Time Check: 6am sharp. Kakagising ko lang tulog parin sila. Naghilamos at toothbrush na ko tapos isa isang tinapik at ..
Gising na oy. Tanghali na.
Gising na silang lahat at nag aayos nalang kami ng gamit magbubuhay bukid muna kami ngayon haha. Nakakamiss din ang fresh air.
Akin na bag mo. Ako na magbubuhat. Sabi ni Lennard.
One point. Sigaw ni Puja na parang tuwang tuwa.
One point?
Nagugutom na ko. Tara na. Sabi ni Junella.
Good. Hahaha Sabi naman ni Paris.
Sumakay na sila ng bangka lahat ako nalang naiwan nakakatakot kaya! Haha takot pa naman ako sa dagat hindi kasi ako marunong lumangoy tapos biglang may nagsalita..
Halika amin na kamay mo. Sabi ni Jared.
Yes One Point. Sabi ni Junella nung saktong pagkaupo ko. Ang weird..
Nandito na kami. Mabilis lang naman yung byahe 10 minutes lang.
Hi. Magandang umaga. Tara handa na ang makakain. Sabi nung matanda na namamalakad ata dito na parang tourist guide andami kasing pinagsasabi haha.
Maraming mga pasyalan dito, may horse back riding kami dito, garden na puro butterfly, uderground cave, hidden falls at marami pa. Sabi niya.
Astig po pala dito ang daming pwedeng gawin. Sabi ni Paris.
Adventure na ituu. Sabi ni Blight.
Pagkadating namin dito sa bahay kubo na mukha talaga siyang kubo kasi maliit lang..
Osige kumain na kayo at pagkatapos pwede niyong tawagin ang anak ko sa loob para itour kayo dito. Sabi ni Lola na nagdala saamin dito.
Sige po salamat po lola. Sabay abot ng pera sakanya tapos ngumiti lang ako.
Salamat anak. Makakatulong ito ng malaki.
Umupo na kami at nag umpisa kumain.
Nakakamiss kumain sa dahon ng saging. Sabi ni Shania.
Bakit naranasan mo na bang kumain jan?
Hindi pa. Sinasabi ko lang yung magiging feeling ng nanay ko pag siya yung nandito hahaha. Dagdag ni Shania.
Dahon ng saging na pinangtakip ni Adan sa ano niya. Hahahaha. Sabi ni Alvirah.
Hahahahaha! Hahahaha! Kadiri nakain eh. Sabi ni Lennard.
Kaye tikman mo masarap. Sabi ni Warren sabay subo saakin ng tuyo (yung isda ha?) Haha.
Pwede na. Dati hindi ako kumakain niyan eh.
Rich kid ka kasi. Sabi ni Paris.
Oy. One point pala yun. Sabi ni Alvirah.
Natapos na kami kumain. Super busog.
Saan na tayo pupunta ngayon? Tanong ni Shania.
I'll let you decide. Haha.
Horse Back Riding! Sabi ni Jared.
Oo nga gusto kong matry un. Sabi ni Alvirah.
Okay. So tara na. Haha.
Nandito na kami sa farm andaming Vice. Ay hahaha. Andaming kabayo tapos may mga maliliit pa. Astig.
Tara! Nakakaexcite. Sabi ni Shania.
Oo nga family reunion niyo Shania. Hahaha Joke. Sabi ni Alvirah.
Tapos ayun isa isa na silang sumakay. Ako, Si Warren, Si Jared, Si Puja, Si Lennard at Si Paris wala nakatingin lang ewan ko kung bakit ayaw pa nito sumakay.
Sakay tayo. Sabi ni Warren.
Ayoko. Maitapon pa ko nyan sayang tong mukhang to. Hahaha.
Akong bahala. Trust me. Sabay hila ng kamay ko.
Una siyang tumaas sa kabayo tapos inalalayan niya ako.
Ayoko pang mamatay ng maaga! Hahaha.
Mauuna ako bago ikaw. Sabay nakita kong ngumiti siya. Kumapit ka lang ng mabuti saakin.
K. Haha. Tapos yumakap na ko sakanya ng mahigpit.
BOOM! TWO POINTS! Hahaha. Sabi ni Alvirah.
• Puja's POV •
Nakatayo lang kami dito hahaha badtrip.
Yan ang tagal mo kasi eh. Naunahan ka nanaman ni Bestfriend. Haha
Okay lang yan. Bestfriend lang siya hindi siya nanliligaw. Sabi ni Lennard.
Eh bakit ganyan mukha mo? Hahaha. Halatang nagseselos.
Naiinis lang. Lalapitan ko na sana eh. Okay lang marami pang time.
Pero teka bestfriend lang kamo? Minsan ang bestfriend may lihim na pala na pagtingin.. haha. Baka hindi natin alam patago na palang nafafall.
Edi game. Kayang kaya yan. Basta hindi ko susukuan si Kaye. Mahal ko siya.
Mahal ka rin ba niya? HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...