Reality

469 25 0
                                    

Ilang araw nalang graduation na. College na ko ang bilis talaga ng panahon..

Oo nga eh. Dati crush lang kita, ngayon mahal na kita. Sabi ni Warren.

Ha? Nabasa mo naiisip ko? Hahaha. Leche.

Hahaha. Ako pa magaling ata ako. Its just means kilalang kilala na kita! Kasi alam ko na tumatakbo sa utak mo.

Hindi ka ba napapagod?

Ha? Bakit? Hindi naman tayo nag aaway ah?

Hindi. Palagi ka kasing tumatakbo sa utak ko eh. Hahahaha Boom Paneys you.

Hahahaha. After graduation babalik na ko ng Pilipinas. Sama ka?

Napag usapan na po natin yan diba? Nakalimutan mo na? Sabi ko habang pinipisil yung pisngi niya haha.

Nakalimutan ko na eh. Joke hahaha. Alam ko yun sabi mo pa nga..

FLASHBACK•

Nandito kami sa seaside nakain syempre eto naman ang gawain namin pag magkasama foodtrip haha.

Teka.

Bakit? Haha babawiin mo na ba yung Yes mo kanina?

Hindi pero baka bawiin mo na yung panliligaw mo. Hahaha.

Pwede ba yun? Bakit ano ba naisip mo?

Were just both hiding. Kung baga parang panaginip lang lahat ng to hindi ito yung reality eh. Artista ka, ako lang to.

This is the reality. Artista man ako o hindi, ikaw padin tinitibok ng puso ko. At handa akong ipagsigawan sa Media na.. tumayo siya sabay sumigaw.. MAHAL NA MAHAL KO SI SAMANTHA KAYE VILLANUEVA!!!!!

May natutulog na. Ang ingay mo umupo ka na nga dito hahaha. Sabay hila ng damit niya.

Sa seaside may natutulog? Bago yun ah hahaha pero seryoso handa akong sabihin sakanila na mahal kita and I dont even care what will they say.

But I have a favor..

Ano yun?

Wag mo nalang sabihin sa iba. Pwede naman na tayo nalang ang nakakaalam at mga magulang natin?

Osige kung yan gusto mo ikaw boss ko eh hahaha.

Okay lang sayo?

Oo naman. Lahat ng gusto mo gagawin ko.

So pag may ibang tao, we act like bestfriends.

Bestfriends na sweet?

Pwede narin hahaha. Basta ganun na nga.

Haha sige. Tara na uwi na tayo gabi na.

Sige tara na.

Wait..

Bakit? Babawiin mo na ba yung panliligaw mo? Hahaha

Sana kaso Hindi nababawi eh haha. Joke lang. After ng graduation babalik nako sa Pilipinas.. Sumama ka na kaya saakin para parati parin tayong magkasama..

Nandito na buhay ko, wala nakong babalikan pa dun. Pwede ka naman siguro bumisita nalang dito paminsan minsan at may skype naman.

END OF FLASHBACK•

Yun. Ganun sinabi mo. Sabi ni Warren.

Hahaha Oo at ang sabi mo: "Sige pero baka magbago isip mo, tatanungin nalang ulit kita bago mag graduation" end of qoute haha.

Kaya eto tinatanong ulit kita.. pero once said is already said.

Hahaha ano daw?

Wala sabi ko I love you!

I love you too. Sabay ngiti sakanya.

Nakauwi na si Warren at ako naman tataas na sana ng kwarto ng biglang tinawag ako ni Kuya.

Kayeeee! Sabi ni Kuya Nathan.

Bakit?

Pupunta si mommy sa Pilipinas bukas.

Okay. So hindi siya aatend ng graduation ko? Okay lang sanay na ko. Hahaha.

Hindi tanga may aayusin lang tapos.. hindi na natuloy yung sasabihin ni kuya nagsalita na kasi si mommy.

Babalik na ko. Papalampasin ko ba naman yung anak kong gragraduate ng Valedictorian? Nandito na ko bago graduation niyo. Promise.

Hindi na ko nagsalita pa. Umakyat nalang ako ng kwarto at natulog na.

Papasok na kami sa school nakakatamad ng pumasok wala nanaman ginagawa eh last practice nalang ng Graduation.

Wag nalang tayo pumasok ngayon. Bigay mo nalang saakin tong huling araw na to. Hindi ko siya tinignan nagsalita lang ako.

Hinarap niya yung mukha ko sa mukha niya tapos nagsalita siya. Sabi ko naman kasi sayo sumama ka nalang saakin pero I respect your decision. Someday, magkakasama din tayo yung paghabang buhay.

I love you so much. Sana pagbalik mo dito o kaya pag nandun ka na, walang magbago. Sana ikaw parin yan yung bestfriend/boyfriend ko. Sabay yakap sakanya.

Hay nako tama na nga to. Hahaha tara na punta nalang tayo sa seaside.

Buong magdamag nagkwentuhan kami, nagtitigan at nagkulitan. Mamimiss ko lahat ng to pag umuwi na siya...

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon