Naka-upo sakaniyang wheelchair si Lola Lourdes habang nakatingin sa mga litrato na sa album sakaniyang silid.
Litrato iyon ng kaniyang mga anak at mga apo. May ngiti sa mga labi niyang hinaplos ang picture na nasa huling page ng album at iyon ay ang litrato na kinunan nitong pictorial lang nila.
Natutuwa siya dahil mayroon siyang malaking pamilya. Lumaki ng maayos at nagkaroon ng kani-kaniyang pamilya ang mga anak nila ng yumaong asawa at biniyayaan pa siya ng magagandang mga apo.
Sa hindi malamang dahilan hinaplos niya ang mukha ng apo na si Byenn sa larawan.
Itinabi niya ang album sa mesa tsaka binuksan ang isang maliit na kahon na naglalaman ng mga lumang litrato.
Ang mga litratong iyon ay kuha sa panahon niya at ng mga kaanak.Si Lola Lourdes ang bunsong anak sa kanilang pamilya. Malalayo ang agwat ng edad nilang magkakapatid. Kung kaya kahit puslit pa siya noon ay may mga nakakatanda na siyang pamangkin. Tulad nalang ng panganay nilang kapatid na nakapag-asawa sa isang mas mayamang pamilya. May nag-iisa lamang siyang pamangkin sa panganay na kapatid, at iyon ay ang dalagang si Loraine.
Kilala ang pamilya ng kapatid niya sakanilang baryo dahil sa kabutihan ng loob nito at pagtulong sa kapwa.
Minsan na niyang nakilala at nakita ang pamangkin na si Loraine kung kaya hindi niya ito nalimutan ni minsan.Kinuha niya ang isang envelope kung saan may nakasulat na pangalan ng dalaga.
Sa loob niyon ay ang nag-iisang litrato lamang ng dalawang tao. Ang dalagang si Loraine at ang binatang ipinagkasundo rito ang wari'y irog nitong si Kurt.
Muli siyang nabuhay sa katauhan ni Byenn. ani Lola Lourdes habang hinahaplos ang larawan ng dalawang tao.
Nakakapang-hinayang ngunit ang buhay ng tao ay sadyang maikli lamang. Hangad ko lang ay payapa na kayong magkasama sa kung saan man kayo. turan niya sa litrato ng mga ito.
Ilang minuto ang nakaraan pumasok ang isang katulong na si Manang Elsie na kaniyang pinatawag.
Elsie, nais kong ilagay mo ito sa attic. Matagal ko na sanang ibina-on ang mga ito subalit pakiingatan nalang ang paglalagyan mo nito. utos niya sa katulong ng kuhanin na nito ang maliit na kahon sa ibabaw ng mesa.
Mayenn's POV
Sabado ngayon at tinanghali ako ng gising dahil nagbabad na naman ako kagabi sa panunood ng 'Crash Landing On You' kinilig nga ako kay Captain Ri, eh.
Pababa na ako ng hagdanan pero nakunot ang noo ko dahil wala man lang ni isang tao sa sala.
Nasaan ang mga tao dito? usal ko at tutungo na sana sa kusina ng makasalubong ko si Manang Elsie.
Manang, sina Jerome po? tanong ko kay Manang ng humarang ako sa daraanan niya.
Nasa likod sila iha, naglalaro. sagot ni Manang Elsie.
Ah, ganun po ba? sabi ko at napansin ang hawak-hawak niya.
Ano po iyan? tanong ko ulit.
Mga gamit ito ng Lola ninyo pinapalagay sa attic. sagot naman niya na kinatango-tango ko ng biglang sumulpot si Manang Muning na parang nagmamadali at hinihingal pa.
Elsie, andito ka lang pala. Naku, kailangan ko ang tulong mo. Si Marco kasi nadapa na naman, ayun nagkasugat na naman sa tuhod at siko. sabi nito.
