Missing Part

437 7 0
                                        

Ano nasaan nanaman si Jared? Tanong ni Shania.

Wala. Absent daw. Sabi ni Paris.

Baka may sakit. Diba kahapon para siyang walang gana tapos hindi nagsasalita.. Sabi ni Blight.

Oo may sakit yun. Sakit sa puso! not literally heart attack. Broken hearted ba. Hahaha Joke. Sabi ni Alvirah.

Tigilan niyo nga yan. Sabi ni Blight.

Bakit alam mo o baka niyo? Tanong ni Junella.

Hindi. Hindi pa naman siya nagkekwento saamin eh pero ang sabi niya itatry niya daw ulit. Sabi ni Paris.

Eh sa mukha niya palang kagabi. Alam na sagot eh. Sabi ni Blight

Oh? Bakit kayo nakatingin saakin?

Wala lang. Sabay sabay pa na sabi nila.

One week na ang nakakalipas pero absent parin si Jared kaya pumunta na kami sa office para magtanong.

Bawal madami sa loob. Isa lang ang pwede. Sabi nung babae sa front desk.

Ikaw na kaye pumasok. Sabi ni Blight.

Sige. Hintayin niyo nalang ako dito ha?

Pumasok na ako sa loob ng office at nagtanong dun sa prof na naghahandle sa mga Engineering students..

Good Afternoon Prof.

Oh Ms. Villanueva? Anong kailangan mo? Sabi nung prof. buti nalang at mabait tong isang to.

Magtatanong lang po sana ako sa isa sa mga students niyo. One week na po kasi absent yung kaibigan ko. Si Jared Garcia. May alam po ba kayo kung bakit siya absent?

Ahh. Si Mr Garcia.. Wala na siya dito sa school, walang sinabing dahilan eh. Magta-transfer ata ng school.

Ahh sige po. Thank you po.

Lumabas na ko ng office. Lumipat? Bakit hindi kami ininform? O kung galit man siya saakin at ayaw niya ako makita bakit hindi niya nalang pinaalam kila Paris?

Oh ano sabi? Tanong ni Shania.

Lumipat na daw ata ng school.

Ha? Ng hindi tayo sinasabihan? Sabi ni Blight.

Diba? Ang labo.. teka. Diba alam niyo yung bahay ni Jared? Puntahan natin baka nandun siya.

Kami nalang. Baka dahil sayo kaya siya lumalayo.. Sabi ni Paris.

Sige. Balitaan niyo nalang kami.

Bigla nalang hindi nagparamdam.. Biglang umalis ng walang paalam.. Ang saya diba? Sabi ng relatives nila pumunta na daw ng ibang bansa tinanong nila Paris kung bakit, hindi daw nila alam. Ang useless diba? Naging relatives pa sila kung hindi naman nila alam yung nagyayari sa kapamilya nila. Teka bakit ba ako nagiging ganito? Eh hindi ko naman siya mahal.

Mahal mo siya. Sabi ni Shania.

Ha? Nandito nga pala kami sa kwarto ko. Girls day nanaman ngayon eh.

Ang sabi ni Shania, MAHAL MO SIYA. Diba? Tanong ni Junella.

Hindi nga. Hello! Isang buwan na ang nakakalipas nung umalis siya. Nung umalis siya ng walang paalam saatin. Isang buwan na.

Oo nga. Isang buwan na pero para sayo parang kahapon lang siya nawala. Sabi ni Shania.

Kasi nanjan na noon. Pilit pang dinedeny tapos ngayong wala saka hinahanap. Sabi ni Alvirah.

Saka pa marerealize na mahal niya pala talaga si Jared. Sabi ni Shania.

Na hindi niya pala talaga kayang wala si Jared sa buhay niya. Sabi ni Junella.

Ngayon, sinong tanga? Sabi ni Alvirah.

Sinong bobong ideny ang nararamdaman noon? Tanong ni Shania.

At sinong baliw na itaboy palayo ang taong mahal niya? Tanong ni Junella.

Ako ngang tatlo ay tigil tigilan niyo ha?

Hindi ka namin titigilan hanggang hindi mo sinasabi saamin na.. Sabi ni Junella

MAHAL MO SIYA! Sabi ni Alvirah.

Ewan ko. Ewan ko!

Ewan? Hoy Kaye. Ewan ba ang tawag doon? Halos halughugin mo ang buong Pilipinas para lang makakuha ng impormasyon kung nasaan talaga siya.. Mahal mo na siya boy! Sabi ni Alvirah.

Ewan ko. Ewan ko kung mahal ko siya o namimiss ko lang siya. Nako bahala na nga kayo jan. May isa pakong class sa hapon!

Anong class? Eh si Alvirah wala naman ah? Tanong ni Shania.

May pinapagawa sakin si prof. magbibihis na ko. At kayo umuwi narin kayo. Bye. Sabay tulak sakanila palabas ng kwarto ko. Ang bait kong kaibigan noh? Hahaha.

Oo na sige na. Gusto mo lang tumakas sa usapan tungkol kay JARED eh. Sabi ni Junella.

Anong takas? Eh palagi niyo ngang bukang bibig yan si Jared. Nakakarindi. Moved on guys wala na siya. Masaya na yun sa desisyon niya!

Wala naman talaga akong class. Oo gusto ko lang talaga makatakas sakanila. Naglalakad lakad lang ako dito malapit saamin. Naguguluhan ako. Mahal ko ba siya o Namimiss ko lang siya? Siguro both!

Totoo naman kasing nakakamiss siya eh. Namimiss ko yung taong sasamahan ako sa pag kain, yung taong palagi akong kukulitin at yung taong palaging nagpapapansin.

Sabi nila nasa huli daw ang pagsisisi! Oo nasa huli talaga. Tama sila eh. Tanga, Bobo at Baliw ako. Nanjan na pinakawalan ko pa. Kung kelan wala na, saka ko pa marerealize na mahal ko talaga siya. Palagi nalang fail mga bagay sa buhay ko.

Nagsisisi akong sinaktan ko siya. Sana may matalinong makaimbento ng time machine! Para mabalikan ko yung araw na yun. Para hindi ko nalang siya sasaktan at higit sa lahat, para ma tama ko ang mali ko.

Please lord, pakibalik na po siya. Next time, mag iingat na po talaga ako sa mga kilos ko. Think first before doing actions.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon