Nandito na ko sa loob ng classroom. Ang aga ko palaging ihatid dito sa school. Makapagreview na nga lang muna sa Ekonomiks.
Kaaaaaaye! Sigaw ni Junella.
Nakakabasag talaga ng Eardrum yang bibig mo! Hahaha.
Ano yan nirereview mo? At Bakit ka nga pala tumawag kagabi? Tulog na kaya ako nun.
Ekonomiks. Wala kailangan ko lang sana ng kausap pero wala na yun.
Hala may quiz tayo?! Ahh ano ba yun? Nagmamadali na hinanap yung Ekonomiks notebook niya sa bag. Hahaha.
Oo bakit hindi ka nagreview noh? Wala wag na natin pag usapan.
Nakalimutan ko pero okay lang hindi ka din naman nagreview eh hahaha. quits lang tayo.
Anong hindi? Nagreview ako noh. Tinitignan ko lang para sigurado.
Umupo si Ju sa tabi ko habang nagrereview at ako naman nagti-twitter nalang muna. Alam ko nanaman kasi eh. After 30 minutes halos kalahati na nang klase yung nandito..
Ano yan Ju? Tanong ni Alvirah na kakarating lang.
Ekonomiks. May quiz daaaw. Sabi ni Ju.
Nanlaki mata ni Alvirah haha. That Face Ading. Hindi ka nagreview noh?
Hindi ako nainform!!! Leche.
Hahahaha! Hahahaha! Tumawa nalang kaming dalawa ni Ju.
Ngayon magkakatabi kami at etong dalawa nagrereview padin.
Oy! Nanjan na si Shan kasama si Blight panigurado nakalimutan din nito magreview.
Hi Guuuys. Nakangiting sabi ni Shania.
Nagreview ka sa Ekonomiks? Tanong ni Junella.
Oo, Ako pa. Pagmamayabang na sabi ni Shania.
Tulong hinahangin ako!! Patawang sabi ni Alvirah.
Hahaha! Gago! First subject kaya yan. Sabi ni Shania.
Approximately 5 minutes from now magbe-bell na! Hahaha.
Sige mang asar pa kayong dalawa. Purkit nakareview kayo, magkakaaraw din kayo Hahahaha! Sabi ni Junella.
KRRRRRRIIIIIIIIING!
I told you Ju at Ading. Hahaha. Goodluck.
Umupo na ko sa upuan ko at sila din pumunta na sa upuan nila. Tumatakbo naman na pumasok si Jared at umupo sa tabi ko kasi nga seatmate kami haha.
Hi Samantha. sabay kindat saakin.
Hello. hahaha tigilan mo nga pagpapacute mo hindi bagay sayo. Haha Joke. sabay ngiti sakanya.
Ano first subject? Tanong niya.
Ekonomiks. Nagreview ka?
Oo nung tumawag ka kakatapos ko lang magreview..
Ahh hahahaha.
Pumasok na si Sir Gorospe ang pinakaboring na teacher namin sa Ekonomiks hahaha. Sabay sabay kaming tumayo at..
Magandang Umaga po Sir Gorospe. Sabi naming lahat.
Sige maupo kayo. Maglabas kayo ng 1/2 crosswise and one seat appart. Sabi ni Sir.
Andami dami nanamang bulungan sa classroom.. Hala may quiz? Nagreview ka? Patay bagsak. Wala naman siyang sinabi. Nakalimutan ko magreview.
Okay mag umpisa na tayo. Sabi ni sir.

BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Ficțiune adolescențiNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...