Closer and Closer

532 20 0
                                    

Hay. Kulang yung tulog ko ngayon si Tito kasi eh tumawag kanina tapos mga 4:30 pa bago ako nakatulog. Okay lang friday naman na ngayon eh.

Mukhang antok na antok ka ah? Hahaha. Pagkadilat ko ng mata ko nakita ko si Warren.

Hala? Ano ginagawa mo dito? Sabay takip ng kumot sa buong katawan ko.

Grabe talaga to. Hindi ako manyakis oh ano. Wala akong gagawin sayo. At hindi ikaw yung tipo ko. Hahaha.

Kapal mo talaga. Mas maganda nga ako dun sa kalove team mo eh haha. Teka bakit ang aga mo? Kanina ka pa ba dito??

Hindi kakapasok ko palang. Kumain ka na. Nagluto ako. Sabay ngiti saakin

Luto? Bahay mo na pala to? Haha. At marunong ka pala magluto?

Oo naman minamaliit mo ko eh. Haha. Pumunta kasi sa supermarket Yung mga maid kasama mommy mo tapos kuya mo naman maaga pumasok. Edi sabi ko kung pwede kita ipagluto. Sabay kindat saakin.

Tara. Matikman nga niluto mo. Hahahaha. Sabay takbo pababa.

Nakita ko siya na naghahain tapos nilalagyan yung plato ko ng pagkain.

Konti lang ginagawa mo kong balyena eh.

Konti lang naman to ah. Sa ilang buwan nating pagsasama. Syempre alam ko naman na palagi ka nagdidiet eh hahaha.

Ako magdidiet? Eh ang payat payat ko kaya!

Nagsalita nagsa.. bigla kong sinubuan ang daldal eh.

Aru aru Bru Bru. Sabi niya.

Ha? Ano sinasabi mo? Hindi ko maintindihan. May la.. hindi narin natapos pagsasalita ko sinubuan ako eh.

Hahahahah! Hahaha! Nakaganti ako. Sabi niya tapos nag sign ako ng wait sa kamay.

Ewan ko sayo! Maliligo na nga ako. Jan ka lang ah. Sabay naglakad nako papunta sa kwarto.

Oo. Akala mo naman pagnanasaan kita! Asa ka pa. Hahaha. Sigaw niya.

Ganito pala magkaroon ng nag iisang lalaking bestfriend? Yung open kayo sa isat isa na masasabi mo lahat sakanya at mafefeel monh pinoprotektahan ka niya.

Wow ha? Napaka feel at home mo na. Binuksan mo pa TV at nakataas pa yang paa mo. Hahaha

Tagal mo eh. Nakatulog na nga ata ako ng isang oras dito.

Grabe edi sana late na tayo diba? Haha tara na baka malate nga talaga tayo.

Amin na yan. Sabay kuha ng libro na hawak ko tsaka ng project ko.

Oy ingatan mo yang project ko. Mas importante pa yan sa buhay mo. Hahaha Joke. Sabay ngiti sakanya.

Hahaha! Wala nga tong buhay eh.

Naka kalahating subject na kami hindi ko na kaya ipipikit ko na talaga mata ko inaantok na ko.

Hey! Sabi ni Warren sabay hatak ng buhok ko. Papaluin ko sana eh kaso pagkadilat ko napakalapit ng mukha niya saakin parang mga 15 inches lang ata layo!

What?! Im sleeping.

This is not your room. Tapos biglang bumulong.. Wag ka matulog baka tumulo laway mo!

Kadiri. Hindi ako ganun baka ikaw ganun. Hahaha.

Uwian na kaso late na kami pinalabas 6pn na. Matutulog na agad ako pagkauwi! Naglalakad na kami.

Punta tayo somewhere. May alam ako na park dito maganda daw tapos kain narin tayo. Sabi ni Warren.

Really? Ngayon talaga? Hahaha!

Oo bakit may gagawin ka ba?

Wala lang. Tara na punta na tayo. Bakit ganun hindi ako makahindi sakanya? Hahaha. Bahala na. Kaya pa naman ng antok ko eh haha.

Nandito na kami sa may park konti lang tao at hindi maingay kaya nakaka peaceful sa pakiramdam. Sarap matulog haha.

Oy teka bat mo kukunin yan? Hindi naman sayo yan eh.

Pwede to. Libre to dito basta ibabalik lang. Sabi niya habang kumukuha ng tela.

Ahh okay. Hahaha. Hanap na tayo ng pwesto.

Tapos ayun nilatag na niya yung parang banig pero tela basta pang picnic haha.

Bibili muna ako ng papakain ko sa baboy ko ha? Sabi niya.

Grabe! Mapayat nga ako eh. Makababoy to. Bumili ka na nga.

Pagkabalik niya may dalang box ng pizza tapos cadbury na chocolate tapos starbucks.

Ano ngini-ngiti mo jan? Tanong niya.

Wala alam mo na talaga paborito ko noh? Hahaha.

Syempre. Matalas ata memorya ko. Haha.

Umupo na kami at kumain..

Teka magccr lang muna ako.

Bakit natatae ka na? Tanong niya.

Grabe! Haha hindi iihi lang ako noh.

Pagkabalik ko nakatalikod magulat nga to hahaha.

Huy! Sabay hawak sa balikat niya.

Hahahaha. Wa epek hindi ako nagulat.

K. Haha. Sumandal nalang ako sa likod niya.

Picture tayo. Sabi niya sabay labas ng phone niya. Ako naman, wacky pose hahaha.

Panget burahin mo.

Hindi ah cute nga eh haha. Isa pa.

Yung baba ko nasa balikat niya sabay ngiti. Hahaha. :) tapos sumandal nalang ulit ako.

• Warren's POV •

Nagugutom ka pa? Gusto mo kain muna tayo bago umalis? Naghintay ako ng ilang segundo hindi nagsalita..

Oy? Seryoso kasi.. wag mo ko pagtripan. Haha gusto mo pa kumain? Hindi parin nagsalita..

Kinuha ko yung phone ko tapos binuksan ko yung camera at tinapat sakanya nakasandal kasi siya saakin kaya hindi ko siya makita. Pag tingin ko, tulog na hahaha. Kawawa naman to kanina pa to inaantok eh. Dahan dahan kong nilipat yung ulo niya sa balikay ko at humarap nako sakanya para hindi mahirapan. After 30 mins ko nalang gigisingin haha.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon