10:The Passed Away

27 4 0
                                    

Keisha's POV

Coffee. sabi ko na kinalingon sakin ng mga ka co-officemates ko na nagngitian.
Isa-isa ko sila dinalhan ng coffee sa table nila at nagpasalamat naman.

Mababait ang mga tao dito sa company kaya hindi ako nahirapan na makihalubilo at makilala silang lahat. Pero hindi naman pwede na mawawalan ng taong kontrabida kahit sa maliit na eksena.

Ano ba?! Sinabi ko sayo na ayaw ko ng cappuccino. Palitan mo nga iyan. mainit ang ulong sambit niya at tinapon sa kaniyang trashcan ang kape na binili ko pa sa labas.

Siya si Miranda, empleyado rin at isa sa matagal na nagtatrabaho sa kompanya. Maganda siya pero suplada at arogante. Plastic rin siya dahil kapag kaharap ang nakakataas ay nagiging maamo at palangiti siya.

Sa ginawa niya sa coffee na binili ko pa all the way palabas ng mataas na building ay nakakapikon. Pero hindi ko siya papatulan, ang bait ko kaya.

Pasensiya na, hayaan mo at-- sabi ko ng may biglang sumulpot.

Keisha, hayaan mo na iyan. Kung ayaw niya edi huwag. Hmp! May mga paa iyan kaya na niyan bumili ng sarili niyang kape. Right Miranda? mapang-asar na sabi ni Jimboy at nag-apir silang dalawa ni Winona na kinapigil tawa ng iba pang nakarinig.

Gusto niyo bang masisante, ha? sabay tayo ni Miranda at galit na pinukulan ng mga mata ang mga kasamahan namin.

Hoy! Huwag ako ha. Baka nakakalimutan mo na pare-pareho lang tayong empleyado rito. Huwag ka ngang pabida. Akala mo kung sino mang-utos. Pagpapapansin lang naman sa CEO ang alam mong gawin. Che! nakatayo na ring sambit ni Jimboy at pinag-krus pa ang mga braso na mas lalong kina-usok ng ilong ni Miranda kaya pati ako ay napapigil ng tawa.

And you! Nakakatawa ba? Haist! singhal niya sakin sabay alis at pupunta yata ng washroom.

Dahil sa pag walk-out ni Miranda ay nagpalakpakan ang mga kasamahan namin kay Jimboy na feeling Miss Universe na kumaway pa.

Si Jimboy myembro siya ng lgbt pero hindi siya katulad ng iba na lumalantad, well mukha parin siyang lalaki. Sila ni Winona ang unang nag-approach saakin nung unang araw ko kaya sila kaagad ang naging kaibigan ko dito sa trabaho.

Hay, naku! Balik na nga tayo sa work, wala na ang witch. sabi pa ni Winona kaya bumalik narin ako sa table ko.






Lunchbreak...

Nag-ayaan ang dalawa na kumain kaming tatlo sa labas kaya sumunod na ako.

Nandito kami ngayon sa isang fastfood chain at kumakain ng mag bukas ang dalawa ng topic tungkol sa boss naming CEO.

Baguhan palang ako at hindi ko pa nakikita ang boss namin ang alam ko lang ay ang pangalan niya at background ng company.

Ang yummy niya, kaya ganun nalang kung magpapansin ang Miranda na iyon. kinikilig na sabi ni Winona kay Jimboy ng biglang umasim naman ng banggitin ang pangalan ni Miranda.

Eh, kasi naman marupok. Akala niya mapapansin ni sir, eh wala nga iyong kainte-interes sa kahit sinong babae. Kasi ako ang tipo niya. sabay halakhak pero tinampal lang siya ni Winona sa braso.

Tss. Mahiya ka nga. Lalaki iyon at hindi papatol sa bakla. turan ni Winona na tinarayan ni Jimboy.

Haha. Ano ba kayong dalawa, tama na nga iyan. Baka kung saan pa mapunta iyang pinag-uusapan niyo. pagpatigil ko na sa dalawa na bumalik narin sa pagkain.

Eh, ikaw Keisha. Hindi ka ba interesado sa boss natin? tanong ni Winona na sinang-ayunan ni Jimboy.

Ano ba kayo, wala noh. Sinabi ko naman na sainyo, may Prince na ako sa probinsya. At isa pa, baguhan palang ako. Paano ko naman makikilala kung sino si Juris June Buenavista? Ni hindi ko pa nga nakikita iyon sa personal, eh. sabi ko habang ngumunguya ng fries.







The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon