14:The Passed Away

20 4 0
                                    

Maagang nagising si Keisha para makapag-ayos. Napangiti siya sa reflection niya sa salamin ng tukador tsaka kinuha ang cellphone sa ibabaw ng kama niya.

Nag-type siya ng message kay Byenn na paalis na siya at kinumusta ang lagay ni Lola Lourdes. Nalaman niya ang nangyari sa matanda dahil tinawagan siya nito.

Nang ma-sent na niya ang mensahe ay siyang pagtunog ng call tone niya at nakita sa caller ID ang pangalan ng boss niya. Kaagad niya iyon sinagot.

Goodmorning, Sir. masayang bati niya.

Done packing? I'm outside. anito at mabilis napatango si Keisha kahit di naman ito nakikita ng lalaki.

Yes, Sir. Lalabas na po ako. sagot niya at excited na hinila ang maleta niya pati ang coat at passport.

Pagkalabas ng gate ay sumalubong sakaniya ang isang gwapong nilalang na nakatayo sa tapat ng gray Ford na sasakyan nito.

Nang mapansin siya nito ay kaagad siyang napangiti. Lumabas naman ang bodyguard nito sa driver's seat at kinuha ang maleta niya para ilagay sa compartment. At si Juris naman ay nagbukas ng pinto sa backseat tsaka siya tiningnan.

Get in. anito kaya walang pabebe ng pumasok si Keisha at umikot naman ito sa kabila, sa tabi niya. Kaya nagtaka man kung bakit mas pinili nitong umupo sa likuran kasama siya kesa sa passenger seat ay binalewala niya nalang at ngumiti pa dito.

Napatingin nalang siya sa labas ng bintana ng umandar na ang sasakyan.

California, here I come. excited niyang turan sa isipan at hindi napapansin ang boss na nakatingin sakaniya habang siya ay nangingiting tumitingin sa labas.










Sa isang bangin nakatanaw sa malawak na kalangitan si Prince/Khurt, nagbabasakaling makita ang eroplanong sinasakyan ngayon ni Keisha.

Ganiyan nga, tuparin mo ang mga pangarap mo... at maging masaya.

Turan niya sakaniyang isipan at naglaho.









Sa paglitaw niya sa lumang bahay ay siyang paglingon niya sa isang pinto na hindi pa niya nagagawang silipin ang loob.

Pumihit siya paharap sa direksiyon nun at dahan-dahang naglakad palapit sa pintuan. At ng nasa harap na siya at pipihitin na ang doorknob ay may bigla siyang naramdaman.

Napalingon siya sa kaliwa niya kung saan parang may namataan siya sa peripheral vision niya pero walang nandun pagtingin niya. Kaya napakunot siya ng noo at naglakad sa harap ng bintana sabay tingin sa labas.

At mas lalong nakunot ang noo niya ng may babaeng nakaputi na nakatayo sa tapat ng puno sa tapat ng lumang bahay. Hindi niya matukoy kung sino iyon dahil nakatalikod ito sakaniya.

Nakaramdam siya ng kakaiba kaya napasiyahan niyang tingnan kung sino iyon pero paglitaw niya sa tapat ng puno ay wala na ito doon.









Hey. You okay? You seems pale. Is it your cousin again? concerned na tanong ng isa sa mga malapit na kaibigan ni Byenn sa California na si Hailey.

Napailing si Byenn tsaka nginitian ito na pinanliitan naman ng mga mata ni Hailey.

Si Hailey ang naging bestfriend niya simula college sa isang pribadong academy sa California at may kakayahan itong magbasa ng mga tao. Kaya kahit pa nagkaka-usap nalang sila through video chat ay ramdam nito ang mga bigat na dinadala at problema niya.

I thought you two talked? tanong pa nito and Byenn heaves a sigh.

I guess it didn't go well. Your deep sigh says it. tukoy nito.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon