18:The Passed Away

16 3 0
                                    

Parang tinakasan ng kaluluwa si Byenn habang hawak ang litratong may larawan nina Khurt at Loraine.

Samo't-sari ang kaniyang nararamdaman at hindi matignan si Prince na nakatayo sa bandang kaliwa niya.

Hindi man ito nagsasalita batid niyang nakatuon ang buong atensiyon nito sakaniya. Sa reaksiyon niya. Bahagya siyang napalunok dahil sa tensiyon sa pagitan nila at kaba.

Alam mo? turan ni Prince ng hindi inaalis ang tingin sa nakatungong si Byenn.

May alam ka... alam mo pero hindi mo sinabi. may diin na akusa ni Prince kay Byenn ngunit mas mababakas ang sakit sa boses nito.

Balak kong sabihin-- ani Byenn ngunit pinutol kaagad nito.

Kailan?! Kailan mo balak sabihin, ha? Kailan ko dapat malaman ang nakaraan ko? Kapag huli na ang lahat? Kapag ba sinundo na ako ng liwanag? Sabihin mo? turan nito na tumaas na ang boses. Napakagat ng ibabang labi si Byenn bago humarap dito.

Oo, may alam ako. Oo, nalaman ko ang nakaraan mo. Alam ko ang buong pangalan mo. Ang dahilan kung bakit hindi ka padin nakakatawid sa kabilang buhay... At ang babaeng lubos mong minahal at nanatiling nakatanim sa puso mo hanggang sa kamatayan. pagsasabi ng totoo ni Byenn na siyang kinalumo niya.

Saglit natigilan si Prince sa narinig at unti-unting bumaba ang tingin sa hawak na litrato ni Byenn sa kanang kamay nito.

Nanlumo siya at bahagyang gumalaw ang mga kilay pasalubong. Ang pinagtataka niya ay kung bakit... bakit si Byenn ang nasa larawan.

B-bakit... P-panong... turan niya na siyang nakuha naman ni Byenn ang tinutukoy nito. Sinipat niya ng tingin ang hawak na litrato at muling napalunok para isantabi ang panlulumo at maaaring ikapiyok.

S-she's... mariing pumikit si Byenn at muling humarap ng direktang nakatingin sa mga mata ni Prince.

A-ako... ay siya... sa nakaraan. knowing it made Prince see visions from his past. The woman's twinkling eyes, her beautiful smiles.









Tulalang naglakad papalayo ng lumang bahay si Byenn matapos ang tagpuan nila ni Prince. Nagawa na niya ang part niya bilang isang taong nagmamalasakit kahit papano sa nilalang na kahit papano ay nagawa niyang ituring na isang kaibigan.

Naiwan si Prince na naka-upo sa sofa at nakatingin sa litrato na nasa ibabaw ng coffee table. Unti-unti niyang naikuyom ang mga kamay na magkatiklop.









Minutes ago....

Ikaw... si Khurt Ivan Guivarra. At ang babaeng minahal mo sa nakaraan ay si Loraine. Siya ang dahilan kung bakit nandidito ka parin sa mundo namin. ani Byenn na siyang bahagyang kinagalaw ng isang kilay ni Prince.

Masasaktan lang si Keisha. Alam mo kung gaano kahalaga saakin ang kaibigan ko. Mahalaga din siya sayo kaya sana maintindihan mo kung ba't hindi ko sinabi. Dahil sa pagpasok mo sa buhay niya at ng ibang tao may mapapahamak. Simula pa lang hindi kana dapat pumasok sa buhay niya o ng kahit na sino. Dahil wala ng kapalaran ang isang matagal ng lumisan sa mundo ng mga buhay. mahabang turan ni Byenn na siyang kinakawala ng isang luha niya.

Napahigit ng mga kamao si Byenn dahil sa pagpipigil ng emosyon. She know she's out of this stuff but deep inside, she's hurt. Parang may kung anong sumaksak sa puso niya ng sabihin niya ang mga salitang iyon. Ang kung anong tumama kay Prince ay siya ring tumatama sakaniya. Hindi niya batid ngunit isa lang ang posibleng dahilan na alam niya.

Dahil kahit sa mahabang panahon na ang lumipas, may parte parin ni Loraine ang siyang nanatili sakaniya. Na kahit iba na ang katauhan niya ay siya paring naaalala ng puso ang taong bumihag nito.









The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon