Oh Anong balak mo ngayon? Tanong ni Puja habang nakataas yung paa sa working table ko.
Eh ano pa ba ginagawa ko? Nag aayos diba? Edi makikipagkita sakanya.. yung paa mo. Sabay palo sa tuhod niya. Binaba niya naman.
Para saan pa? Aasa ka nanaman? Kala ko ba nakamoved on ka na?
Minsan iniisip ko, bakla ka siguro dami mong tanong eh.
Bakit? Gusto mong masampulan ng pagkalalaki ko?
Bastos! Sabay palo sakanya. Baka gusto mong masayang yung 10 years na pagkakaibigan natin.. hahahaha
Joke lang. Eto naman, iba na talaga mga negosyante eh. ano nga?
Anong ano pinagsasabi mo?
Yung sa tanong ko kanina.. 26 ka palang ulyanin ka na..
Ewan ko sayo. Hindi naman ako umaasa eh. Nakikipagkaibigan lang.. at ano naman kung may mahal na siya? Edi okay lang..
Nakikipagkaibigan? Tapos ano? Iibig, tapos masasaktan.. okay lang? Sus. Kung tigilan mo na kaya yan.. Mabobroken hearted ka nanaman..
Ano ba? Nagsayang na ko ng pagkakataon noon, sasayangin ko pa ba tong ngayon? Bahala na kung ano mangyari. Tara na, hatid mo na ko dun.
Tumayo na siya at kinuha yung susi ng sasakyan.. Kahit kelan talaga tong lalaking to, hindi ako sinuportahan sa mga desisyon ko..
Nandito na ko ngayon sa resturant.. kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit..
Hi Kaye. Tara na? Saan ba tayo unang pupunta? Tanong ni Jared.
Ha? Ako ba magdedecide? Hahaha.
Oo. Diba nga? Sabi ko, gusto kong makilala ka pa at gusto kong makilala kung sino ako noon. Sabi niya sabay ngiti saakin.
Hmm. Edi pumunta tayo doon sa school na una tayong nagkakilala..
Sige. Saan ba yun? Sabi niya habang binubuksan yung pinto ng kotse.
Sa Bright Academy. Sabi ko nung nakapasok na siya ng kotse.
Magseatbelt ka, mahirap na. Sabi niya sabay hila ng seatbelt. His face is so close to my face tapos nagkatitigan kami. He smiled.
Nandito na kami ngayon. Buti nalang at sabado, walang pasok.
Hi Ma'am Kaye. Sabi ni Manog Guard.
Hello. Then I winked at him.
Bakit kilala ka nun? Sabagay nakikita ka na nga sa TV eh.. sabi ni Jared.
Kami may ari nitong school.
Nakita kong nagulat siya.. haha. As we walked in the hallway, naalala ko lahat ng childhood memories.. tapos binalikan namin tong classroom kung saan kami unang nagkakilala.. umupo kami sa unahan..
Naalala ko, late ka sa first day nun tapos ako naman nung nagtanong ka tinarayan lang kita..
Ahh eh mukhang mataray ka pa rin ngayon eh. Hahaha joke. Sabi niya habang naka peace sign.
Haha. Tapos yun doon na nagsimula. Nili.. Tara punta tayo sa music room. Tumayo nako at hinatak siya.
Teka hindi kumpleto yung sinabi mo eh.. doon na nagsimula nili ano?
Nothing more important.
Ano nga? Bigla niya akong hinatak paharap tapos na out of balance ako. Buti nalang nasalo niya ako pero eto nanaman kami. He is too close to me again. Face to face, Heart to heart.
BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...