49:The Passed Away

12 0 0
                                    

Natigilan ang lahat sa biglang pagluhod nina Byenn at Jerome sa harap ng kanilang mga magulang at buong pamilya na magkahawak ang mga kamay.

Nasa sala silang lahat, si Shirley na natutop ng bibig dahil sa pagluhod ng dalawa na magkahawak ang kamay habang ang asawang si Jeremy prenteng naka-upo lamang sa tabi niya at nakatingin lang rin sa dalawa.

Si Brett na napakuyom ang kamao habang kunot ang noo na nakatayo at si Chelsie na nakahawak sa tapat ng dibdib ang isang palad habang ang isa ay nakakapit sa braso ng asawa.

Si Mayenn na hawak ang pinsang si Marco sa harapan niya.

At si Lexie na kakarating lang at nakatayo rin sa tabi ni Lola Lourdes na siyang naka-upo sa wheelchair nito prenteng nakatingin sa mga apo na nakaluhod sa harapan nilang lahat.

Jerome, anong ibig sabihin nito? tanong ni Brett sa anak niya.

Pa, Ma. panimula ni Jerome at tinignan ang mga magulang niya.

Tita, Lola. turan niya rin sa ina ni Byenn at kay Lola Lourdes.

Kami ni Byenn, nagmamahalan po kami. sabi niya na siyang muntik ng ikatumba ni Chelsie dahil sa pagkabigla ngunit mabilis siyang naalalayan ng asawa.

Mama/Tita. sabay na tayo nina Jerome at Byenn para lapitan sana ang ginang ng makita nilang okay lang ito dahil naalalayan naman ito ng asawa.

Ano ba naman kayo Byenn, Jerome. Mag-pinsan kayo. Diyos ko naman. komento ni Shirley na siyang nabigla rin sa nalaman pero agad rin siyang dinaluhan ng asawa para kumalma.

Alam po namin. ani Byenn ng nakayuko.

Alam niyo rin pala pero bakit niyo pa rin tinuloy? sumbat ni Chelsie ng makabawi na sa pagkabigla.

Kahihiyan sa pamilya kapag may makaalam ng relasiyon niyo. Alam niyo rin iyan. boses naman ni Brett.

Alam po namin. Pero nagmamahalan po kami. ani Jerome ng diretsong nakatingin sa mga mata ng ama niya.

We tried to walk away from each other. But we failed. ngayon ay kay Byenn naman natuon ang kanilang atensiyon.

Alam kong mali. Pero mahal ko po si Jerome. aniya ng balingan ng tingin ang ina tsaka sa mga magulang ni Jerome.

Mahal ko po ang anak ninyo. Mahirap rin para samin ang mag-confess sa harap ninyong lahat... pero ngayon nandito kami sa harapan ninyo. We can't hide our relationship for long dahil iniisip din namin ang mararamdaman niyo. ani Byenn at tinitigan ang katabi.

Even before committing in our relationship, we already sum up of the consequences. turan ni Byenn at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Jerome.

Running away and avoiding each other as an act of escape... just turned us both in the same boat. -Byenn

Napatungo si Lexie sa sinabi ng anak niya remembering how she also fight for her love sa ama ni Byenn.
Hinawakan ni Lola Lourdes ang kamay niya na siyang bahagyang nginitian niya naman.

Kahit ano pang pagpaliwanag ang sabihin ninyo, mali pa rin. Maling-mali lalo na sa mata ng mga tao. naiiyak nang turan ni Chelsie habang patuloy lang siyang pinapakalma ni Brent.

Ma, Pa. nakiki-usap na tawag ni Jerome sa mga ito pero tinignan lang siya ng mga ito ng may mababakas na paghahadlang sa mga mukha ng mga ito.

Mom? turan naman ni Byenn sa ina na tahimik lang.

Nangungusap niya itong tinignan pero napatungo lang ito na siyang kinakagat ng pang-ibabang labi ni Byenn.

Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Jerome sa kamay niya.

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon