niya sa tinawag sakaniya ni Gilbert na natawa lang rin sa tinuran niya.

Oo, nga pala. Pero habang hindi ka pa nagkaka-boyfriend consider ka paring bata. nakangising sabi pa ni Gilbert na sinimangutan niya lang.

Tumikhim siya bago nilipat ang tingin kay Kyle na tahimik lang na nakikinig sakanila.

Narinig ko ang pinag-uusapan niyo kaya ako lumapit. Gusto ko lang sabihin na pwede mong kumbinsihin si Rachelle na sumama bukas. (Dahil alam kong sasaya ka kapag nandoon din siya.) ika niya sa isipan at umalis na sa harapan nila.

Sinundan lang siya ng tingin ni Kyle ng hindi niya nalalaman.









Won't you really come? tanong ni Byenn kay Keisha na siyang katabi niya.

Gustuhin ko man hindi pwede. Ang totoo niyan nahihiya na rin ako sa boss ko. Hindi naman ibig sabihin na pinapayagan niya akong umabsent o mag-leave sa trabaho ay aabusuhin ko na. Hayaan mo sa bagong taon. sagot niya kay Byenn tsaka bumaling kila Jerome sa kasama nila.

Dalawang araw kayo dun at malayo pa ang byahe. Hindi pa gaanong pamilyar ang kaibigan ko sa mga lugar kaya huwag niyo siyang hahayaang mag-isa. Masyado siyang maganda para makuha lang ng enkanto dun. pag-aaksang strikto na turan niya sa mga binata at mas pinuntirya ng nanliliit na mga mata si Jerome kaya pasimpleng natawa nalang si Byenn dahil sa mga walang basehang tinuran ng kaibigan.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon