Binayaran ni Jerome ang biniling dalawang coke in can at isang medium size na popcorn tsaka lumapit sa bench na kina-uupuan ni Byenn.
Umusog naman ang dalaga ng makabalik ang binata.
Maganda din ang view rito kahit medyo malayo sa stadium. Dito mas matatanaw natin ang fireworks. aniya sa dalaga sabay bukas ng coke nito at nilagyan ng straw tsaka binigay rito.
Thank you. saad ni Byenn tsaka luminga-linga sa paligid.
Halos magsiksikan na ang lahat na sa malapit sa stadium. May surprise guest ba kayo? turan ni Byenn ng mapansin na parang sardinas sa siksikan ang karamihan na mga tao sa tapat mismo ng entablado.
Habang sa pwesto naman nila ay para ng naka-social distancing ang mga tao. Na kahit ang mga bench ay halos bakante. Samantala ang mga nakikipagsiksikan roon ay nakatayo.
Ah! Oo. Taon-taon kasi na magce-celebrate ng Christmas ang school may ini-invite sila na famous personalities. Sa ngayon yata boyband na. paliwanag ni Jerome na kinatango-tango ni Byenn.
Anong boyband? tanong pa ni Byenn.
Sa pagkakaalam ko Boyband PH iyon. sagot naman ni Jerome tsaka tiningnan ang dalaga na napa-isip saglit habang sumisipsip ng coke niya gamit ang straw.
Bakit? Kilala mo sila? tanong ni Jerome.
Hm! Iyon ba yung kumanta ng... teka, yung... 🎶Para sayo ako'y matapang🎶
🎶Para sayo ako'y lalaban🎶
🎶Para sayo ang pagmamahal na walang katapusan🎶Nasa tono na pagkaka-awit ni Byenn sabay kumpas ng mga kamay na parang sinasayaw ang steps ng kanta. Natigilan si Jerome pero agad rin na napangiti.
Napayuko pa siya ng hindi napigilan ang matawa sa inakto ng dalaga na siyang kinabaling naman nito sakaniya.
Hoy, Jerome. Ba't ka natatawa, ha? Tama naman ang tono ko, ah. Narinig ko iyon nang minsan nagpatugtog si Mayenn sa mp3 niya. She even teach me the steps. kunot-noong turan niya kay Jerome na bakas sa mukha ang pagpipigil ng ngiti ng tingnan siya tsaka umiling.
Hindi. Natawa ako dahil ang cute mo ng gawin mo iyon at kumanta sa harap ko.
Sabi ni Jerome kaya napakurap-kurap nalang ng mga mata si Byenn at speechless na umupo ng maayos. Pero hindi pa rin inaalis ni Jerome ang tingin sa dalaga na kinatikhim nito.
Stop looking, lalo lang akong makakaramdam ng embarrassment niyan, eh. mahinang sabi niya ng hindi nakatingin sa binata sahalip ay sumipsip ulit sa straw.
Mas lalo lang napangiti si Jerome sabay baba ng tingin sa kaliwang kamay ni Byenn tsaka hinawakan iyon at pinagsiklop ang kanilang mga daliri. Napatingin doon ang dalaga bago inangat ang tingin sa binata.
Ang kamay na ito, masyadong maliit para sakin. anito habang nakatungo pa rin sa nakasiklop nilang kamay.
Pero ang maliit na kamay na ito... sabay angat ng tingin kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata.
Hinding-hindi ko bibitawan... at patuloy na aabutin. Pinapangako ko. sincere na sabi niya sa mga mata ni Byenn na siyang unti-unting kinalitaw ng ngiti sa mga mata nito at labi.
Bumuka ang mga labi ni Byenn para magsalita sana ng bigla ng nagsalita ang emcee ng program sa stage kaya nagkangitian na lamang silang dalawa at tinuon na muna roon ang atensiyon.
Nagkaroon ng Opening program na sinundan ng Speech and Message ng President at Principal ng University na sinundan naman ng performances galing sa mga selected students ng iba't-ibang departments.
At ngayon naman ay ang pinakahihintay ng lahat lalo na ng mga kababaihan. Ang paglabas ng Boyband PH na kinagulo, kinabaliwan, at dahilan ng walang tigil na tilian at sigawan ng mga fans. May mga sumabay sa kanta at sayaw sa mga ito.
Si Mayenn na kung kanina ay excited na makita sa live performance ang iniidulo niyang grupo ngayon ay distracted dahil sa dalawang tao na sa bandang harapan nila ng mga kaibigan niya na magkatabi pa rin.
Nalulungkot siya para sa sarili at naiinis kay Rachelle dahil sa tuwing may babangga palang sa balikat nito dahil sa dami ng tao at siksikan ay sinasangga na kaagad iyon ni Kyle.
Kung alam lang nito ang nararamdaman niya...
Foooorrrdddd!!!! Ang gwapo moooo!!! Joao!!!!
Napahampas siya sa balikat ni Cherry na siyang katabi niya ng bigla itong sumigaw na halos ikabingi niya pero sa huli nag-peace sign language sakaniya at nagpatuloy sa pag-cheer kasama ni Grace kaya hinayaan niya nalang.
Whooooooooo!!!!
Tili ng mga tao ng magsimula ang fireworks display na siyang sinabayan ng last performance ng boyband.
Ang galing talaga nilang lima at ang popogi pa.hihi
Di maka-get over na turan ni Cherry yapos si Mayenn sa bewang at nakahilig pa ang ulo sa balikat nito habang naglalakad. Ganoon din si Grace sa kabilang braso niya pero wala doon ang pansin niya kundi sa dalawang taong nauunang maglakad sakanila.
So, ano. Booth tayo o mag-snack nalang muna sa labas? To think puno ang cafeteria at foodcourt ngayon dito sa loob ng campus. salita ni Gilbert na siyang inaakbayan na ngayon ni Cyrus.
Sa 7/11 sa tapat, I'm sure maraming bakanteng spot doon. prisinta naman ni Grace na siyang napayuko sa hiya ng lumingon ang binata.
Sure. sang-ayon niya tinawag naman ni Cyrus si Kyle na saglit kinahinto nilang dalawa ni Rachelle at lumingon sakanila.
7/11. banggit niya na kinabaling naman nito sa katabi.
Okay lang ba doon? tanong niya kay Rachelle na kinatango lang nito.
Yun, oh! At dahil may mga bago tayong makakasama, treat ko. Okay. ani Cyrus sabay kindat sa dalawang kaibigan ni Mayenn na kinilig naman.
Muli silang naglakad ng hindi inaasahang matanaw ni Rachelle si Jerome pasalubong sa daan na tinatahak nila.
Tumigil siya at napangiti nalang basta ng mapagtantong hindi nga siya nagkakamali.
Napatigil din si Kyle at nagtatakang nilingon ang katabi tsaka sinundan ng tingin ang direksyon na tinitingnan nito. At nakita niyang si Jerome iyon.
Pero hindi niya inaasahang may kasama ito. Muli niyang nilingon si Rachelle at nakita niya ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa mga labi nito na siyang pinalitan ng bahagyang pagsalubong ng mga kilay.
Nandito nga siya. Pero... sino ang kasama niya?
Turan sa isipan ni Rachelle habang may mga ngiting makikita sa mga labi ng dalawa. Ni minsan hindi niya nakita ang ngiting iyon ng binata. Hindi sa mga kaibigan nito, hindi sa kahit sino, at hindi sakaniya...
Pero bakit siya nakangiti sa babaeng iyon? Sino siya?... palaisipan niya.
"A joyful day could be bad for someone."
_urauthor❤_#ThePassedAway
