Nagising nalang ako nandito na ko sa kwarto at 12:18pm na. Ang huli kong natatandaan ay naiyak ako sa neverland.Bumaba ako at nakita ko sila Alvirah, Junella at Shania nakain kasama si Kuya.
Good Afternoon Kaye. Sabi nila Junella.
Ang tagal mo magising. Kanina pa sila nandito. Kumain ka na. Sabi ni Kuya.
Hindi ako nagugutom.
Osige. Samahan mo nalang muna sila dito. Aakyat nako. Bye girls.
Bye Kuya Nathan. Sabi nila Alvirah.
Nandito kayo kagabi?
Oo kami nga naghatid saamin sayo dito eh. Si William kasi.. sabi ni Junella pero hindi na natuloy pa yung sinabi tinakpan ni Alvirah yung bibig niya eh.
Si William? Anong meron sakanya?
Siya ang nakakita sayo dun sa may park walang malay tapos tinext niya kami para sunduin ka. Sabi ni Shania.
Ano ba ta.. Sabi ni Junella pero tinakpan agad ulit ni Alvirah tapos siniko pa.
Alam niyo nanaman nangyari eh. Diba?
Break na ba kayo? Tanong ni Alvirah.
Oo. Kagabi lang.
Kagabi? Edi ibig sabihin.. Sabi ni Junella pero tinakpan naman ni Shania..
Isa pa sasapakin ka na namin. Sabi ni Alvirah kay Junella.
Ano ba kasi yun? Derechohin niyo na ko. Please.
Nakita mo na ba yung sa facebook? Tanong ni Shania.
Hindi pa bakit anong meron?
Ehh kasi.. Yung profile pic ni Jared.. Kasama si Alex.. Sabi ni Junella.
Tapos may nalaman pa kami.. Kahapon pala nandun din sila sa Seaside tapos may nakapagsabi na nagholding hands daw yung dalawang yun. Sabi ni Alvirah.
Ahh haha. Okay lang yun. Saglit lang kukuhain ko lang phone ko ha? Tapos tumayo na ko at tumaas sa kwarto.
Eto nanaman ako. Umiiyak nanaman. Binuksan ko phone ko at tinext siya.
Babe. Sorry na. I love you so much. :(( :* Magbabago na ko.
✔Sent to Babe.Biglang pumasok sila Shania..
Iiyak ka nalang tatago mo pa. Nandito naman kami oh. Were your friends. Haha sabi ni Junella.
Bakit ganun? Kung kelan seryoso na ako saka pa ako sinaktan ng tadhana?
Sometimes we just need to learn from our own mistakes. Hindi naman sa ano, pero malay mo baka ginawa yun ni God para malaman mo kung gaano kasakit ang saktan ng taong mahal mo. Sabi ni Shania.
Just like what you did in your past ex's. Hayaan mo na yun. He's not worth it para sa love mo. Sabi ni Alvirah.
And he dont deserve someone like you. Sabi naman ni Junella.
But I deserve him. I love him so much.
Pagkatapos namin mag usap. Umalis narin sila. Nag online nalang muna ako sa facebook at nakita ko siyang online kaya chinat ko..
Hi..
Hello bakit?
Wala lang
kamusta?
Okay lang.
Ikaw?
Okay lang
din? :(Hindi na siya nagreply. Ang sakit malaman na okay lang siya habang ako eto nagdurusa. Parang walang nangyaring break up sakanya eh. Ganun nalang kabilis yun?
•• Alvirah POV ••
Ngayon lang nagkaganun si Kaye. Nakakaawa naman kung kelan kasi nagseryoso, pumalpak pa yung tadhana.
Dialing Jared..
Bakit? Tigilan niyo na nga ako. At sabihin mo sa kaibigan mo tigilan niya na pagtetext saakin!
Wala ka na ba talagang feelings para sakanya? Kahit konti?! Maawa ka naman sa tao.
Wala na kaya tigilan niya na ko!
Call Ended.
Hay nako. Wala na talagang pag asa! Sa isang araw, isang beses lang kumain si kaye tapos hindi pa lumalabas sa kwarto.. Bukas Christmas Eve na..
BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...