Someone's POV
Ilang dekada na ang lumipas ngunit nandirito pa rin ako. Hindi ko wari kung bakit sa tinagal-tagal ko sa mundo ng mga buhay ay wala pa rin akong mahanap na kasagutan ukol sa aking pagkatao noong ako'y nabubuhay pa.
Isa akong kaluluwa na walang ala-ala sa mga panahong nabubuhay pa ako. Misyon kong alamin iyon ngunit sa loob ng maraming taon ay wala paring nangyayari. Wala pa rin akong maalala sa aking nakaraan. Sin-o ako? Ano ang pagkatao ko? At bakit pa ako naririto sa mundo?
Kisha's POV
Kasalukuyan kong hinihila si Byenn papasok ng gubat pero tumatanggi siyang sumama dahil daw sa mga usap-usapan.
I told you, marami ng namamatay sa gubat na iyan. Ano ba, Kisha. pilit siyang kumakawala sa pagkakahila ko sakaniya kaya binitawan ko na siya at hinarap.
Byenn, ako ang kaibigan mo. Ba't ayaw mo maniwala sakin? Halos araw-araw akong labas-masok sa gubat na toh dahil nandito ang sinasabi ko sayong tumulong sakin nung bata pa ako. Hindi naman siya nananakit, eh. paliwanag ko sakaniya.
Nang umiwas siya ng tingin sakin saka ako napabuntong-hinga at lumapit sa harapan niya mismo. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay na kina diretso ng tingin niya sakin.
Maniwala ka sakin. Diba inamin ko na sayo... ako yung babaeng nakita mo nun. Oo, siguro nga maraming nangyayari dito pero dahil iyon sa mas maraming alam ang kalikasan sa hangarin ng mga tao. Mga tao lang rin ang nagpapahamak sa sarili nila. Maniwala ka sakin, isa kang mabuting tao... at alam iyon ng kalikasan. sabi ko sakaniya at ngumiti kaya ilang segundo lang din ay hinawakan niya rin ang kamay ko bilang pagtitiwala niya sakin.
Ilang minuto na kami naglalakad sa loob ng gubat at nakasunod lang sakin si Byenn. Masaya ako at nakilala ko siya. Maganda si Byenn hindi lang sa pisikal na anyo kundi pati na rin sa panloob.
Akala ko nga nung una naming tagpo ay susungitan niya ako katulad ng typical na nangyayari sa mga drama. Alam niyo yun, yung ugali ng mayayaman at kung paano nila tignan pailalim ang mga mahihirap. Pero hindi siya ganun, mabuti siyang tao at may busilak na puso sa kapwa.
Hindi din siya yung maarte dahil kahit saan siya dalhin ay nakakasabay siya kaagad. Katulad nalang ngayon, kahit na nagdadalawang-isip siya dahil sa usap-usapan tungkol rito sa gubat mas pinili niya parin akong pagkatiwalaan at sumama kahit na medyo malamok at maraming insekto rito.
Oh, ba't ka tumigil? Are we there yet? tanong niya ng huminto ako at luminga-linga sa paligid.
Kisha? kuwit niya sa aking balikat ng hindi ako sumagot.
Are we lost? at pumaharap na siya sakin.
Napakamot ako sa batok ko na kinalaki ng mga mata niya. Oh! Ayan na naman siya, siguradong pagsasabihan na naman niya ako dahil naligaw ko kaming dalawa.
Kisha, tell me. We're lost aren't we? nagpipigil ng inis niyang tanong sakin kaya napangiwi ako.
Slight? sabay taas ng kanang kamay ko at nag-sign ng konti gamit ang hinlalaki't-hintuturo ko. Napapikit nalang siya bago huminga ng malalim.
Napahanap nalang ako sa katawan ng mga puno kung saan nilagyan ko ng pananda para hindi ako maligaw ng bigla akong matigilan ng may mapagtanto.
Ngayon alam ko na. Haisst! Sigurado akong siya ang nagbura ng mga iyon. Kainis! Humanda ka kapag makita kita. Ugh! Kainis ka! singhal ko sa aking isipan at kalmadong bumalik sa kinatatayuan ni Byenn.
