Where are you now?

471 23 0
                                        

• Junella's POV •

2 buwan narin nakakalipas simula ng umalis si Kaye. Hindi namin alam kung bakit damay pa kami sa paglimot niya kay Jared. Nakadeactivated lahat ng acc niya sa social media.. hindi narin namin siya macontact. Mamaya first day na namin ng wala siya.

Nandito nako sa classroom. Naghihintay lang ng kasama.

May balita ka na? Tanong ni Jared saakin na kakarating palang.

Wala pa eh. Ang nagtatago, kahit kelan hindi mahahanap. Sabi ni Shania.

Wala na siya. Ano ba? Move on na tayo. Palagi parin natin siya iniisip eh tayo naiisip niya ba? Dagdag ni Shania.

Kung kakalimutan natin siya edi para narin natin sinabi na sinukuan na natin tong friendship natin sakanya.

Nauna na siyang sumuko. Sabi ni Shania.

Bahala ka sa buhay mo.

Breaktime na pero si Kaye padin pinaguusapan namin..

Nakakamiss talaga. Sabi ni Alvirah.

Ang tanging pag asa nalang natin pagdumalaw siya dito okaya mommy niya. Sabi ni Paris.

Nagtatago nga, tapos dadalaw dito. Kung dadalaw man yun kapag wala tayo. Sabi ni Shania.

Ang bitter mo. Mas close pa nga ni Kaye si Alvirah eh pero ikaw tong nagagalit. Sabi ni Blight.

Usapan ba ng bitter?! Tanong ni Shania

Oh wag na. Mag aaway pa eh.

Ang ano lang ng tadhana. Kung kelan bumalik na ang tropa sa dati saka tayo nalagasan ng isa. Sabi ni Alvirah.

Kung nalalakad lang yung Singapore hinanap na natin si Kaye. Sabi nung lalake sa likod namin. Pagkaharap namin si Lennard.

Oh ikaw din hinahanap siya? Akala ko ba "Pinagbigyan mo lang siya" bakit mo pa hinahanap?

Umupo si Puja sa tabi ni Shania sabay halik sa pisngi niya.

Oy teka teka. Ano yun? Tanong ni Alvirah kay Shania.

Sa sobrang busy niyo kay Kaye hindi na tayo nakakapagkwentuhan ng atin kaya hindi niyo alam. Sabi ni Shania.

Sila na. Nung bakasyon pa. Sabi ni Lennard sabay upo sa tabi nila Jared.

Grabe yun Shania.

After nung araw na yun sumama na saamin sila Lennard at Puja. Sabi nga nila pag may umalis my dumarating pero okay nang walang dumating basta wala din aalis. Miss ko na sobra si Kaye.

Nandito kami sa park nakatambay. Foodtrip lang tapos pagroufie groufie nalang haha.

Teka Lennard bakit mo nga pala hinahanap pa si Kaye? Kulang pa ba yung "pagbigay mo"? Haha. Tanong ni Shania.

Hindi. Madami lang ako narealize at hindi ko siya pinagbigyan. Okay? Sabi ni Lennard.

Sus narealize. Bakit ganun kung kelan huli na ang lahat saka pa nakakarealize karamihan ng tao? Tanong ni Alvirah.

May pinanghuhugutan ah? Haha.

Oo sa ilalim ng lupa! Dagdag ni Alvirah.

Naglakad lakad kami tapos may nakita kaming puno na may nakalagay "Mrs. Garcia in the future"

Lumapit si Alvirah sabay sabi This. Muling Ibalik. Hahaha.

Paano mababalik eh hindi na nga bumalik si Kaye. Sabi ni Shania.

Lalagyan ko na ng tape yang bibig mo. Pasalamat ka nanjan si Puja. Haha.

Nakauwi na ko. Sinearch ko ulit si Kaye nagbabakasakali na nag activate na, pero wala parin. Hay nako. Bakit ba to nangyayari saamin?

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon