Natigilan sina Rachelle at Gilbert habang nakatanaw kina Jerome at Byenn na masayang naglalakad sa direksyon nila ng magkahawak kamay.
Uy! si Jerome. malakas na banggit ni Cyrus pagsulpot sa tabi ni Kyle para ipaalam din sa ibang kasama.
At dahil sa malakas na pagkakabanggit niya ay nadinig iyon nila Jerome kaya napahinto sila ni Byenn at natanaw rin ang mga ito. Mabilis silang bumitaw sa pagkakahawak kamay at nagtagpo ang mga mata nina Jerome at Kyle.
Ate Byenn! sabay taas kamay ni Mayenn at tumakbo sa direksyon ng dalawang pinsan.
Mabuti nalang at sumama ka rito, ngayon may makakapitan na ako. hihi. ngiting turan ni Mayenn tsaka niyakap ang kaliwang braso ni Byenn.
Tss. Mangangalay ang braso niya sa binabalak mo. pagsuway at pagsungit na turan ni Jerome kay Mayenn at tatanggalin na sana ang mga braso nito sa pagkakapulupot kay Byenn ng mas dumikit pa ito sa dalaga.
Psh. Oo, na. Aalisin ko din mamaya. Ang damot mo, gusto ko lang naman kumawala muna sa pagkakapit ng dalawa. Kanina pa kaya nangangalay itong mga balikat ko. Hayaan mo muna ako kay ate Byenn mataas naman siya, eh. simangot niya kay Jerome tsaka taas-baba ng kilay naman kay Byenn.
Ikaw talaga. Alright, just hold onto me hangga't gusto mo. turan ni Byenn kay Mayenn na mas kinalawak ng ngiti nito tsaka dinilaan si Jerome.
Yow, ma' friend. ambang pagyakap ni Cyrus kay Jerome ng mapigilan na siya ni Gilbert sa pamamagitan ng paghablot sa hood ng jacket nito kaya napabalik ito sa tabi niya at inakbayan.
Late kana tapos na ang climax ng celebration. mapang-asar na wika ni Gilbert kay Jerome tsaka dumako ang tingin kay Byenn.
Nagkita muli tayo. turan niya kay Byenn na tinanguan lang nito.
Talaga bang na-late kayo? Ibig sabihin, hindi nakita ni Miss Ganda ang fireworks display. Haiist! Sayang iyon. nanghihinayang na turan naman ni Cyrus na sumulpot na sa tabi ni Jerome at umakbay rito.
Nope. Actually, we have watched it. salita ni Byenn.
Hi! Ate Byenn! sabay na bati nina Grace at Cherry ng makalapit sakanila. Binati din sila pabalik ni Byenn.
Nga pala, pupunta kami sa 7/11 diyan sa labas. Sama na kayo. yaya ni Gilbert kila Jerome.
Tama, treat ko. Tara na Miss Ganda-- ani Cyrus na mabilis hinila si Byenn sa kanang wrist nito na siyang kaagad rin napigilan ni Jerome. Pareho na silang nakahawak sa wrist ng dalaga.
Bitawan mo nga siya. turan ni Jerome sa kaibigan na tinaasan naman nito ng isang kilay tsaka ngumisi.
Psh! Hindi ko naman siya kakainin. Tsk.
at tuluyan ng hinila si Byenn na kaagad naman sinundan nila Mayenn and friends.Haist! singhal ni Jerome.
Aish. Ang babaerong iyon. turan naman ni Gilbert at napailing na naglakad para sundan na ang mga kasama.
Dumating ka.
Napalingon si Jerome sa kaibigan.
Oh. tipid niyang turan dito tsaka lang napansin ang kasama nito.
Ngumiti si Rachelle sakaniya pero hindi niya ito binigyan pansin at muling tumingin sa kaibigan.
Syempre naman. Sige, susundan ko lang sila. aniya at tinalikuran na ang dalawa.
Napayuko nalang si Rachelle.Kung gusto mo nang umuwi ihahatid na kita. sabi ni Kyle na inilingan lang ng dalaga.
Hindi na. aniya tsaka inangat ang tingin sa binata at ngumiti na batid naman ni Kyle na pilit lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/226488917-288-k244652.jpg)