Sorry Na

528 31 0
                                    

Today is Nov. 1. Kakagising ko lang mejo okay narin ako kesa kagabi sobrang galit. Every Nov 1 wala dito lang kami sa bahay. Wala pa naman kasi namamatay saamin. Binuksan ko na phone ko. Pagkabukas ko may 32 missed call from Jared. Ano to? Mamatay na ba ko? Hahaha. Bumaba na muna ako para kumain.

May lakad kayo ni Eliza kuya?

Wala pupunta sila ng sementeryo ngayon eh. Kayo ng boyfriend mo slash koleksyon mo?

Ewan ko sayo. Seryoso na ko okay? Kumain ka na nga lang jan kuya!

Hahaha galit agad eh.

Oh kaye gising ka na pala. Kamusta fieldtrip niyo? Tanong ni mommy.

Bwiset nandito pala to. Sana hindi nalang ako bumaba. Hayy.

Tataas na ko nawalan na ko ng gana eh. Tumayo na ko at pumunta ng kwarto.

Wala akong magawa. Gusto ko magrelax. Naligo ako at nagpahatid dito sa "Neverland" pinangalanan namin ni Jared na ganyan tong place na to kasi dito siya nagpromise saakin. Nandito ako ngayon sa tapat ng puno kung saan siya ng promise at pinagmamasdan lang to. Malapit na pala kami mag 1month. Ilang days nalang.

•• Jared POV ••

Nandito ako ngayon sa bahay nila Kaye kaso wala siya. Umalis daw. Hihintayin ko nalang muna dito sa labas ng bahay nila..

Dialing Alvirah...

Hello bakit?

Tanungin mo naman si Kaye kung asan siya pero wag mo sabihin na ako nagpapatanong..

Hindi pa ba kayo okay? Asan ka ba?

Hindi pa eh. Pero magsosorry na ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila eh.

Ahh sige. Tatanungin ko nalang siya. Text ko nalang sayo..

Sige thank you..

Call Ended..

After ng ilang minuto nakita ko nang pumasok yung kotse niya kaya nag ready na ko. Punwesto ako sa tapat ng pinto at nagdoorbell pagkalabas niya nag umpisa na ko.

♬♪♬♪
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya Kung may nasabi man ako init lang ng ulo Pipilitin kong magbago pangako sa iyo. Sorry na.
♬♪♬♪

Kaye sorry na sa mga nasabi ko. I trust you. Hindi ko lang talaga maiwasan minsan na baka isa rin ako sakanila eh.

Oo na. I just want you to know na seryoso na ko sayo. Ikaw ang nagbago sa buhay ko, sa mga pananaw ko. Nagselos lang ata siguro ako. At first time ko kasi tong naramdaman..

Lumapit siya saakin. Yung sobrang lapit. Nagkatitigan kami. Naramdaman ko yung labi niya sa noo ko. His soft lips go down to my lips. In that very moment feeling ko nahinto yung oras. I felt that spark all over my body.

I love you so much Kaye. Pabulong na sabi niya.

I love you too. More than anyone. Dito ka na kumain. Sabi ko sakanya sabay ngiti.

Wag na. Dederecho din ako ng sementeryo eh. Gusto mo sumama?

Hala bat naman ako sasama? Eh hindi ko naman kilala yun haha.

Dadalawin lang natin yung puso kong patay na patay sayo. Sabay kindat saakin.

Hay nako Jared Garcia. Haha sige na pumunta ka na. Baka hinahanap ka na dun. Ingat ah? Love you.

Opo mag iingat ako papakasalan pa kita eh. I love you more.

Nakaalis na siya. Pagkapasok ko nakangiting wagas si Kuya Nathan.

Ano ngini-ngiti mo jan Kuya?

Yun pala yung bago mo ah. Gwapo naman pero mas gwapo ako. Hahaha. Sabi ni kuya sabay nagpacute.

Hay nako kuya. Hahaha ewan ko sayo.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon