44:The Passed Away

14 2 0
                                    

Kakalabas lang ni Byenn ng bathroom at umupo sa paanan ng kama niya habang pinupunasan ang basang buhok ng hand towel.

Nag-vibrate ang phone niya na nasa tabi niya lang. Tinignan niya iyon at nakitang may bagong email ang former prof niya. Pero na-isip niyang mamaya nalang i-check iyon.

She brows her phone at na-alalang birthday na ni Keisha ngayong araw kaya nag-type siya ng birthday message through text. Alam na rin niya kasing hindi ito uuwi a few days ago pa. She was against of Keisha's decision to not coming home for her birthday but after listening to her reason, she then understand.

'Make sure to celebrate your birthday there. Happy Birthday!' she typed at the last part of her message then click send.
She let out a sigh at tinukod ang mga kamay sa malambot niyang kama. She even move her head to stretch her neck before diverting her eyes to the open balcony and look ahead to the plain blue sky.








Ganiyan ka lang ba buong araw? Ang boring naman. boses ni Byenn na siyang kinalingon ni Khurt na siyang mabilis tumayo at humarap dito.

Anong ginagawa mo? tanong ni Byenn tsaka lumapit sa pwesto ni Khurt at umupo sa katabing bato kung saan ito nadatnan kanina na naka-upo.

Hindi kumibo si Khurt sahalip sinundan lang ng tingin ang babae.

Umupo ka, mataas ka na. turan pa ni Byenn ng mapansin na parang walang balak gumalaw sa kinatatayuan niya ang lalaki.

Napatikhim naman si Khurt bago umupo ulit sa inuupuan kanina habang si Byenn ay nakakita ng mapaglilibangan at nagsimulang gumuhit sa lupa gamit ang naabot na stick.

Gusto siyang tanungin ni Khurt tungkol sa mga bagay-bagay, kung kamusta na si Keisha sa Maynila, kung ayos lang ito, at kung masaya nitong pinagdidiriwang ang kaarawan ngayong araw. Pero sa tuwing balak niyang magsalita siya namang pag-urong ng dila niya at panay rin ang iwas ng tingin kay Byenn.

Tahimik lang sila at tanging kanta ng mga ibon at tunog ng insekto sa gubat ang maririnig.

Gumuguhit lang si Byenn sa lupa ng hindi maiwasang mapatingin ni Khurt sa naka-side view nitong mukha. Muling sumagi sa isipan niya si Loraine kaya di nagtagal umiwas uli siya ng tingin dito.

Si Loraine... ani Byenn na kinalingon muli ni Khurt tsaka naman siya nilingon nito.

Magkaibang tao kami. dugtong niya ng nakatingin diretso sa mga mata ni Khurt.

Alam kong nakikita mo siya sakin pero... hindi ako siya. At alam kong alam mo rin iyon. turan ni Byenn kay Khurt para bigyang linaw ang damdamin nito. Ramdam niya kasing naguguluhan ito.

Umiwas ng tingin si Khurt at napayuko habang ang mga siko ay nakapatong sa magkabila niyang tuhod.

Pasensya ka na... hindi ko maiwasan. aniya tsaka muling nilingon si Byenn.

Kamukhang-kamukha mo siya. anito bakas ang lungkot sa boses na siyang kinayuko naman ni Byenn tsaka malungkot na ngumiti.

Alam mo... nung una ko siyang makita, natakot ako. Ang akala ko mamamatay na ako dahil may nagmumulto sakin. Iisipin ko na sanang si Lolo iyon, dinadalaw ako dahil sa lahat ng apo niya ako lang ang hindi niya nakasama o nakita manlang bago siya mawala. Pero kasi mahaba ang buhok niya kaya sabi ko hindi si Lolo iyon. Salamat nalang at dumating ka na nun. Kung hindi mo ko niligtas sa pagkakahulog sa balcony noon baka ano na ang nangyari sakin o kaya nalumpo na ako. kwento ni Byenn at natawa nung huli.

Bahagyang napangiti naman si Khurt habang nakatingin at nakikinig lang sakaniya.

Muli ko siyang nakita nung minsan nagising ako mula sa masamang panaginip. Yun ang unang beses na nakita ko na ang mukha niya. Kamukhang-kamukha ko siya-- hindi... ako ay siya sa nakaraan at siya naman ay ako sa kasalukuyan. Byenn sighed

The Passed AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon