13:The Passed Away

21 4 0
                                    

Magkita uli tayo sa susunod na linggo. ani Keisha at humakbang para makalapit kay Prince.

Kaya hintayin mo ako, ah. sabi niya at hinawakan ang kabilang pisngi ng binata na may lungkot sa mga mata.

Nagtataka man sa kinikilos ng dalaga ay binalewala nalang iyon ni Prince. Ayaw niyang isipin na parang nakiki-usap ito sakaniya na sana ay magkita pa sila sa pagbabalik nito.

Niyakap siya ni Keisha sabay sabing...

Nandito ka pa naman pagbalik ko diba? may takot sa boses na turan niya at niyakap siya pabalik ni Prince.

Hmm. Nandito lang ako. tipid na sagot ng binata na kinakagat labi ni Keisha para pigilan ang nagbabadya niyang mga luha.










Sa kwarto ni Byenn, hawak ang cellphone niya ay binasa ang mensahe ni Keisha.

Huwag mo na akong samahan sa terminal ng bus. Pangako, pagbalik ko dadalhan kita ng pasalubong. At kapag nagka-oras ako pupuntahan ko ang mga tourist spot na ni-recommend mo sakin. Salamat sa lahat Byenn. The best ka talaga.👍 sabi sa mensahe. Napangiti nalang ng mapait si Byenn.

I don't know what to do. But for now, I won't step-in. I'll let this matter on him alone... its his mission. turan ni Byenn sa isipan ng may biglang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto niya.

Pagkabukas palang niya ng pinto bumungad ang umiiyak na si Mayenn.

Mayenn? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari--

Ate Byenn. sabay yakap kay Byenn na humagulgol na sa pag-iyak.
Hindi kaagad naka-react si Byenn ng yakapin siya ng pinsan.

S-si Lola--inatake si Lola, ate. at dahil dun ay nabahala na si Byenn. Inalis niya ang pagkakayakap ni Mayenn at tinignan ito sa mga mata habang hawak sa magkabilang balikat.

Mayenn, nasaan si Lola huh? nag-aalala niyang tanong sa pinsan.

S-sinugod siya nila Mama sa ospital, ate--magiging okay lang s-si Lola d-diba? humihikbing turan ni Mayenn na siyang kinakunot ng noo ni Byenn.

No. Not Lola, she's out of this. Hindi. napailing si Byenn sa naisip niya at nagmadaling kinuha ang cellphone at wallet sa ibabaw ng study table tsaka nilampasan si Mayenn.

Ate, saan ka pupunta? Ate Byenn! tawag pa ni Mayenn pero dire-diretso lang si Byenn hanggang sa makarating sa garahe at minaneho ang kotse ng Mommy niya na iniwan nito.










Habang nagmamaneho pilit niyang tinatawagan ang Mommy niya pero walang sumasagot ganun narin ng mga Tita at Tito niya kaya mas minabuti niya nalang na pumunta sa ospital.

Pagka-park niya sa labas ng ospital ay kaagad niya nakita ang SUV na sinakyan ng mga ito para isugod sa ospital ang Lola niya.









Sa University, naglalaro ng basketball si Jerome kaya hindi niya nagawang sagutin ang tawag ng ama niya.

Ang magkakapatid ay naghihintay lang sa labas ng ICU ng dumating si Byenn na agad ding niyakap ang ina.

Mom, si Lola? puno ng pag-aalalang tanong ni Byenn sa ina na kinakagat lang nito sa pang ibabang labi at napailing.

She's inside, don't worry your grandma is a fighter. She can get through this. Magiging okay lang siya kaya manalig lang tayo, hmm? kalmadong sabi ng kaniyang ina para hindi na sila mag-alala pa at mag-isip ng negatibong bagay sa lagay ng matanda.

Isang oras ang lumipas ng lumabas ang doktor mula sa ICU kaya mabilis na lumapit ang magkapamilya.

Dok? kumusta po siya? tanong kaagad ni Shirley.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon