9:The Passed Away

18 4 0
                                    

Prince's POV

Lumitaw ako sa gitna ng gubat. Wala akong alam sa nangyari sakin pero napalingon ako sa paligid. Gabi na ng makabalik ako samantalang kanina pang umaga ako naglaho sa di malamang kadahilanan.

Napatingin ako sa mga palad ko, hindi ko alam pero parang may bago. Pakiramdam ko may nagbago sakin. Naalala ko bigla ang sakit na naramdaman ko kanina. Na-isip ko bigla si Keisha.

Baka nag-aalala na siya sakin ngayon. sabi ko at lalaho na para puntahan siya ng bigla akong may narinig na impit na tili.

Byenn.









Ang buong akala ni Byenn ay mahuhulog na siya ng tingalain niya kung sino ang may hawak ng kaliwang kamay niya.

P-prince. pabulong niyang banggit.

Kumapit ka. sabi nito kay Byenn na sinunod ng dalaga.

Nagdadalawang-isip man ay inabot ng kanang kamay niya ang isa pang kamay ni Prince at hinila siya ng magbukas ang pinto sa kwarto nito.

Nagulat nalang siya at naglaho si Prince at sa railings na siya nakakapit.

Byenn! boses ni Jerome na saglit lang ay natagpuan rin siya.

Bakas ang sobrang pag-alala sa mukha ni Jerome mabilis niyang inabot ang kamay kay Byenn na kaagad ding hinawakan ng dalaga at hinila siya pataas.

Nang makababa na si Byenn sa lapag ng balkonahe ay siyang pagtanong ni Jerome sakaniya.

Anong nangyari? Ba't ka nakasabit? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? sunod-sunod na tanong ni Jerome na kina-iling ni Byenn.

Wala. O-okay lang ako. Wala lang, toh. sagot niya sa binata na siyang kinakunot-noo ni Jerome dahil hindi iyon ang nakikita niya sa ekspresiyon nito.

Hindi. Namumutla ka kaya hindi ka okay. kontra ni Jerome ng sunod-sunod na pumasok sina Lexie, Shirley, Brett, at Chelsie habang nakadungaw lang sa labas ng pintuan sina Mayenn at ng ama niyang si Jeremy.

What's wrong? Byenn? tanong ni Lexie sa anak ng hawakan niya sa balikat ang anak.

Narinig namin ang pagtili mo. Bakit, ano bang nangyari? tanong naman ni Shirley.

Jerome, alam mo ba kung anong nangyari? tanong naman ni Brett sa anak at lumapit din si Chelsie sakaniyang mag-ama.

Pero hindi sumagot si Jerome sahalip ay tinignan muna nito si Byenn na nakatingin rin sakaniya. Klase ng tingin na nangangahulugang huwag ng sabihin ang nangyari.

Napakuyom ng mga kamao si Jerome bago nagsalita.

Nakarinig po ako ng pagtili mula sa kwarto ni Byenn. Pagpasok ko--. napayuko si Jerome.

Nadulas po ako. Sorry po kung pinag-alala ko kayo. paghingi ng sorry ni Byenn sa mga nakatatanda.

Okay na, nag-alala kami dahil baka ano ng nangyari sayo. sabi ni Shirley na nginitian si Byenn.

Tama ang Tita Shirley mo. sabi naman ni Chelsie at ngumiti rin.
Tinignan naman ni Lexie si Jerome.

Jerome, salamat ah. Mabuti nalang at dumating ka agad para tulungan ang anak ko. pasalamat niya sa binata na nakatingin lang kay Byenn.









Napabalikwas ng bangon si Keisha dahil sa panaginip niya.

Sa panaginip niya, hinahanap niya si Prince sa gitna ng kagubatan.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon