Gising na kayo 7:30 na. Sigaw ni Kuya.
Ang aga pa tska nagpapagising ba kami?
6hrs kaya ang byahe niyo sa pupuntahan niyo diba?
Tapos isa isa na silang bumangon.
Nako si Kuya Nathan mas excited pa saamin. Sabi ni Alvirah.
Saan nga ba tayo pupunta? Tanong ni Shania.
Basta haha. Tara na kain na tayo.
Bumaba na kami. Kumain, Naligo ay nag ayos ng gamit. Pasakay na kami sa Van.
Oh gamitin mo tong credit card mo. Sabi ni mommy.
May laman pa naman tong isang credit card ko eh. No need.
Baka kulangin.
Hindi nga sobra sobra pa to.
Okay sige. Magdedeposit nalang ako jan bukas.
Wait lang may nakalimutan ko yung tripod sa taas kuhain ko lang. Sabi ko sakanila.
Sige. Sakay na kami.
Pagkataas ko, kinuha ko na yung tripod at bumaba na. Pagkapasok ko sa van sinave nako ni Warren ng upuan sa likod kaso ang awkward. Bakit? Kasi nasa pagitan nila ako ni Jared si Warren nasa bintana. Pagkaupo ko..
Palit tayo. Bulong ko kay Warren.
Alam mo naman na di ako sanay sa walang bintana eh. Hahaha okay na yan.
Ang aga pa 8:30 pa lang inaantok pa ako.
• Warren's POV •
Kaye saan ba talag.. Sabi ni Shania Pero hindi na natuloy pa sasabihin niya pinatahimik kasi siya ni Jared.
Shh! Tulog. Sabi ni Jared.
Pagkatingin ko nasa balikat siya ni Jared. Nagsoundtrip nalang ako. Hindi ako nagseselos. Hahaha. Maya maya nakita ko na umaalog ulo niya dahil sa mga hamps kaya nilagay ko yung ulo niya sa balikat ko tulog narin naman si Jared eh tapos natulog narin ako.
• Kaye's POV •
Pagkagising ko malapit na kami at pagkagising ko, nasa dibdib nako ni Warren at nakayakap pako! Nako sana hindi nila nakita.
Gising ka na pala. Sabi ni Alvirah.
Ay hindi hindi tulog pa ko. Nananaginip pa nga ako eh. Haha.
Whatever Kaye. Sabi ulit ni Alvirah.
Saan ba talaga tayo pupunta Kaye? Tanong ni Shania.
Sa Mars mukha ka kasing alien. Haha
Matulog ka nalang nga! Hahaha. Ang tahi-tahimik kanin ng tulog ka. Joke. Sabi ni Puja.
Grabe yun. KUYA Puja. Hahaha
Yan talaga pang asar mo saakin noh? Haha mamaya ka saakin pagbaba. Sabi ulit ni Puja.
Wag. Tatlo yan oh. Si Past, Si Present at Si Future. Sabi ni Junella.
Hindi ang sabihin mo: Si Umaasa, Si Bestfriend at Si Naghihintay. Haha sabi ni Alvirah.
Mas maganda yung kay Ju. Sabi ni Shania.
Na Ne Ni No one cares! Hahaha Sabi ni Alvirah.
Bente ako kay Alvirah sapakan na yan oh. Hahahaha.
Ma'am nandito na po tayo. Sabi nung driver.
"Rio Grande Resort?" Tanong ni Warren.
Diba yan yung sa EK? Madami ba nun dyan? Tanong ni Lennard.
Weh Corny.. Sabi naming lahat haha.
Hindi! Rio Grande. Yung kapatid ni Xander Grande na ibon. Hahaha. Sabi ni Alvirah.
Nako usong uso na ang kacornyhan ng mga tao ngayon hahaha! Tara na nga.
Pumasok na kami sa Resort pero bago kami makapunta dun sa pagiistay-an namin kailangan muna namin sumakay ng Mini Car para siyang sasakyan ni pope pero sa likod 8 na upuan so mas malaki dun kay pope basta ganun haha.
Ma'am ipagdadrive ko po ba kayo? Tanong nung nag assisst sa resort na yun.
Hindi ipaglakad mo kami hindi kami marunong maglakad eh.
Nahawa ng kacornyhan hahaha. Joke Yenoh. Sabi ni Warren.
Hahaha ewan ko sayo. Sabay hampas.
Sumakay na kami at habang kami ay naglalakbay.. hahaha! Napakalalim na salita.
Ang ganda dito Kaye. Sabi ni Junella.
Buti nalang at may kaibigan kaming mayaman hahaha. Sabi ni Alvirah.
Hahahaha! Tama. Sabi ni Shania.
Nandito na kami sa para siyang bahay kubo kasi gawa sa kawayan yung bahay pero malaki at may aircon..
Ayusin na muna natin mga gamit natin. Mamaya masasaksihan natin ang napakagandang atraksyon ng resort na ito haha.
Ms. Marife ikaw ba yan? (Yung teacher namin sa Filipino noon na malalim kung magsalit at whogoat talaga haha) Tanong ni Blight.
Hahaha! Hahaha! Sabay sabay kaming tumawa.
Ano ba yung pinaka magandang atraksyon dito? Haha tanong ni Paris.
Basta surprise.
I hate surprises duh. Haha Sabi ni Puja.
Ako, I love surprises. Sabi ni Shania.
Okay. Surprise! Panget ka! Hahaha joke.
Ang hard nun. Sabi ni Jared.
Pero wala nang mas hahard pa sa ginawa mo.. Sabay ngiti sakanya. JOKE! Hahaha. Tapos ayun parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik namin.
Booooooom! Tara na mag ayos na tayo hahahaha. Sabi ni Alvirah.
Nag ayos na kami ng mga gamit at pumunta sa seaside.
Magswi-swimming tayo? Kaya ayoko ng surprises kasi hindi prepared yun isusurprise haha. Sabi ni Shania.
Hindi, may oras tayo para jan. Look up.
Look up, Look up, Shake, Shake, Shake. Sabi ni Warren.
Idol mo pala yung kabilang station ah? Hindi ka loyal! Hahaha. Sabi ni Paris.
Loyal ako noh. Sabay tingin saakin at ngiti hahaha! That smile thou. ❤
I mean yan oh! Sabay turo sa araw.
Ahh sunset? Tanong ni Jared.
Memories! Sabi ni Alvirah?
Ano yun?
Ang bitter inday? Hahaha. Sabi ni Blight.
Saakin kasi, ang nakaraan ay nakaraan na hindi na dapat pang binabalikan.
Does it already answer the question of someone? Tanong ni Paris.
Nosebleed haha. Wala akong sinasabi. Ienjoy nalang natin tong sunset. Haha
Syempre ang pinaka pinunta namin dito, picture dito at picture doon hahaha.
Kaye! Picture daw kayo ni Lennard. Sabi ni Puja habang hinahatak ako. Wala akong nagawa kundi ngumiti nalang haha.
Tapos after ng sunset bumalik na kami sa cottage namin.
Bukas gising kayo ng maaga magbabangka tayo papunta dun sa mini farm nila dito. Dun tayo magbreakfast. Yan ah hindi na surprise para makapagprepare kayo hahaha.
This is going to be exciting. Sabi ni Junella.
Pinatay na namin yung ilaw at natulog na maaga pa kasi kami bukas.

BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...